“’yan kasi napapala sa kakainom nyo. Tsk but don’t worry, just some old friends wants to see you. Mangungumusta lang daw sila.” sabay ngisi ko. Hindi ko na muna sasabihin, baka hindi na sumama eh. Asar pa naman sila sa kambal na ‘yun noon. Ewan ko lang ngayon na matatanda na kami. Eeww lang! Hindi pala matanda, sabihin na nating “mature.” haha
“Basta ba hindi ‘yung kambal na Salvatore eh, ok lang.” sabay nguya ni Keigh sa kinakain niyang sandwich.
“oh? Ba’t naman napasok ‘yung kambal na ‘yun sa usapan?” sabay inom ng kape ni Mimoi.
“Ewan ko ba. Para kasi akong nanaginip kagabi tungkol sa kambal eh. Nag-aaway daw kung sinong maghahatid sa’kin. Alam mo besh Oona, nandun ka rin sa panaginip ko eh, nakikipagtawanan ka rin daw sa kanila. Ang weird.” sabay subo uli ng sandwhich niya.
“Weird nga. Eh hindi naman close si Oona sa kambal eh. Hahaha” sabay subo ni Mimoi ng bacon. Nagkibi na lang ako ng balikat.
--------------
After naming gumala ay bumalik na kami ng hotel para maghanda sa pagkikita namin sa kambal. Tanong pa rin ng tanong si Keigh kung sino ba talaga ang kikitain namin at dahil nga nakulitan na si Mimoi ay hinampas niy ito ng unan sa mukha at nag pillow fight na muna sila bago kami umalis. Ganyan sila kaisip bata eh kapag magkakasama kami. Well, kasama naman ako sa pillow fight na ‘yun. Haha
Tinext ko na agad si Wayne at Darvis na papunta na kami sa restaurant na sinasabi nila. At pagdating namin dun ay sinundo naman agad kami ng isang waiter para igiya sa kung saan naroon ang kambal. At hindi ko napigilang tumawa sa reakson ng dalawa pagkakita nila sa kambal. Nagmura eh, sinong hindi matatawa? Haha
“S#!t!!! Ba’t nandito ‘yang dalawang ‘yan?” Sabi ni Mimoi sabay pinandilatan ako ng mga mata.
“Dang! Ba’t tila gumwapo ata lalo ‘yang Wayne na ‘yan?” pinandilatan rin ako ni Keigh sabay kurot niya sa braso ko, napaigtad tuloy ako. Bruhang ‘to! Tsk!
“Buti na lang may isa pang pepo!” at kinurot din ako ni Mimoi sa kabilang braso! Napapagitnaan kasi nila ako eh. Nyems ‘tong dalawang ‘to! Plano ba nila akong bigyan ng mga pasa kakakurot ng braso ko?! Pero teka, isa pang pepo? Napatingin naman ako sa direction na tinitignan nila. ‘Langya! Ba’t nandito ‘yan?! >.<
part3 hello... again
Начните с самого начала
