Iba na ang naging pananaw ni Frances kay Donghae simula nang mga pangyayari kahapon. Kung noon ay isa siya sa mga kinikilig at humahanga sa tuwing nakikita nya ito, ngayon ay tahimik na lamang syang nakaupo habang nakatingin dito.

"Class, we are going to have a practical exam next week. You need to present any performance that is related to music and arts. I know that most of you are talented students so I'm expecting that your presentations will be outstanding and excellent," wika ng arts professor nilang si Mr. Park. Naging excited ang mga students sa sinabi ng kanilang professor. Marami ang nagnais na makapareha nila sina Donghae, Eunhyuk o kaya naman yung iba pang mga kpop actors at actresses na kaklase nila.

"This is what we're gonna do. The exam will be done by pairs. I'm going to draw lots regarding who will be your partners. It can be girl-to-girl, boy-to-boy or girl-to-boy partners," wika ni Mr. Park. May hawak itong isang kahon na naglalaman ng mga pangalan ng lahat ng mga estudyante sa klase nito at handa na syang bumunot ng unang maswerteng pares na magtatambal para sa magiging practical exam.

"Okay. For the first pair, Ms. Kim will be with Mr. Woo," wika ng professor. Excited na excited na tumayo si Ms. Kim dahil magiging kaparter nya si Kevin Woo na kasalukuyang member ng isang sikat na grupo na "U-Kiss".

"Oooh. How I wish to be Kevin's partner," wika ng isa sa mga kaklase nito. Tumayo na rin si Kevin at pasimpleng ngumiti sa kapartner nya. Pagkatapos noon ay pareho na silang naupo. Nagpatuloy sa pagbunot nang mga pangalan ang professor nila hanggang sa 4 na lamang sa kanila ang natira.

Nagsimula na uling bumunot ang professor. "Mr. Lee Donghae," wika nito. Tumayo si Donghae at nagsimula na namang kiligin ang mga classmates nya. Hindi iniintindi ni Donghae ang kaguluhan sa loob ng silid-aralan. Wala sana syang pakialam tungkol sa magiging kapareha nya ngunit bigla syang nagulintang nang narinig niya ang mga salitang, 'Ms. Frances Sadler'.

"What?! NO WAY!" biglang nasambit ng binata. Nagulat rin si Frances kaya bigla itong napatayo sa kinauupuan nito.

"I'm sorry Mr. Park, but I don't want to be with her," wika ni Donghae. Nainis si Frances sa narinig nya.

"As if I want to be with him," wika ng dalaga sa isang mahina ngunit kapariparinig pa ring tinig. Ayaw na nya itong makapareha hindi tulad noon na tuwang-tuwa pa siya sa tuwing magkakasama silang dalawa o kaya magkakausap man lamang. Inis na inis na ito sa binata ngayon. Nagbago na talaga ang pagtingin nito sa kanya.

"Oh really Mr. Lee? Ms. Sadler, is it okay with you if you will not be Mr. Lee's partner?"

"Yes Mr. Park. I don't wanna be with someone who has a mind and attitude problem, and who is deaf and blind in terms of love...’coz it might ruin my score in the practical exam," pagtataray na wika ni Frances.

Donghae smirks. "Me too. I don't wanna be with someone who is a cheater and a liar," wika nito.

"Excuse me?! I'm not a cheater and I'm not a liar! How many times do I have to tell you that?!" umiinit na naman ang ulo ng dalaga. Buti na lamang at may biglang umawat sa kaguluhan ng dalawa.

"Stop quarelling! Sir, I'm willing to be Donghae's partner instead. I don't wanna see anybody quarrelling anyway," wika ni Eunhyuk. Tumayo na ang binata. Natahimik ang lahat.

"Great. I would like to be Mr. Lee Hyuk Jae's partner instead of that girl," wika ni Donghae.

"Are you sure Mr. Lee Hyuk Jae?" tanong ni Mr. Park.

"Absolutely," wika ni Eunhyuk. Pagkatapos noon ay pinagbunggo nila ang mga kamao nila ni Donghae at inakbayan ito ni Donghae sa kanyang balikat. Talagang masasabi ng lahat na isa silang matalik na magkaibigan.

"Oh Mr. Lee Hyuk Jae, you should have been Ms. Kwon's partner. I just got your name with her just now. Ooooh. What a waste," wika ni Mr. Park habang nakatingin sa papel na kabubunot pa lamang nya. Nagulat si Eunhyuk sa kanyang narinig. Alam ng lahat na crush na crush ni Eunhyuk ang sikat na singer na si Boa. Mukhang masasayang ang pagkakataon na makapartner niya ang dalaga.

"Oh! I change my mind Mr. Park. I'm gonna be Ms.Kwon's partner for the performance." wika ni Eunhyuk. Napatingin na lamang si Donghae sa kanya at tila hindi makapaniwala. Nginitian na lamang sya ni Eunhyuk at binigyan ng 'peace' sign.

"So, we're settled then. Do your best. I want you to make me impress because I'm quite sure that all of you have guts."

Nagkatinginan sina Donghae at Frances. Hindi mapigilan ni Frances ang kanyang sarili sa pagtawa dahil mas pinili ni Eunhyuk si Boa na maging kapareha kaysa kay Donghae. Naasar si Donghae kaya naupo na lamang ito sa kanyang upuan.

Natapos na ang klase. Nauna nang tumayo si Donghae dahil medyo naiinis ito. Naiintindihan naman nya kung bakit mas pinili ni Eunhyuk si Boa na makasama kaysa sa kanya dahil alam nyang matagal nang pangarap ng kaibigan nya na makapareha ang dalaga. Ang hindi nya lang matanggap ay ang pagiging kapareha ng babaeng pinakaaayaw nya sa lahat, si Frances. Mas gugustuhin pa nyang gawin ang performance ng mag-isa kaysa sa makasama niya ang babaeng iyon.

Lalabas na sana sya ng silid nang mapansin nya si Frances na nakasandal sa may pintuan at nakatingin sa kanya na para bang nang-aasar.

"I thought this day is going to be a baaaad day. Thanks for making me laugh Mr. Lee," mapang-asar na wika nito. Pagkatapos noon ay tumawa na ulit ito. Hindi talaga sya maka-get-over sa mga nangyari kanina.

"Psh. Whatever! If I know, you're just happy because you became my partner and I couldn't do anything about it. Tss. You're obsessed with me," wika nito. He smirks.

"That was before. But now its different-" nagulat si Frances sa nasabi nya kaya bigla nyang tinakpan ang bibig nya. Donghae grins. Mukhang naka-strike one ito sa kanya. Alam naman nya kasi noon pa man na fan na fan nya ang dalaga.

Dali-daling umalis si Frances na nahihiya at naiinis. Hindi nya akalaing masasabi nya ang bagay na iyon sa harapan ni Donghae. Pinukpok nya ang ulo nya dahil sa realization na napakabobo naman nya para masabi ang bagay na iyon nang harap-harapan.

ELF's Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon