1

995 25 0
                                    

Levi's POV

28 friend requests

67 messages

256 notifications

Ang sumalubong sa akin pagka-online ko ng facebook ko. Parang kahapon lang nag-online rin ako. Tapos sabog na naman ang notifications ko.

Nakilala na kasi ako sa school. Oo! Nakilala. Ibig sabihin hindi naman ako gaano kakilala noon pero ngayon nakilala na ako.

Nag-umpisa ang lahat nung sumali ako sa contest ng pagwapuhan ng school at hindi ko inaakalang mananalo ako.

Simula nung araw na yun, nagbago ang buhay ko. Yung tahimik kong buhay naging maingay.

Hindi naman ako NERD! Matalino lang ako at palaging busy at walang pakialam. May nakakapansin rin naman sa akin noon kasi gwapo ako pero konti lang. Hindi niyo kasi ako madalas na makikita sa labas ng room. Hindi ako tulad nung iba na mayayabang na palaging lumalabas ng mga classroom nila para magpahanga.

Pinilit ako nung teacher kong sumali kasi biglang nagkasakit yung candidate ng section namin. Sabi pa niya bibigyan niya daw ako ng plus 3 sa over-all grade namin pag sumali ako at kapag nanalo ako tataas pa daw yun.

At dahil inaalagan ko yung grades ko pinatulan ko.

Sino nga ba ako?

Ako si Levi Yu Reyes. Gwapo at matalino. Ayun yung sabi nila. Sang-ayon naman ako. Suplado din daw ako. Sang-ayon din ako doon. Ayoko kasing makipagkaibigan. Ayokong maging attached sa mga tao. 

I cancelled all the friend requests and deleted all the messages. Hindi ko naman kilala yung mga babaeng yun eh. Tyaka hindi ko naman sila friends sa school. Wala naman akong friend sa school. Tyaka ayoko ding makipag friends.

Snob na kung snob. Sorry ka pero ganito talaga ang ugali ko. Wala akong pakialam ako sa mundo, pasensya na.

Biglang may friend request na nag-pop.

Angel Navarro added you as friend

Accept                  Not now

I clicked Not now.



A Chat with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon