ILYBF~ Still Love You (27)

2.4K 59 9
                                    

CHAPTER 27:

“Still Love You”

 

 

AJ’s POV:

Yes! Pupunta siya dito!  Makikita ko na rin ang babe ko. Hininto ko muna yung ginagawa ko kasi may nag text saakin. Pag tingin ko, si Patchot lang naman pala.

From: Babe <3 <0927*******>;

Babe! Wait lang ah? Andito pa ako sa bahay, iiwan ko muna mga gamit ko. Madami kasi eh. Pero I’ll be there in 20 minutes. :*

Uh. She’s sweet.

To: Babe <3 <0927*******>;

Okay babe! I’ll wait for you!

After nun, pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.

Kung dati sa PU ako nag High school, ngayong college, dito naman sa enderun.

Gusto ko sana sa Bernardo High, kaso nga lang ayaw ng mommy at daddy ko.

So I have no choice. Dito nalang.

Okay naman din dito eh.

“Uhm Aj, anong gagawin natin dito sa mga natitirang papel?” tanong ng classmate kong si Iyana.

“Ah, sige hayaan mo muna yan jan. Maskin ako hindi ko rin alam eh. Teka—Tapos na ba yung assign sayo?”

Tumango siya at kinuha ang bag niya “Yes. Katatapos ko lang. Ikaw?”

 

 

“Wala pa eh. Medyo marami rami din ‘to.”

 

 

“Wo? Gusto mo tulungan nalang kita? Wala naman din kasi akong ginagawa eh”

 

 

“Ah. Wag na, pupunta din naman dito yung girlfriend ko eh. She will help me in this stupid projects.”

Ngumiti si Iyana sa’kin “Wow. Uh can you introduce me to your girlfriend later?”

Tumawa ako at pinulot yung mga basurang nakakalat.

“Haha. Sure, pero diba? Uuwi ka na?”

I LOVE YOU, BEST FRIEND! (ILYBF 1) |FINISHED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon