part3 hello... again

3 0 0
                                        

******************

Lunch na nang nagising ako. Akala ko nga tulog pa ang mga kasama ko eh, pero pag tingin ko sa mga higaan nila, wala nang Keigh at Mimoi. Sa halip, ay nasa sahig na sila at nanunuod ng “Last Vegas.” Tawa pa ng tawa ang dalawa oh, parang walang nangyari kagabi.

“Nahiya naman raw ako sa inyo. Parang walang nangyari kagabi ah?” dumaan ako sa harap nila para pumunta sa banyo. “Good morning Oona!” sabay pa nilang sabi. Hindi na lang ako nagsalita at nagderetso na sa pagligo agad na rin akong nagbihis. Pagkatapos nun ay gumanyak na rin ako sa kusina para sana maghanda ng tanghalian pero nakita ko na lang ang maraming pagkain na maayos na nakahanda sa hapag. Tinawag ko na lang sila at agad naman silang tumakbo at niyapos ako ng yakap.

“Sorry Oona! T_T :( ” sabay nilang sabi. Hindi ako umimik. Ganito naman talaga sila palagi eh. Naglalambing agad kapag nakagawa ng kasalanan. One thing na hindi alam ng karamihan. Natutuwa naman ako kahit papano kasi insan lang naman kasi sila ganito eh, kapag kami lang talaga ang magkakasama.

“Upo.” cold na pagkasabi ko with matching poker face pa para effective. Ang hindi alam ng karamihan, behind our glamorous, sophisticated facade, meron din kaming childish and crazy sides. Iilan lang din ang nakakaalam nito. Matripan nga ‘tong dalawang bruhang ‘to nang makabawi naman ako.

“Oona! Gomene! :( ” malungkot at sincere na pagsasabi ni Keigh.

“Oona! Biane! :(‘” isa pa ‘tong Mimoi.

“Kain.” poker face ko pa ring sabi sa kanila. Kumain naman agad sila. At malungkot pa rin ang mga mukha. Ngumisi ako.

“Ok na bang pakiramdam niyo? Nakainom na ba kayo ng mga gamot?” tanong ko sa kanila.

“Opo.” sabay ngisi nila. “Maraming salamat talaga nee-chan!” sabay din nilang sabi. Ganyan talaga mga ‘yan kapag umatake ang pagka-isip bata. Nginitian ko na lang sila.

“’nga pala, girls. After nating gumala ngayon. May pupuntahan tayo mamayang gabi, but behave na kayo mamaya ha? Ang hirap niyo bitbitin papunta dito eh! At ang hirap nyong linisin!” asar ko sa kanila.

“eh? Where are we going ateng?” naging maarte na naman ‘tong Keigh na ‘to.

“Oo nga, saan tayo pupunta? Magba-bar hopping na naman tayo? ‘wag na lang! Tama na ‘yung sakit sa ulo na dulot sa’kin kagabi.” takang tanong naman ni Mimoi. “oo nga. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa’kin kagabi eh.” singit naman ni Keigh.

damgoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang