Preview

32.6K 667 64
                                    

Patuloy ang dagsa ng customer sa cafe. Hindi ako magkandamayaw sa bilis ng galaw ko.

“Table 10 Max!”

“Table 7 please!”

“Table 1!” Paulit-ulit na sigaw sabay kuha ko sa tray kung saan nakalagay yung mga order nila.

Medyo lumilipad din yung isip ko dahil iniisip ko kung makakapasa ba ako sa scholarship na pinag-applyan ko. Sana naman makapasa—

“What the fuck?!”

Hindi ko naman natapos ang iniisip ko nang may sumigaw sa harap ko.

Nanlaki nalang yung mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

“Ang init!” Sigaw niya pa habang pinupunasan yung damit niya.

Para naman akong nagising sa katotohanan. Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan yung damit niya.

“I'm so s-sorry sir! Hindi ko po sinasadya!” Bulong ko.

Iwinaksi naman niya yung kamay ko at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“So fucking useless! I hate this! Where is your manage—” Hindi ko alam kung bakit napatigil siya nang makita ko.

“Pasensya na po talaga. H-hindi ko po talaga sinasadya!” Agad kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakatitig lang siya saakin na sobrang pinagtaka ko.

“What's happening here?” Bungad naman ni ma'am Venice nang makarating siya sa pwesto ko.

Agad naman akong tumingin sakanya. “H-hindi ko talaga sinasadya ma'am. Sorry po." Bulong ko sakanya.

Ngumiti naman siya at tumango saakin. Napatingin naman ako doon sa lalaki at nakatitig lang siya saakin.

“Sige na. Umalis ka na. I'll handle this.” Tumango naman ako kay ma'am Venice bago tumingin doon sa sir.

Nakatitig lang siya saakin kanina pa. Hindi niya na pansin yung paso ng mainit na kape sa kamay niya.

“Pasensya na po ulit.” Huling turan ko bago tumalikod at umalis na.

Agad akong dumaretso sa locker room. Hindi ko maiwasang maiyak. Ang tanga-tanga mo talaga Maxim!

Kung nagkataon wala kang pambayad sa suot nung lalaki! Mukhang mas mahal pa sa buhay mo!


ILANG minuto pa akong nanatili sa locker room bago ako puntahan ni ma'am Venice. Ang sabi niya okay na daw. Umuwi nalang daw ako at magpahinga.

Kaya agad akong nag-ayos at agad na lumabas sa back door. Agad akong naglakad para mag-abang ng sasakyan.

Pero laking gulat ko nang makita yung sir na natapunan ko ng kape na nakasandal sa isang kotse. Wala na yung suit niya pero kitang-kita sa puting polo yung mantsa ng kape.

Kitang-kita ko pang nakangisi siya habang nakatingin saakin. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Sabi ni ma'am Venice, okay na? Bakit nandito pa 'to?!

Nang makalapit siya saakin, mabilis niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. Kitang-kita ko na ngayon yung kabuuan ng mukha niya.

“S-si—” Hindi pa ako nakakapagsalita ay nilagay niya na yung daliri niya sa labi ko.

“Finally. I found you. You are mine now. Just mine.” Huling bulong niya kasabay ng pagdikit ng labi niya sa labi ko.




MABILIS niya akong ipinaibabawan habang nakatitig sa mga mata ko. “You are mine Maxim! How dare you planning to leave me?!” Sigaw niya saakin.

“Tandaan mo Maxim, saakin ka lang. Hindi ako makakapayag na iwan mo ako. Yes! You are smart! But I'm smarter.” Tumatawang bulong niya habang hinahaplos ang mukha ko.

“I will do everything to keep you. Tandaan mo yan.” Huling bulong niya before he kissed me roughly.




"T-trevor?" I pulled him out of the house.

"R-run! Maxim! R-run!" He is pushing me away.

"N-no! I will n-not leave you!" Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng mga luha. Mukhang hirap na hirap na siya.

"S-save yourself p-please! Im t-telling you to go! J-just go!" I shook my head multiple times while my tears falling down.

"T-they will k-kill you!" Sigaw ko sakanya.

He smiled at me. "N-no. T-they will k-kill y-you!" Nahihirapan niyang sabi.

Umiling naman ako. Pilit niya akong tinutulak palabas.

"U-use the c-car!" He's crying. Gustong-gusto kong punasan ang luha niya.

I heard the men footsteps.

"But I promise not to leave you!" Umiiyak kong singhal sakanya.

"L-leave me now!" He pushed me.

𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟏 - 𝐒𝟏)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ