"Good Morning Maynila, Good Morning Philippines! Rise and Shine, everyone!" paggising ko sa mga kasamahan ko dito sa boarding house.
"Ano ba yan, ang aga-aga. Ang ingay mo na agad Shanine." reklamo sa akin ni Monay. Kasamahan ko dito sa boarding house.
"Oo nga, Shanine. Like it's so duper early pa naman eh." pagsang-ayon ni Mika kay Monay. Itong dalawa talaga, kambal talaga. Si Mika nga lang ay maarte, habang si Monay naman ay may pagka-boyish.
"Hello! 7:30 na, mga inday! Anong maaga dun? Hello, 8:30 klase natin. First day na first day, magpapa-late tayo agad." sagit ko naman sa kanila.
"Eh, malapit lang naman tayo sa school ah. Atsaka kung malate man tayo, wag kang mag-alala. Kami naman may-ari ng school. Sasabihan lang namin si Papa." sagot ni Monay sa'kin. Palibhasa kasi mayaman sila. Kung nagtataka kayo kung bakit sila nandito sa boarding house, sinasanay na kasi sila na habang maaga pa ay huwag silang aasa sa pamilya nila kasi daw balang araw, sila na ang magma-manage nung school na pinapasukan namin.
"Hays. Correct ka jan, sis. Papaunahin na muna natin yung ibang babae dito sa boarding house, maligo. Paano kung dun na lang tayo sa school maligo noh? Diba sabi ni Papa kagabi ay may VIP room daw tayo doon. Dun na lang tayo!" itong Mika talaga na'to. Kahit kelan, umaasa na lang lagi. Hahays, buhay. Parang life.
"Oo nga, Shanine! Tara, tatawagan ko lang si Manong Driver para sunduin tayo. Ayiee, i'm excited!" agad namang tumakbo si Monay pabalik sa kwarto nila at tinawagan ang driver nila. Ano pa bang magagawa ko? Pasalamat sila bestfriends ko sila.
Ipang minuto pa ay bumalik na samin si Monay na tuwang-tuwa. "Shanine! Ok na daw, anjan na sa baba si Manong Driver! Tara na Mika." agad namang tumakbo pababa si Mika at Monay, sumunod naman ako.
Nang nasa sasakyan na kami, "Manong Driver. Sa school po, doon po sa VIP Room na binigay sa'min ni Papa. Alam niyo naman po siguro kung nasaan yun, diba?" tanong ni Mika kay Kuya Carlos. Tumango lang naman si Kuya Carlos at nagsimula ng patakbuhin ang kotse.
Habang nasa kotse kami ay kung ano-ano na ang pinag-uusapan ng dalawa. "Ay, alam mo ba Shanine na may transferee daw sa atin." pagbaling ni Mika sa'kin.
"Weh? Sino naman iyon?" tanong ko dito. "I don't know eh, di ko kilala. Pero parang Win Oliver daw ata. Weyn Oliver? Ay hala. Bahala siya jan. Di ko kilala eh." agad akong natigilan.
"Ano ka ba Mika. Wayne C. Oliver yun. Haha" confirmed na nga. "Teka Shanine. Parang nabuhusan ka ata ng malamig na tubig jan. Kilala mo ba iyon?" nakatulala na pala ako.
"Ahh. Hindi, may naalala lang ako. Sino ba yon? Di ko rin kilala eh." pagsinungaling ko sa kanila. "Mga Ma'am, andito na po tayo." pagsingit ni Kuya Carlos sa amin.
"Ang lapit talaga ng school natin. Tara na nga, akyat na tayo. Bye Manong Driver. We'll call you later na lang." sabi ni Mika kay Kuya Carlos. "Salamat po Kuya Carlos." at bumaba na kami ng sasakyan.
Paglabas namin ay nakatulala lang ako sa bahay. Teka, ang sabi nila room lang daw? Pero bakit parang mansion na ito? "Shanine, come on! Let's go inside." at hinila na nila ako.
"There are 4 bathrooms here daw eh. 2 sa taas at 2 sa baba." sabi ni Monay. "Ako na lang sa taas, kayo na dalawa dito sa baba." sabi ko sa kanila.
"Sige, may extra uniforms na rin ata doon sa walk-in closet. Hiramin mo na lang, may size mo rin ata doon." sagot ni Mika sa'kin at tanging tango lang ang naisagot ko.
Agad ko namang tinahak ang hagdan paakyat. Ang dami namang kwarto dito, sigurado ba silang room lang ito? Mansion naman talaga ito eh. Hays, basta mayaman talaga.
"San ba ako patungo? Left or Right?" tanong ko sa sarili ko. Wala akong choice, room sa right ang pinasukan ko. Ang laki nitong kwartong ito! Halaa. Ang ganda dito.
Di na ako nag-kasaya at pumasok ulit sa pintong nasa left. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang bath tub, shower, toilet. Hala, kunpleto na ito. Agad-agad akong pumasok sa shower at naligo na. Buti na lang may heater ito, ang lamig kasi.
Pagkatapos ko maligo ay pumunta ako sa walk-in closet sa right at kumuha ng uniform doon. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.
"Kanina pa kayo jan?" tanong ko sa kanila. Nasa sala na kasi sila. "Hindi. You're on time. Tara na, alis na tayo."
---
"Ito ata ang Room 11-A. Dito tayo tatlo." pagpasok namin ay iba't ibang mga mukha ang bumungad sa'min. Agad kaming humanap ng mauupuan, since by pair ang mga upuan, ay nagtabi ang kambal.
"Dito na lang ako." at umupo sa upuan malapit lang din sa kanila.
Ilang minuto ay dumating na ang teacher namin. "Good Morning everyone. I am Miss Denzel. You're adviser this semester. Before we start, may transferee tayo." may pumasok sa room at nagsimulang magtilian ang mga kaklase kong estudyante.
"Okay, class. Quiet, come inside. Introduce yourself." agad namang tumigil ang mundo ko nung nakita ko kung sino ito.
"Wayne C. Oliver, 16 years old." at kumindat. Agad namang nagsi-tilian ang mga kaklase kong babae. "Ok, that's enough. Humanap ka na ng mauupuan mo." lumapit naman ito sakin at sa tabi ko umupo.
"Out of all places, dito pa kita ulit makikita. Bestfriend."
---
Hi guyz! Hope you like my Prologue! Stay tune.
-WackyGirl
YOU ARE READING
Attached Strings
Teen FictionAnnyeong everyone! This is Shanine Krizel of "Attached Strings". Hope you support me! A modern girl that's living her life to the fullest. Lucky-go-Wacky girl that's just going with the flow on her life. Read her story, and be part of her memoir. ...
