Kung tutuusin ay na-starstruck dito si Jade Paris. Napaka-gwapo nito na pwedeng pumasa bilang isang Hollywood actor.

"Kung hindi lang kita pinsan, iisipin kong takot kang masapawan ni Gretta."

Umismid si Jade Paris saka sumimsim ng wine habang tanaw-tanaw ang maliwanag na Siyudad sa glass window ng unit niya.

"Nakuha ko rin!" tili ng pinsan niyang si Chin-Chin. "He is a MAPEH teacher at Happy School Academy-"

"Who?"

Umirap si Chin-Chin sa huli. "Si Mister Abs. Hindi lang ikaw ang sumikat, Jade Paris. Pinag-uusapan na rin siya kung gaano ka-hot dahil sa abs niyang pinirmahan mo."

"Good for him." Tamad na bumalik si Jade Paris sa sofa. Pinag-ekis niya pa ang dalawang binti saka braso. Nalihis ang ang robang suot niya dahilan upang lumantad ang makinis niyang hita.

Nangibit balikat na lang si Chin-Chin at pinagpatuloy ang pag-scroll.

"What's his name?" aniya mayamaya.

"Don't tell me, you're interested at him now."

Umirap siya sa pinsan saka inagaw ang cellphone nito. Bumungad sa kanya ang facebook profile ng lalakeng umasang magpapa-tanan nga siya.

Koa Labatete. She cringed by reading his surname. Ang gwapong lalake, ganito naman ang surname.

Puro mga shared post ng fan page niya ang kadalasang nasa profile nito nang mag-scroll siya.

Nailing siya at binalik ang cellphone kay Chin-Chin.

***

"TANGNA Par! Inom pa! Tama 'yan! Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo! Gusto mo bang hanapan kita ng babae para maikama mo!?" sulsol ni Rylan habang walang tigil sa paglagay ng alak sa baso ni Koa.

Dahil sa nangyari kanina sa mall ay hindi naihabol ni Koa ang bus pauwi sa probinsya nila dahil sa hinarang siya ng mga taong nakakita ng ginawang panghahalik sa kanya ng artistang si Jade Paris.

Ngayon nga ay nasa bahay siya nina Rylan at nakikipag-inuman para ilabas ang sama ng loob.

"Nyemas! Hanggang pangarap na lang ako sa kanya."

"Ano ba kasing nangyari? Akala ko ba ay inaya ka niyang magtanan? Sumikat ka nga, nabasag naman ang puso mo!" pang-aasar ni Rylan kaya binatukan ito ni Koa.

"Oh san ka na pupunta?" anito nang tumayo siya.

Gumigewang na tinungo ni Koa ang bike niya saka umangkas doon. "Uuwi, kukuha lang ng rosaryo tapos mag-bar tayo. Hanap tayo ng magagandang chickas! Papa-binyag na ako!"

"Yown! Pero aanhin mo naman 'yung rosaryo?"

"Pangontra sa tukso para isa lang ang babaeng mabinwit ko. Sa gwapo kong 'to, paniguradong hindi lang isa ang magkukumahog sa katawan ko." Lasing na nga siya at nagyayabang na ng angking kagwapuhan niya. Pero hindi siya masisisi ng iba. Nasasaktan lang siya dahil ganun pala ang kanyang Sinta. Natyempo pang ginamit siya para hindi daw masapawan ng iba.

Nyemas! Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero sa puso ko pa lang, walang makakasapaw sa kanya.

Tumawa si Rylan. "Sige Par. Bihis lang din ako."

Mister Fanboy, Itanan Mo Ako Pakiusap!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora