Chapter 1 - Before Initiation

Comenzar desde el principio
                                    

"Ay, mam maaga pong umalis ang daddy niyo. May business trip daw." Sagot nito sakin.

"Kelan daw ang balik?" Iniwan na naman ako ng magaling kong ama.

"Di po sinabi eh. Di naman po kami nag tanong kasi mukhang mainit po ang ulo."

"Ganun po ba, sige salamat." Yun na lang ang nasabi ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Tumayo na ako para umalis at pumunta na ng school.

End of flashback

I was a good girl since I was a kid but I turned bad when I reached my college year.

Eversince, my dad never noticed my existence. Para akong hangin sa tuwing magkikita kami sa bahay. Ang allowance ko weekly ay dumadating lang sa bank account ko na binigay ng secretarya niya sakin.

Napansin niya na lang ng ako'y nagrebelde na.

I was a simple girl who wore a simple jeans, t-shirt and a sneaker. Maganda ako kahit na simple lang akong manamit. I used to tie my long and shiny hair, but when I gone bad, I wore all kinds of daring outfits. I let my hair down and put some make up to make me look more gorgeous. I also mingle to any men I met.

Lagi din ako sa bar, kasama ang mga bago kong kaibigan na siyang nag-impluwensiya sakin para gawin yun. Kahit na ganun sila hindi naman sila yung taong pipilitin kang gawin ang ayaw mo. Pag kasama ko sila gumagaan ang pakiramdam ko. Feeling ko hindi ako nag-iisa.

"Just thinking. Nasaan sina Cherry at Maila?" Tanong ko dito.

"They will arrive after 10 minutes. May binili lang." Vacant namin ngayon at naghihintay na lang kami para sa last subject namin.

Magkaklase kaming apat. We're taking up architecture . Kami lang sigurong apat na architecture students na ibang manamit. Well, hindi naman sa mapanghusga ako or what, what I mean is kami yung daring at may kolorete sa mukha. Basta ganun.

Nag-uusap lang kami ni Honey sa bench dito sa gilid at napapansin namin na tinitingan kami ng mga lalaking dumadaan sa harap namin at nagpapa-cute. Hindi na iba samin yun, we just smile at them. I saw one handsome guy staring at me na nakaupo sa kabilang bench, I gave him my sweetest smile and winked at him. Ngumiti naman eto na di makapaniwala na ginawa ko yun. Natatawa ako sa reaction niya.

"Hey Bitches!!!" Tawag ni Maila samin. Napatingin naman kami sa gawi nila ni Cherry.

"Hey, hey, hey.. Late kayo. Saan kayo galing?" Bungad ko sa kanila.

"Bumili kami nito! Ice cream!!" Excited na sabi ni Cherry. Favorite talaga ni Cherry ang icecream.

"Strawberry yung sakin ha." Nakangiting sabi ko.

"Siyempre naman, alam ko na yun, here." Binigay niya sakin ang isang cone ng cornetto at sunod na binigyan si Honey.

"Girls, nakausap ko yung kakilala ko kanina, naghahanap ng recruit sa fraternity nila. Sali tayo." Pang-eenganyo ni Maila.

"Frat? Ayoko niyan. Ayoko magkaroon ng pasa. dear! Gosh.." I rolled my eyes.

"Eh di huwag mong piliin ang sakit, bruha!" -Si Honey.

"What?! Don't tell me Honey sasali ka?" Di makapaniwalang sabi ko dito.

"Well, matagal ko nang gustong sumali jan actually, kaso wala naman akong kasama. So kinalimutan ko na lang. Ga-graduate naman tayo so why not? We should try this out!" Excited pa sabi nito. Inilapit ni Honey ang mukha niya sa bandang tenga ko. "Just choose sarap, Kate, it's just a sex." Bulong pa niya sakin. Napakunot noo ako.

"Sex?! I'm still a virgin at ibibigay ko lang ba yun kung sinong pencho pilato?!" I hissed. pero siyempre mahina lang ang pagkakasabi ko nun na sila lang yun ang mga nakarinig.

Yes. I'm a virgin. I used to mingled and flirt with men pero hindi ko pa sinusuko ang bataan.

"Just get rid of your V-card. Di na uso ngayon ang virgin. Malamang pagnalaman ng daddy mo na sumali ka sa society na to, ma fe-freakout yun." Napaisip din ako sa sinabi niya. Mukhang ok din naman siguro ito. Another way para magalit ang daddy ko.

"I'll think about it muna." I said. "Cherry, sasali ka din ba?"

"Kung saan kayo, dun din ako siyempre" I rolled my eyes.

"Wala ka bang sariling desisyon? Wag kang gumaya lang na kung saan yung iba dun ka rin. You should decide on your own at pag-isipan mo rin muna bago ka mag-decide. Kung gusto mo ba talaga or hindi ang gagawin mo." Sabi ko kay Cherry.

Sa aming apat, si Cherry yung parang goody-goodie samin. Isip bata ba.

"Bukas na yung initiation nila. Dapat maka decide na tayo mamaya para bukas ay makapunta tayo sa location." Sabi ni Maila samin.

"OK!" Sabay-sabay na sagot naming tatlo.

~~~~~

Lemuel's POV

I'm Lemuel James Lachica, 26 years of age. Matalino,gwapo, snob at mahilig sa babae except sa mga malalanding babae.

Napatingin ako sa kabilang bench habang ako'y nagbabasa ng libro. Napapansin ko kasi na ang mga lalaki na dumadaan ay napapatingin sa gawi ng dalawang babae.

I saw them talking. They give smiles to those men na nagpapacute and give glances at them. Fuck! Gay!

I admit, the two girls are pretty lalo na ang isa na maputi at makinis ang balat, mahaba ang buhok at medyo wavy ang dulo. Napansin ko na maganda ang mga mata nito. Nabigla ako ng mapatingin ito sa akin ang ngumiti ng matamis at kumindat pa. Tiningnan ko siya sa di makapaniwalang expression. Parang matatawa pa ako. Tsk..Flirt.

Napaiwas ang tingin niya sa akin ng dumating ang dalawa pa nitong kaibigan. I don't like flirt girls. Maganda siya pero bakit ganyan siya. Napailing ako at bumaling kay Luis na kasama ko ngayon. Mamaya pa kasi ang klase namin at hinihintay namin sina Karl, Ivan at Chris na kasalukuyan naglalaro ng basketball sa covered court.

"Dude sino yun?" Tanong ko at nginuso ang kinauupuan ng apat na babae.

"Sino jan sa apat, p're?" Tanong ni Luis.

"Yung naka mini skirt na blue at medyo kulot ang dulo ng buhok." sabi ko na nakatingin sa gawi ng babae na kumindat kanina sakin.

"Hindi mo kilala yan? Her name's Daphne Kate Fuentebella, kilalang flirt. Sayang nuh, maganda sana kaso dami nang nakatikim jan. Matalino din yan."

Hindi ko siya kilala kasi hindi naman ako parating nasa school. Nasa masteral degree na kaming limang magkakaibigan. Nasa huling taon na ako ng pagmamasteral ko sa kursong civil engineering.

"Hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya." I said at binalik ang atensyon sa binabasa ko.

Nagkibit balikat lang si Luis. Alam niya kasi na hindi ko gusto ang mga malalandi. Walang thrill ang mga yun.

"Pare, meron initiation bukas ang grupo. Ini-imbitahan tayo ni Jeremy. Dahil huling taon na natin ito at ga-graduate na tayo ng tuluyan ay binibigyan niya tayo na pagkakataon na mag initiate sa mga bagong recruit nila." Paliwanag niya.

Si Jeremy ang bagong leader ng fraternity dahil gumadruate na ang dating leader. Di na kami active sa mga activities ng society kasi naging busy na din kaming lima.

Tiningnan ko siya at kumunot ang noo ko sa ginawi niya.

Tinaas baba niya ang kilay niya mukhang interesado sa gagawin bukas.

Napangisi ako sa ginawi niya at sa sinabi niya. Nag high-five pa kaming dalawa bago namin narinig ang mga tawag ng mga kaibigan namin na palapit sa amin.

A Night With...? (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora