prologue

521 7 0
                                    


"Aling Puring please, maawa naman po kayo.. pangako po sa makalawa magbabayad na ako"

"Hay naku Chandria. Halos tatlong buwan ko ng naririnig yan, pero ano? Hala sige, umalis na kayo"

"Pero aling Puring---"

"Layas na chandria"

Wala na akong nagawa ng sapilitan nya akong itulak palabas ng bahay

Umiiyak na kinuha ko ang mga gamit ko

"Pano na tayo nyan ate?" Pilit akong ngumiti Kay Shay bago ko pinunasan ang luha ko

"Kaya natin to, ok? Makakahanap din tayo ng bagong boarding house, sa ngayon mukhang sa kalsada muna tayo matutulog"

She smiled weakly






-------------------------

"O Ayan, pwede ka ng matulog" matapos Kong ayusin ang higaan namin ni Shay ay agad na akong tumayo para kuhanin Yung mga bag namin

"Ikaw ate? San ka matutulog?"

"Ayos lang si ate hmm? Matulog kana" matapos kong mai-ayos ang mga gamit namin ay agad ko syang nilapitan tsaka nilagyan ng kumot

"Babantayan ka ni ate" I kissed her forehead

"I love you ate"

"Love kadin ni ate"



----------------------

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nanggagaling sa paligid ko

Shit.. 8am na pala

Sobrang dami ng tao dito sa Luneta

Inayos ko ang sarili ko bago ginising si Shay

"Baby. Gising na"

"Hmmm"

"Gising na"

Dahan-dahan ang pag-bukas ng mga Mata nya tsaka ito umopo habang nililibot ang tingin sa paligid

Dumapo ang tingin nya sa isang babaeng nagbebenta ng kakanin

"Gutom kana ba?" She nod Kaya agad Kong kinuha sa bag ang isang lunch box na may pagkain

"Here. Kumain kana at ng mailigpit na natin to"

Mabilis nyang kinuha sakin ang lunchbox tsaka nag-simulang kumain

Nagyon ang iniisip ko nalang ay Kung saan ako makakahanap ng trabaho..

Kailangan ko ng pera.. lalo pa ngayon na Wala na kaming matirhan

Sinimulan ko ng iligpit ang mga cartoon tsaka ko pinasok sa bag ang iilang damit na nilabas ko kagabi para pang-unan namin

"Ikaw ate, di'ka kakain?" Umiling ako Kay Shay bago inayos ang mga bag namin

"Busog pa ako. Kumain kana lang dyan"

"Chandria?"

Married To Mr Pervert(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon