"Okay ka lang, Irina?" tanong ni appa na nagmamaneho.

"Ayos lang ako, appa." ani ko at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Tulala ako sa labas ng bintana hanggang sa ihinto ni appa ang sasakyan. Nagkanya-kanya kaming bukas ng pinto. Ang bodyguards ni appa na nakasunod ay huminto na lamang sa tabi ng sasakyan namin. Lumapit si appa sa pwesto ko at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Hahanap lang kami ng makakain ng eomma ninyo. Pipila tayo mamaya para sa passport niyo. Irina, I want you to cheer up. Babalik naman tayo after three weeks. We won't stay for long." aniya at hinalikan ako sa noo.

Tumango ako kay appa at tinignan ang cellphone ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni appa at hinalikan pa ko muli sa noo saka siya umalis kasama si eomma at ang dalawang bodyguards. Dalawa rin ang natira dito sa amin. Si Zion ay pinagpatuloy ang pagtulog sa pinaka backseat habang si Ina naman ay tumayo dito sa harap ko.

"Tawagan mo na kaya? Whoever you are worried about." aniya.

Bumuntong hininga ako. "Nalilito ako, Ina. I don't know what to do." ani ko kay Irina at ipinatong ang ulo ko sa tuhod.

"Irina..." ani Ina at hinagod ang likod ko.

"Chase isn't supposed to be like this. He loves nothing but strings so it's impossible na mahalin niya ko. Hindi ko... Hindi ko alam k-kung joke o hindi. Ina, ano na? Alam mo dapat to." ani ko at napahikbi na.

"I'm sorry, Irina pero wala akong alam sa iniisip ni Chase. Ba't ba bigla kang nag-iisip ng ganyan?" ani Ina at niyakap na ko.

"H-hindi ko alam. Magulo!" ani ko at humagulgol.

Inangat ni Ina ang mukha ko at pinunasan ang magkabilang pisngi ko gamit ang panyo niya. "Mahal kita, kambal. At gagawin ko ang lahat para hindi ka na mahirapan. I'll find a way, Irina." aniya at tinuyo na talaga ang pisngi ko.

Kinuha niya ang cellphone ko sa likod ko at inabot sakin. "Tawagan mo si Chase habang maaga pa. Let's see if he's concern enough." ani Ina at hinintay akong idial ang number ni Chase.

Bumuntong hininga ako saka pinindot ang speed dial. Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone at hinintay na sagutin ni Chase ang tawag. Matapos ang ilang ring ay agad na may sumagot sa kabilang linya.

"Irina... Why call this early in the morning, babe?"  ani Chase sa namamaos na boses.

I felt a pang of pain in my chest when he called me that. I fell inlove with Chase hard that it makes me really crazy. "M-may sasabihin ako sa'yo." sagot ko at napakagat sa labi para mapigilan ang panginginig.

"Spill, babe. I'm always ready to listen." aniya at narinig ko ang kuskos ng kumot sa kabilang linya. Halatang nagising ko siya sa pagtawag ko.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now