Part 1

16 0 0
                                        


WARNING!

Mahaba habang hugot ang inyong mababasa. 

Read at your own risk.

Monday evening while browsing my face book account I saw some posts about belittling. That's why na trigger akong gumawa ng open letter regarding with this issue. Kase I can honestly say, na sobrang relate ako sa gantong topic specially right now. Nasa tuktok yata ako ng aking emosyon ngayong gabi, kaya pag bigyan niyo na lola nio. But I need to hide my identity sa ngayun. Di ko muna I reveal ang mga personal info about me. Maybe some other time. I hope, makakuha po kayo ng ideas kung paano ko sinusurvive ang bawat araw kasama ang mga taong.... (Kayo na bahalang mag dugtong hehe)

Sa totoo lang, hindi ko rin sure sa sarili ko kung talaga bang minamaliit ako, or baka naman umandar na naman ang pagiging exaggerated ko. Pero, kayo na bahalang humusga. So eto na nga. Sa bawat araw na sila ang aking nakikita, wala silang bukang bibig kundi "Anu bayan, tapos ka ng ____ pero ganyan lang trabaho mo. Buti pa si ano nasa banko na. Diba kasabayan mo yon?" at hindi lang yan. Minsan nga habang nasa grocery store ako, nakasalubong kong namimili yung isa sa mga HS classmate ko. Nag work na siya sa isang bank with a good income, unlike me. Sideline sideline lang pero related naman sa pinagtapusan ko. Ayan na naman ako. I can't help it but to compare myself to the others. But can you blame me, yung mga taong nag impose sa utak ko kaya ganto mentality ko sa sarili ko. Na hanggang ditto na lang ata ako. Ang tagal ng pag asenso. Sila nasa 50% na ng achievements nila sa buhay samantalang ako, eto wala pa yata sa 10%. Pero syempre, alam ko namang hindi ako nag iisa. I strongly believe na this battle is not my battle alone. Kase me Lord pakong kasangga. Yes, hindi ko siya nakikita. Pero ramdam naramdam ko presence niya. Kaya everytime na minamaliit ako ng iba, ang tanging pinanghahawakan ko nalang ay yung pangako nia. "Commit everything to the Lord and whatever you do will succeed –Phil. 4:13" Kaya lang minsan, patawarin ako ng Diyos, medjo nawawala sa align ang tiwala ko sa kanya. Minsan gusto ko ako ng gumawa ng paraan para maging successful para lang hindi ako maliitin ng iba. Pero at the end, plangak. Di nag succeed. Minsan nga natatanong ko sa sarili ko, nag serve naman ako sa kanya, I even entrusted my money to Him. Pero bakit ganto? Sana, kahit sa kalagitnaan ng taon na mabubuhay ako, matagpuan ko rin ang sagot sa tanong na'to. So fast forward bago pa malayo ang gusto kong i-emphasize sa letter na'to. Minsan, hindi pa iba satin yung mga taong nang mamaliit satin. Minsan nga, kamag-anak pa natin. (Oppppsss. Bato bato sa langit ang tamaan, umiyak na lang.) pero seryoso, sa tingin ko maraming makaka relate ditto. Syempre, sa isang pamilya hindi maiwasang i-kumpara ka sa iba lalo na't kumukutikutitap ang mga achievements ng iba. So syempre, kahit minsan pa-biro lang yon masakit parin.

Like H*ll hindi yata nila nakikitang nagsusumikap ako sa buhay, hindi nga lang nila nakikita kase bulag sila at yung mga taong may pakinabang sa kanila, yun lang ang magaling para sa kanila. Eh diba? Totoo naman. Oy! Wag tayong plastik! Diba kapag mahirap ka, isa ka lamang dumi sa paningin nila. Hindi ka nila pagbibigyan ipahayag nararamdaman mo, kase sino ba namang mag aaksaya ng oras pakinggan ka. Kaya napaka hirap maging mahirap. (Pasensya na, yung huling paragraph dina yata siya cover ng title, naglalabas lang ako ng sama ng loob, kaya pls allow me)

So balik tayo, pero totoo yung sinabi ko na madalas kamag anak pa ang nag do-down satin. Pero minsan, pinag aralan ko rin ang sitwasyon. Baka kaya maliit ang tingin nila sakin, dahil sa mga kasalanan ko ng mga nakaraang taon. Apaka dami ko kaseng palpak na ginawa nuon and maybe because of that nawalan na sila ng gana sakin. Yes, pinapansin nila ako, pero hindi ko ramdam ang genuine concern nila sakin. Kaya kung minsan kapag may biglaang reunion, diko bet umattend. Kase for what? Makikipag plastikan sa kanila. Jusme, wag na oy. Diko aaksayahin energy gap ko sa kanila. Sila sila nalang. Tutal mga Bachelor in Arts naman sila Major in Kaplastikan. Pero syempre, ako kapag galit, ilalabas kulang lahat ng hinanakit ko sa isang taong mapagkakatiwalaan tapos after nuon wala na. Oks na ulit si lola niyo. Basta marami pang mga sitwasyon na nararanasan ko ang pangmamaliit ng iba sakin. Lakas makababa ng self esteem, to the point minsan na parang ayaw kuna lumabas ng bahay kase nakaka trauma mga sinasabi ng iba. Mas nanaisin konalang magkulong sa bahay kesa mapahiya ako ng lantaran. Oo you read it right. Isang beses akong napahiya ng lantaran, and take note sa kalsada pa. Hindi kuna sasabihin kung sino, syempre kahit medjo sariwa pa galit ko sa kaniya, I still protect her name. Kase hindi ako siya, . Inilakas niya ang boses nia na halos marinig na ng mga tao nasa kalsada kung gaano daw ako ka "prente" sa buhay samantalang yung mga kasabayan ko marami ng naipupundar at alam niyo kung ano ang masakit duon? Yung mga taong nakarinig nayon, ng eskenang iyon mas pinili nilang kampihan yung taong namahiya sakin. Hindi nila tinanong side ko. Hirap non, wala akong nagawa. Me hindi ko man lang naipagtanggol sarili ko. Umiyak lang ako, at buong araw nagkulong sa kwarto. Pero hinayaan kuna. Pinatatawad kuna lahat ng mga taong nang mamaliit sakin though they don't ask for it. Mahal ko si Lord, at dahil mahal ko siya, susundin ko ang alam kong tama. Sa una mahirap I let go. Ang hirap mahalin ng kaaway. Ang hirap magpatawad ng ga taong nanakit sayo. Alam niyo, mas gugustuhin ko pang saktan nila ako ng pisikal kesa emosyonal. Kase ang sugat maghihilom, pero ang mga salitang binitawan mo mananatili habang buhay sa ala ala ng tao. Before I end this note, gusto ko magpasalamat sa Lord, dahil binigyan niya ako ng lakas ng loob para ibulalas itong sinasaloob ko. Salamat dahil alam kong wala akong maling ginawa ng isulat ko ito. Pangalawa, para sa mga taong napakalaki ng tiwala sakin na kung minsan naku kwestyon kuna sila kung bakit nananatili sila saking tabi,(for keeps mga gantong tao, npaka rare na kase nila especially sa mundong nababalot ng plastic surgery people) at huli para sa sarili ko. Alam kong hindi pa ito ang oras ko. Kaya hindi dapat akong mag madali. Ano naman kung malapit na sila sa finish line, hindi naman yan race. Mahalaga, kahit mabagal may progress. Huwag magpa apekto sa sasabihin ng iba. Magtiwala ka sa sarili mo lahat ng bagay kapag inunan mo si Lord, magtatagumpay ka!

At ang payo ko sa mga taong nakaka encounter ng gantong case, pwede tayo makinig sa sasabihin ng iba. Pero huwag natin hayaan na i-mold tayo ng gantong klaseng tao. Kapag binabato tayo ng mga negatibong salita, talunin natin sila ng mga positibong pag-iisip sa sarili natin. Mag sumikap tayo sa kung anong career man ang tinatahak natin, mag sumikap tayo hindi para sa kanila, kundi para satin. Because we deserve victory. Pero please please, kapag na achieve na natin ang gusto nating ma achieve huwag sana dumating sa punto na makalimot tayo sa Lord dahil siya ang may bigay ng lahat. Ni piso, ni gulong ng sasakyan na meron tayo, ni kapirasong kahoy sa bahay natin hindi natin makukuha yan sa sariling lakas, kundi galling sa Lord. At lastly, kapag achieve na tayo sa buhay, huwag natin iparanas sa iba yung mga naranasan natin. Dapat tayo tayo ang nagpapalakasan. Hindi naghahatakan.

Thank you sa pagbabasa nito hanggang dulo!

To God be the glory!

1/13/20



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Open Letter for those people who are being belittledStories to obsess over. Discover now