"Dali na!" Yanna urged me more. 


Nanginginig ang mga kamay ko nang inumin ko ang tequila. Gumuhit 'yon sa lalamunan ko bago ako lumapit kay Kalix. I licked the salt from his cheek down to his shoulder and sucked on it a little so I won't leave a trace. His skin got a little red from the sucking. I swear I could hear my heart beating so fast. 


They cheered on us like wild animals out of the cage. Nagtutulakan pa ang iba. I couldn't even look at Kalix now. Tumalikod na lang ako at kumuha ng beer para mapalitan ang lasa ng tequila sa lalamunan ko. Nakakasuka kasi 'yon! 


I was opening the bottle with the opener when Kalix suddenly held my arm. "Hey," he greeted, tinatantya ang emosyon ko.


"H-hey." Nautal pa 'ko. 


Tinapalan ko na lang ang kaba ko gamit ang pag-inom ng beer. Kumalma naman ako kahit papaano. Hindi lang talaga nakakatulong na malapit siya sa 'kin ngayon. Naalala ko na naman tuloy na hinalikan niya 'ko roon sa deck! 


"Do you want to have dinner later?" He looked nervous but hopeful. 


"Uh..." Hindi ko alam ang isasagot ko. "Sure. Kakatok na lang ako mamaya sa... Ano nga ulit room number mo?" 


"The one beside yours on the left," simpleng sagot niya. 


Tumango ako kaya binitawan na niya ang braso ko. Tinangay na rin naman siya noong lalaking umakbay sa kanya kaya ako, pumunta na kila Sam. I was already tipsy when we took more pictures on the deck. Muntik pa 'kong mahulog sa railings kung hindi lang ako nahawakan ni Kalix.


"What the hell are you doing?" He sounded mad. 


"O, Attorney, picture naman kayo riyan!" Kantyaw ni Kierra. 


Sabay kaming lumingon kay Kierra na nasa tabi ni Sam. May hawak na DSLR si Sam at mukhang kanina pa kami hinihintay na makuhanan ng magandang litrato. 


Umakbay si Kalix sa 'kin at nilagay ko naman ang kamay ko sa bewang niya habang nakangiti sa camera. Ang lakas ng loob ko dahil nakainom! 


"Ibang pose naman! Ganyan lang?" Sigaw ni Ke. 


Pumunta ako sa harap ni Kalix at sapilitang niyakap ang kamay niya sa 'kin. Pagkatapos, ngumiti ulit ako sa camera. Tinatawanan na 'ko ni Via dahil alam niyang tinatamaan na 'ko ng alak ngayon. Kung hindi, hindi sana ako ganito katapang. 


"Kiss mo, Luna!" Kierra teased more. 


"Seryoso ba?" Tanong ko. 


"Oo! Matapang ka, 'di ba? Gawin mo nga!" Ke took advantage of me! 


Humarap ako kay Kalix at pinalupot ang kamay ko sa leeg niya, ready to kiss. I angled my face before kissing him softly on his lips. Humigpit pa ang hawak ko sa kanya para madiinan ang halik niya sa 'kin. He was unresponsive but after some time, he held my waist closer. I felt like he just didn't want to take advantage of my drunk state.

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon