Chapter 33.1 I Need Answers

Start from the beginning
                                    

"Ikaw talaga iha. Sige lang iha. Pero pupuntahan mo ang mama mo? Kay aga aga pa ah? 9:30 am pa lang ng umaga. Mainit iha." Sabi niya naman.

Ngumiti ako. "Mamang alam mo namang wala akong paki kahit na mainitan ako. haha! Sige po una na ko." Sabi ko na naglalakad papalayo.

"Oo nga naman snow white ka eh. Haha! Ingat ka iha." Sabi na lang ni Mamang. Napangiti ako non. Pupuntahan ko si Mama ngayon.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa sementeryo. Mga 10 am na rin ako na karating doon. Medyo malayo kasi ang sementeryo sa resort.

Dinalhan ko ng bulaklak si Mama. Inayos ko ang paying na malaki tapos ay umupo sa damuhan at kinausap si Mama.

"Mama... namimiss ko nap o kayo. Sana andito po kayo sa tabi ko ngayon. Si Cade po? Ano sa tingin niyo sa kanya? Mahal na mahal ko po siya dahil hindi naman ako makakaramdam ng sakit kung hindi ko siya mahal eh. Pinaramdam niya pos akin kung gaano niya ko kamahal mama kahit na minsan sinusungitan niya ko o kaya binabalewala. Mahal ko parin siya. Ganon pop ala kapag nagmamahal no, lahat tatanggapin mo kahit na masakit. Nagselos kasi ako kagabi mama siguro dahil na rin sa inggit na buti pa si Anya, kahit patay na sobra niyang pahalagahan. Ako kaya mama ganon din? Pero alam ko namang pangit icompare ang sarili sa iba eh. Hindi rin kasalanan ni Anya kung siya ang unang nauna. Ako may problema mama dahil nagselos ako. Ako gumawa ng rason para saktan ang sarili ko... Haii... Pag-ibig... ganon din ba kayo ni Papa noon? Pero bakit kelangan niyong maghiwalay?...."

*silence*

*silence*

"Mama, miss na miss na miss na kita." Hinawakan ko ang necklace ko at tumingin sa malayo.

"Mama, nanaginip ako kagabi... tungkol sa isang bata. Si Marie. Mama, sino siya sa buhay ko? Pakiramdam ko yung panaginip na yon ay totoong nangyari sa nakaraan ko. Bakit nga ba hindi ako nag-attempt na tanungin kayo tungkol sa nakaraan ko? Ngayong naghahanap ako ng sagot hindi ko alam kung kanino ako lalapit. Haii... Mama, bakit ganon nakita ko din si Anya sa panaginip ko. Anong koneksyon niya sa buhay ko? Bakit siya napasama? Wala naman si Cade don ah. Pero hindi ko matandaan na nakita ko na siya noon pa man? Ang dami kong tanong mama sa utak ko at kelangan ko ng kasagutan pero hindi ko alam kung saan ako kukuha o saan ko sisimulan. Mama, gulong gulo ako. Tulungan mo ko. Gabayan mo ko." Sabi ko sa mama ko. Ganito ako kapag may bumabagabag sakin. Kinakausap ko ang mama ko. Kasi buong buhay ko siya lang ang kasama ko tapos si Aunty naman. Siya lang ang kaisaisang taong nagexist sa mundo ko. Pero bakit pakiramdam ko madaming tao ang nageexist sa mundo ko bago ako mawalan ng alaala. Isa na don si Marie. Napahawak ako sa kwintas ko.

"mama itong kwintas na to, alam kong bigay mo to pero bakit kapag tinatanong kita noon ang tanging sinasabi mo lang ay galing sayo bakit hindi ko man lang naririnig ang pangalan ni Marie? Bakit hindi mo sinabi na may koneksyon to kay Marie o kaya naman may kapareho ako ng kwintas... Gustong gusto ko ng malaman ang tunay na katauhan ni Marie at pati ang katauhan ko...."

"In time mama. Malalaman ko rin ang sagot. In time, babalik ako sa inyo mama na alam ko na ang katotoohanan. Pero sana hindi siya painful. Ayoko ng masaktan. Alam mo naman kung kagano ako katakot masaktan eh lalo ka kung taong malapit at mahal mo rin. Haiii...... Una na muna ako Mama, baka hinahanap na ko don eh. Inaalagaan ko ang resort mama don't worry! Sige po. I love you mommy." Sabi ko tapos ay umalis na. nagsimula na kong maglakad. 1 pm nap ala. Napahaba ang kwentuhan naming ni Mama.

Dumaan muna ako sa baryo. Kilala nila ko, puro bati ang natanggap ko at kwento. Sa yaman ng angkan ng mama ko, at puro apelido nila ang makikita mo =________= Pero ang gusto ko kay mama ay sobrang bait niya. :D

Napadaan ako sa bahay naming noon. Napansin kong may kotse na nakapark. Pamilyar tong kotse ah. Parang si Cade. Anong ginagawa niya dito?

Pumasok ako sa loob. Matagal na rin pala akong hindi nakakabalik dito. Napatingin ako sa lugar kung saan hinabol ko si Marie. Parang nangyari lang yon kahapon. Still fresh sa utak ko.... Haiii... ano nga ba ang katotoohanan?

Tiningnan ko muna ang labas ng bahay. Wala paring pagbabago dito. Ganon parin, na memaintain parin na parang may nakatira dito. Tumira ako dito kasama si Mama, nagtaka ako noon kung bakit ganito kalaki ang bahay namin kahit na dalawa lang kaming nakatira dito pero hindi ko na tinanong pa kasi akala ko dahil mayaman lang si Mama.

Pumasok na ko. Nakita ko ang mga pictures ko nung bata ako. I don't know pero sa batang Anikang nakikita ko sa litrato, ano nga ba ang pagkatao niya nung bago ako mag 4 years old? Akala ko wala akong problema pero isang malaking problema ang pagkawala ng memorya ko noong bata pa ko.

Maaliwalas parin ang bahay. Haiii... Memories...

May nakita akong lalaking bumaba mula sa taas.

"Cade?" tawag ko sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Lumapit ako sa kanya. Bakit parang ang tagal ko siyang hindi nakita? Kahit na kagabi magkasama kami? Siguro dahil na rin sa nasaktan ako.

"Cade, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya.

"Nakabukas yung pinto. May matanda kasing nagsabi sakin na nandito ka" sabi niya sakin. Sino kayang matanda yon? Dito siya tinuro?

"Ahh... okay galing ako kay Mama sa sementeryo. Naisipan kong dumaan dito at napansin kong may pamilyar na kotse sa labas. Tara na?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nag-iisip na naman ako. Si Anya, Marie, si Cade? Ano na ba talaga ang nangyayari sakin.

"Is there any problem?" sabi ko sa kanya. Wow English yon. Halata ngang bothered ako kasi naman paenglish English na ko. Napansin ko kasi siya ng nakakatitig lang sakin at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya. Anong nangyari dito? Tinitigan ko rin siya ng nagtataka.

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Yung yakap na parang matagal niya kong hindi nakasama. Sobrang higpit.

"I MISS YOU..." bulong niya sakin. Ang boses niya. Para ngang hindi kami nagkita ng matagal.

"I miss you so much..." sabi niya ulit. Anong nangyayari? Pero niyakap ko siya pabalik. I love this guy so much. I know it. And that being apart with him makes me long for him. Napangiti na lang ako. Kahit pano nawawala ang mga problema ko kapag nandiyan ka na Cade. Hindi na ko nagwoworry muna kay Marie, kay Anya kasi ang alam ko Andito ako ngayon sa tabi mo. Kayakap mo.

"Me too... I miss you... so much..." bulong ko rin sa kanya. I love this man. Mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Do you remember the past already?" bigla niyang bulong sakin na napatigil sakin. Past? Paano niya nalaman yon? Ako lang naman ang nakakaalam? Gnon ba talaga kapag may mahal? Nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko na parang isa kami? Hindi ko siya sinagot. Hindi pa ngayon Cade Hindi ko pa alam eh. Nikayakap ko siya ulit.

Tumingin siya sa mga mata ko. Tapos hinaplos ang pisngi ko.

"Don't worry, Ill help you remember everything... My love." Sabi niya sakin. Napatigil ako sa mga sinabi niya. Ano yon? Hindi ko maintindihan bakit ang gulo ng mundo ko?

I need Answers...

RUN AWAYWhere stories live. Discover now