KABANATA 9

10 1 0
                                    

Steph's pov.

Pagdating ko sa bahay may konting celebration sila mommy dahil sa pagkapanalo ko....hindi parin ako mapakali dahil sa nalaman ko...lalo na ngayon at pupunta lahat ng mga kabanda ni kuya sa bahay pati narin si anika at yung ibang classmates namin.

Pumunta ako sa kwarto para magpalit muna...."steph anak bumaba kana dito, nandito na ang mga kaibigan mo"sabi ni mom....pagkababa ko nandun na nga sila...agad kong nilibot ang paningin ko, nagbabakasakaling makikita ko siya, pero wala, nakahinga ako ng maluwag.

Maraming pumunta sa celebration, pumunta rin kase ang mga reatives ni mommy, masaya naman ako dahil sa araw na ito....habang kumakain kami may humintong kotse sa tapat ng bahay.

Unang lumabas ay si kuya,...sumunod si troy at si brylle,....si alexis yata ang nag drive, kinabahan ako bigla nung nagtama ang aming mga mata, lumapit sila sakin at isa isa nila akong binati,...at nung si brylle na may dala pa talaga siyang gift hinalikan nya ako sa pisnge..grabe ang bango niya...amoy na amoy ko yung bango ng hininga nya

Itinuro ko sa kanila kung saan sila uupo, binigyan sila ni mommy ng makakain, at pumunta naman ako sa table nila anika.

"kyaahhh grabe ang galing mo, ang ganda mo, deserve mo talagang manalo....tara guys picture muna tayo."aniya natawa nalang ako sa kakulitan niya, nagpicture kami at kumain...marami rin silang kwento sa mga naganap na activities.

Pag katapos naming nag kwentuhan nagpaalam narin sila, medyo mag gagabi narin kasi, pero nandito pa rin yung mga kabanda ni kuya,...napansin ko kanina palagi ring lumilingon sakin si brylle,...iniiwasan ko ngang tumingin sa table nila kaso di talaga ako mapakali buti nalang walang nakapansin.

Nagpaalam ako kay mommy na magpapahinga muna dahil nakakapagod talaga ang araw na to.
"Anak magpaalam ka muna sa mga kaibigan ng kuya mo nakakahiya naman bisita mo rin sila"aniya, napasimangot nalang ako sa sinabi ni mommy.

Pumunta ako sa table nila kuya, nadatnan ko silang nagtatawanan, "uhmm kuya magpapahinga na muna ako, napagod kase ako kanina eh,....troy, alexis mauna na muna ako,...ahh brylle thanks for coming."sabi ko nalang at aalis na sana ako ng tinawag ako ni brylle....liningon ko siya at ngumiti "ah congrats ulit"aniya na namumula pa."thanks"yun nalang ang nasabi ko dahil pinapanood na kami ni kuya, si troy naman ngumisi ng nakakaloko pati si alexis na mukang matatawa na habang nakatingin kay brylle.

Pag pasok ko sa kwarto nagbihis ako agad at saka humiga, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pag nakikita ko siya...pero para sakin pag na diyan sya masaya ako....na nawawala yung pagod ko....hindi ko pa naman nararanasan tong ganitong feeling...siguro nga gusto ko na siya....pero habang maaga pa dapat pigilan ko na kase ayaw kong masaktan ang kaibigan ko...si anika ang nag iisang best friend ko..

Pinikit ko ang aking mata at agad nakatulog dahil narin siguro sa pagod.

Thanks for reading hope you like it
And plss vote.



I LIKE MY BESTFRIEND'S CRUSHDove le storie prendono vita. Scoprilo ora