COURT

802 27 1
                                    

         Hilda P.O.V.

Hi ! It's me again. Nandito ako sa dorm ko at nakatunganga pa rin . Hindi ako maka get over e. Alam niyo ba kung bakit? E kasi...

"Eeeeeeeeeh"... biglang tili ko . Feeling ko kakapusin ako ng hininga . Ganito pala ang feeling , naku !

Kinikilig ako !!!

Ganito kasi yan. Pumunta ako ng Library dito sa university. Habang naghahanap ako ng libro about physical combat 1 ay nakita ko si Julius na nagbabasa sa tabi ng mga shelves . Tumabi ako sa kanya at pasimpleng tinitignan siya. Napatingin siya sa akin at ngumiti .

"May hinahanap ka ba?" Sabay tayo nito. Tumango ako .

"Hinahanap ko kasi ang Physical combat 1 e . P-Para sana may alam akong moves , a-alam mo ba kung saan nakalagay yun ? Ha ha ha." Paliwanag ko sa kanya . Naku awkward ata ang pagkasabi ko.

Ngumiti siya sakin.

"I will teach you if you want ." Nakangiting saad naman nito . Alam mo yung kahit ang hina ng boses niya ramdam ko parin yung kilig at pamumula ko . Kaya napayuko ako para di niya makita.

"A e, k-kung di n-nakakaabala sayo." Sagot ko naman. Napakagat ako ng labi habang nakayuko.

"Of course not. Kahit kailan di ka makakaabala sakin." Sagot naman niya. Kaya napaangat ang tingin ko.

"So? Are you in?" Dagdag pa nito.

Nahihiya naman akong tumango. Kaya lalong lumapad ang ngiti nito.

I wonder kung bakit wala itong girlfriend dahil sa sobrang kabaitan at kagwapuhan nito.

Hinila nalang nya ako palabas ng library at nakarating kami sa likod ng university . E? Ano to ? Teleportation?

"N-nagteleport tayo?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Yeah, kung part ka ng heros Elite kailangan mong matutunan ang teleportation. "Nakangiting saad naman nito.

Siguro model to ng toothpaste dahil lagi ang ngiti nito sakin e.

"Can we start?" Tanong naman nito. Aba, ako na nga niyayaya ng gwapong nilalang na ito saking harapan hihindi pa ba ako ? No way.

Hanggang sa tinuruan nya ako ng mga moves. At ng matapos kami ay diretso kami ng canteen ngayon.

"Thank you for teaching me." Nahihiya kong saad.

At ngumiti nanaman siya sakin.

"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong nito na ikinatigil ko sa paglalakad . Walang tao sa hallway dahil break time na at siguradong nasa canteen ang lahat .

Tama ba ang narinig ko. Manliligaw daw siya ? Kanino naman ?

Kaya tumingin ako sa side ko baka naman may kausap pala siya sa tabi ko at nag iilusyon lang ako na sakin niya sinabi ngunit wala naman tao so sakin nga?

"Sorry , ano kasi yun?" Pagkaklaro ko malay natin baka nabingi lang ako at naghahallucination naku mahirap na magkamali.

"Sabi ko , can I court you? Pwede ba kitang ligawan?" Pagkiclear naman niya at nanlaki ang mata ko . Omy! Totoo ang narinig ko sa kanya .

Kaya natulala muna ako sa kanya at dahan dahang tumango. Choosy pa ba ako e ang gwapo na nito. Papable na yummy pa !

"Yes! Thank you Hilda." Sabay yakap sakin. Chansing din to e. Manliligaw palang may payakap yakap na pero gustong gusto ko ahahahah landi ko, ehem.

At bigla atang natauhan at binitawan na ako at inalalayan niya ako papuntang canteen . Nang makarating kami sa canteen ay nakasalubong namin ang ibang elites at pumunta kami sa place nila dito. Nahihiya pa nga akong umupo ngunit pinaghila na ako ng upuan ni Julius. Kaya umupo nalang ako at umupo sa tabi ko si Julius. Kanina pa tingin ng tingin si Raven sakin magmula nung natamaan kami ng mga mata nito dito sa canteen hanggang sa umupo kami . Nadatnan namin syang nakaupo dito sa place at napatingin ako sa counter at nandon si Megumii na nag oorder na. Hanggang sa naka order ito at abg dami niyang inorder. Ano pa bang bago di ba? Linagay nila ang sangkaterbang pagkain dito sa napakahabang mesa namin at dumating na rin si Megumii. Napatingin nalang ako kay Julius na busy sa paglalagay ng pagkain saking plato at nagpasalamat ako dito at kumain na kami. Hirap palang kumain pag katabi mo ang manliligaw mo baka ma offend ito sakin kaya pakonti konti lang ang subo ko. Ngunit napuna agad nyayon at binulungan ako.

"Eat a lot my love."tila di ko malunok lunok ang pagkain na saking bibig at muntik nakong mabilaukan. Naku Julius wag kang ganyan baka agad kitang sagutin nyan.

Kaya napakain ako ng marami tulad ng sabi nya. Pagkatapos kumain ay pumunta muna kami ng dorm nila tapos pinakita niya ang kanyang room at pagkatapos non ay tinuruan nya ako ng history .

Pagkatapos ay hinatid na nya ako sa aking dorm . Di ko namalayan ang oras kanina at gabi na pala kaya pagkapasok ko ng dorm ko ay agad akong naligo at umalis na si Julius. At ngayon ay nakatulala ako sa kwarto ko at parang di makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw . Sana hindi ito isang panaginip lamang sana totoo ito. Sana pagising ko bukas ay nanliligaw parin ito. At nahiga na ako sa kama ko at unti-unting sumasara ang aking mga mata.

Itutuloy...

Sorry sorry sorry guys ang ikli nito . Bawi nalang sa mga susunod na chapter🙇

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now