"I understand," si Rod.

"So, you mean kayo na ni Casey?" si Monique.

"No. We are just still on dating," si Casey.

"Teka bakit ba napaka-defensive mo? Ayaw mo ba maging kayo ni Rod?" nasa mukha ni Monique ang pagtataka.

"Monique, hayaan na natin sila. Pini-pressure mo naman, eh!" si Jane.

SILENCE

Tumikhim si Sharmine. "So ano ng plano natin ngayon?"

Tumayo si JP. "Eh, ano pa nga ba? Mag aral ulit at mag exam sa Filipino."

"Oh my Gosh! May exam pala tayo!" nagmamadaling binasa ni Sharmine ang reviewer nito kaya naging busy na sila sa pagre-review.

"I'm gonna beat you this time, JP!" sabi ni Casey.

One seat apart ang naging set up nila.

"Goodluck." balewalang sagot nito.

"Yabang!"

"Quiet Miss Go. Mind your own test paper," saway sa kanya ni Mr. Bitoon.

"Sorry, Sir!" nag concentrate na siya sa pagsasagot. Well sigurado siyang malalamangan niya na si JP this time around. One hundred percent siyang tama lahat ng mga sagot niya.

Clock Ticking | 30 minutes passed

"Okay, ballpen's up and pass your papers forward."

Napangisi si Casey. "Wanna bet?"

Nangunot ang noo ni JP. "Tumigil kana nga, you look stupid when you act like that."

Inis na inabot ng mga paa niya ang mga paa nito at inapakan. Napa "aray" naman si JP.

"Miss Go!" sita ulit ni Mr. Bitoon.

Inirapan niya si JP at inayos na niya ang sariling upuan.

"Gusto mo bang bawasan ko magiging score mo?"

Napatayo siya bigla sa sinabi ni Sir Bitoon. "No, Sir!"

"Then you better watch your behavior," nasa mga kamay na nito ang test papers nila.

"Ten minutes break, you can go to the restroom or grab some drinks or snacks. And make sure pag balik ko, nandito na kayo lahat. Ang mali-late minus one point. Understood?"

"Yes, Sir!"

Tumayo sina Monique, Jane, at Sharmine. "Sama ka sa restroom Casey?" si Jane. Tumango siya dito, kanina pa siya naiihi.

"Casey gusto mo ng snacks?" si Rod.

"Yes, please! Thank you!" sagot niya.

"Ako rin," nag angat ng kamay si Jane.

"Akong bahala sayo bebe," si Vincent sabay kindat kay Jane. "Ikaw JP dito kalang ba?"

"Yeah, iidlip nalang ako!" sagot nito.

RESTROOM

"Well, well, well, nandito na pala ang mga losers!" si Jinky kasama nito ang apat na pa girlie—samahan ng maaarteng kababaihan. Well, nababagay naman ito sa grupo.

Hindi nila ito pinansin. Dalawa nalang ang available na cubicle kaya nauna na muna sa loob sina Monique at Jane. Habang naghihintay naman sina Casey at Shar sa labas.

"Cut your tounge out?" anito. Winisikan nito ang mga mukha nila ni Sharmine ng tubig.

Napapikit sila dahil hindi nila inaasahan ang ginawa nito. Napa "oh" ang ibang estudyante na nandoroon. Napakagat labi si Casey sa sobrang inis at pagpipigil.

Doon lumabas si Monique at nasa mukha nito ang galit ng makita ang ginawa ni Jinky. Tinungo nito ang washing area at kumuha ng tabo at walang kaabog-abog na binuhos iyon kay Jinky.

"What the fuck!" naghihiyaw ito.

"You deserve it, bitch!" galit na sabi nito. Hinila na nito ang mga kamay nila ni Shar pero bumitaw siya kay Monique.

"I'm gonna teach her."

Hinarap niya si Jinky at sinaboy dito ang tubig na natira sa mukha nito.

"Ohhhhh!"

"Next time, Miss. Kilalanin mo muna ang mga kinakalaban mo, ha?"

Si Shar naman humarap dito. "Grabe ka naman Casey, kawawa naman," pinahiran nito ng tissue ang mukha ni Jinky. Mula sa bag kumuha ito ng lipstick at dri-no-wingan ang mukha nito. "There you go, mas maayos na ang mukha mo."

Napahiyaw sa inis si Jinky at hinablot ang buhok ni Sharmine. To the resbak din ang mga kasama nitong pa-girlie, pero never silang magpapatalo sa mga ito, kaya nakipagsabunutan din sila dito pati si Jane ay nakisali narin.

(Rambolan)

"JP! Ang fiancée at mga kaibigan mo nakipag-rambolan sa restroom!" humihingal na balita ng isang classmate nilang babae. Mula sa pagkakaidlip ay mabilis na nakalabas si JP sa classroom kasunod sina Vince at Rod.

"Walanghiya ka talagang babae ka!" gigil na sabi ni Shar kay Jinky. Kapwa nakahawak ang mga ito sa buhok ng isa't isa.

"What's going on here?!" sabi ni Miss Rein ang Guidance Councelor nila. "Girls! Stop it!" pinaghiwalay nito sina Shar at Jinky.

Hinawakan ni JP si Casey na noo'y gigil na nginudgud ang isa sa sahig habang hinawakan naman ni Rod sina Monique at Sharmine. Niyakap naman ni Vince si Jane para protektahan ito.

"Tama na!" si JP. Dahil nagpupumiglas pa si Casey mula sa kanya.

Akmang hahampasin ni Jinky si Casey pero humarang si JP kaya ito ang nahampas sa likod, kaya kitang-kita ang pagpikit ni JP dahil sa sakit habang yakap-yakap si Casey para protektahan ito.

"I'm sorry, JP..." anas ni Jinky.

"Everyone! Sa Guidance Room! Now!" galit na sabi ni Miss Rein.

MARRYING MY BEST ENEMYWhere stories live. Discover now