Best Friend Vs. Boyfriend(29)

2.2K 57 4
                                    

Hi guys! Sorry for waiting! :*

NEXT UPDATE: MAHAL KITA KATHRYN BERNARDO.

By schedule po ang ud ko. :)

***

Patchot's POV:

(SAME DAY)

Gosh. Kinakabahan ako. Feeling ko iba ang mangyayare. Feeling ko magsusuntukan yung dalawa. Haay! Wag naman sana no?

Tiningnan ko ang phone ko, 11:23 pm na? Hala naman. Bakit ang bilis? Lol. Tapos wala pang text galing kay Aj pati kay Ivan. Ano na kaya ang nangyayare sa dalawang 'yun?

*tok tok tok*

Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Frances. Bakit andito 'to? Tapos nakangiti pa ng malapad.

"Hi ate Patch!" sabi niya tapos pumasok sa loob ng kwarto then  dumapa sa kama. Aba! Feel at home din 'tong babaeng 'to.

Nakapamewang ako "Hoy babae, bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.

"Masama ba? Eh hindi pa umuuwi si Kuya--- Si Ivan eh. Nagbabakasakali ako na andito"

"Wow, so ginawa mo kaming lost and found?"

"Err, ate Patch, anong lost and found? Duh"

Kinamot ko yung ulo ko. Naalala ko tuloy nung nakita ko sila ni Ivan. Ang sweet nila. Akala ko nga sila eh. Nung time na yun, mahal ko si Ivan at nagselos ako sa kanilang dalawa.

F L A S H B A C K . . . . .

Nasa school ako ngayon..Tinatapos ko yuny project ko. Ang hirap eh. Pero malapit naman na din ako matapos. Kaya okay lang.

Project namin 'to sa English. Di ko natapos sa bahay eh, kaya dito nalang sa school. Tutal mamaya pa naman ang klase ko. -_-

Maya-maya lang, nakita ko si Ivan. Tapos may inaakbayan siyang babae. Tapos grabe sila kung makatawa. Seriously? Girlfriend ba siya ni Ivan?

Palakad sila papunta dito sa direction ko. Seryoso? O sa canteen lang? Kasi nasa may labas ako ng canteen eh. Grr. Wag mag assume Patchot.

"Hahaha! Ang panget mo talaga Ivan"

"Hala, ang gwapo ko kaya."

"Wo? Gwapo? Saan banda?"

"Lahat! Buo"

"Hahahahaha!!! Nyemas. Pasalamat ka mahal kitang lalake ka"

tapos tumawa lang si Ivan.

Ha? So girlfriend niya nga? So nganga ako? Umasa pala ako? Anak ng tonay naman Oo! Napakasakit lang sa aking damdamin. Pucha!

Niligpit ko nalang yung mga gamit ko at umalis na. Ayokong makita ang pagmumukha nung lalake 'yun.

(-_-)

Nasa library ako ngayon, tapos ko na kasi yung project ko at naipasa ko na kay teacher. Mehn! 100 yung score ko dun. Haha... Partida, madalian pa 'yun.

"Hi Baba"

Oh? Kilala ko na agad kung kaninong boses yan.

Di ko nalang pinansin. Tinatawag na naman niya akong baba! Inis naman eh.

"Huy ba! Bakit di mo na 'ko pinapansin?"

Tiningnan ko siya ng masama. Tapos naka pout siya. Haha! Ang cute niya lang mag pout. Tngna. Nakaka inlab lalo.

I LOVE YOU, BEST FRIEND! (ILYBF 1) |FINISHED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon