Tumawa ako sa sinabi niya at nagpaalam ulit. Nauna akong binaba ang tawag dahil ayaw niya raw ibaba yun nang hindi ko ibinababa. Tinapik ko si Ina para magising at makakain na siya kasama ko. Ginising ni appa si Zion sa likod ko at binigyan ng tuna turnover si Zion.
"Geuneun dangsin-ege mueos eul mal haessneunga?"(What did he say to you?) ani appa.
"Nothing much, appa." ani ko at kumain.
"Dangsin-eun geuga uliwa hamkke hasigessseubnikka?"(Do you want him to come with us?) ani appa sakin na nagpatigil sakin sa pagkain.
"Ani, abeoji. It's okay." sagot ko na may halong pag-aalinlangan.
Dahan-dahan tumango si appa. Matapos kumain ay inayos na ang dapat ayusin sa DFA. Medyo natagalan dahil maraming tao ang nakapila. Maghahapon na simula nang makabalik kami. Ani appa ay ipapakuha niya na lang sa secretary niya ang passport namin. Saglit lang naman daw yun ani appa.
"Noona!" sigaw ni Zion mula sa sala.
Hindi ako kumilos. Dalawa kaming noona ni Zion. Malay ko bang ako o si Ina ang tinatawag nitong bunso naming kapatid. Napa-igtad na lang ako mula sa pagkakahiga nang katukin ni Zion ang pintuan ko. Ako pala ang noona na hinahanap ng bunso.
"Noona! Come out!" ani Zion at narinig ko ang paghikbi niya.
Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang luhaan na si Zion. He's 9 years old but he acts like a 3 year old. Such a cutie.
"What's wrong, Zion?" tanong ko at inilabas siya sa kwarto ko.
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at yumuko para tignan si Zion. Pinunasan ko ang pisngi ni Zion at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Niyakap ako ni Zion sa bigla ko ay natigilan ako. Sa aming dalawa ni Ina, sakin mas overprotective at possessive si Zion. This is why we love him so much.
"A guy is looking for you. Noona, he said he's taking you away from me." ani Zion at nagsimulang umiyak ulit.
Tumayo ako at humawak siya sa kamay ko. Sinilip ko ang nasa pintuan saka ko nakita si Chase na nakatingin sa amin. Ngumiti siya nang makita kami ni Zion saka siya kumaway. Akmang kakaway na ko nang hawakan ni Zion ang dalawa kong kamay at umiling sakin.
"Aniyo, noona. Don't wave back." ani Zion sakin.
Tumango ako at sabay kaming bumaba ng hagdan ni Zion. Pina-upo ko si Chase habang si Zion naman ay nakahawak lang sa laylayan ng damit ko habang sinasara ko ang pinto ang nag-aayos ako ng bahay. Kung saan man ako pumunta ay laging nakasunod si Zion. He just won't leave me.
Nang matapos akong magligpit ay uupo na sana ako sa tabi ni Chase nang itulak ako ni Zion palayo at siya ang umupo doon. Tinignan ni Zion si Chase saka nagsalita. "I don't like you for my noona. I like Kurt hyung for noona." ani Zion na ikinagulat ko.
Akmang magsasalita ako nang mauna si Chase sa pagsasalita. "I can't argue with that but I still own your sister." ani Chase at tumingin sakin sabay kindat.
"You don't own my noona. Noona belongs to us. She belongs to me and Kurt hyung and Ina noona." ani Zion at tumayo.
Naglakad siya papunta sa hagdan at nang nasa taas na siya ay lumingon siya kay Chase at sa akin. "I'm going to tell Kurt hyung that's someone is stealing my noona and his yojachingu." anito.
"Please do tell him that." ani Chase at kumindat pa sa kapatid ko.
Pumasok ng kwarto si Zion kaya hindi ako makapaniwalang napatingin ako kay Chase. Pinatulan niya ang baby Zion namin.
Bumaling si Chase sa akin at ngumiti ng napakatamis na ngiti. Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko saka ako inilapit sa kanya para halikan. Chase traced my bottom lip with his tongue, asking me to open my mouth which I did.
"You'll be mine soon, Irina." aniya matapos niyang humiwalay sabay bigay sakin ng isang matamis na ngiti.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 11
Start from the beginning
