I'll Get You

25 1 0
                                    

CHAPTER 1

"Uyy, Chrys! Bakit late ka na? Kanina pa ko nag-iintay dito ah!"

Ako nga pala si Chrys. Chrystopher Lee Mercado. Isang 4th year high school student dito sa Brookridge Subdivision Academy. 5'7" ang height, tama lang ang build. Medyo maputi, itim ang buhok, pero green ang mga mata. Nakuha ko kase sa mama ko na pure American, kasama na ang mga freckles niya. Madalas tuloy akong napagkakamalang foreigner dito, lalo na yung mga hindi nakakakilala saken, pero hindi pa ko nakakatungtong sa ibang bansa kahit minsan. Matagal na kasing pumanaw ang mama ko, at ang tatay ko naman ay nasa bago niyang pamilya sa Dubai. Ang lolo at lola ko lang ang nagpalaki saken mula nang namatay si Mama, pero kung minsan ay dumadalaw si Papa dito sa Maynila. Yun nga lang, hindi pa niya dinadala ang bagong pamilya niya dito sa Pilipinas kaya hindi ko pa sila nakikilala. 

"Sorry ah... Tinanghali na kase ako ng gising. Pinagpuyatan ko kase yung project naten sa Physics." 

"Nakoow, ang sipag mo talaga kahit kelan! Para kang si Einstein eh! Panigurado ikaw na ang magiging valedictorian natin nyan!" 

"Hindi naman siguro. Mababa pa rin ang grades ko 'no." 

Napatawa nalang ako para hindi mahalata ang kaba ko. Siya nga pala si Sefie Akira Mitarashi, ang best friend ko mula First Year. Hapon ang tatay niya kaya ganun ang pangalan niya. Malapit lang ang bahay niya sa amin, kahit medyo bago pa siya sa subdivision namen. Magta-tatlong taon pa lang sila dito sa Quezon City, pero ako ang pinaka-una niyang nakilala na kasing-edad nya. Maganda si Sefie, mahaba ang kanyang buhok na mas matingkad pa ang pagka-itim kesa saken. Dahil Pilipina ang nanay niya, dito niya nakuha ang kanyang mga mata, pero medyo may pagka-singkit din. Maputi din siya at makinis ang balat, at halos maaabutan na niya ako pagdating sa height. Lagi nga siyang napagkakamalang cosplayer eh, pero mas adik siya sa K-pop kesa sa anime, kahit sa Japan pa siya nagmula. 

Nginitian nalang ako ni Sefie. "Ano ka ba Chrys, masyado namang mababa ang tingin mo sa sarili mo. Sige, pustahan tayo, kayang-kaya mo naman maging valedictorian, ano?" 

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Sefie, wag ka naman magbiro ng ganyan." Nagreklamo naman siya kaya pumayag na ko para hindi na siya magalit. "Sige na, ang kulit mo rin eh. Ano bang gusto mong premyo?" 

"Pag hindi ka naging valedictorian, kelangan mong bilhin ang pinaka-latest na album ng pipiliin kong K-pop artist. Yung may autograph ah?" 

Hala, sabi ko sa sarili ko. May kamahalan 'to ah. Butas ang wallet ko pag ganun

"Ahh.. Eh, sige na nga," sabi ko. 

Lalo siyang ngumiti at nagtanong, "Ikaw, ano bang gusto mo kapag ikaw ang Top 1?" 

Gusto kitang maging girlfriend, sabi ko sa sarili ko. Pero syempre, hinding-hindi ko sasabihin yun sa kanya. At lalong hindi ngayon. 

"Saka ko na sasabihin sayo, kapag talagang Top 1 na ko. Mag-iisip pa ko eh." Binalikan ko nalang siya ng ngiti. 

"Ang daya mo naman! Baka naman kung anong surprise yan ah!" 

Tumawa ulit ako at ginulo ang buhok niya. "Akala ko ba male-late na tayo? 'Lika na nga." 

Pumasok na kami sa unang klase namin, Physics. Kaya grabe nalang ang pagpupuyat ko para sa project, maaga rin kaseng ipapasa. 

"Chrys! Good morning!" 

"Hi Chrys! Nakow, ang dami ko nanamang ichi-chika sayo mamayang recess!" 

"Tara Chrys, upo na tayo!" 

Sinimulan nanaman akong kuyugin ng mga makukulit kong kaklase, sina Juliet Alvarez, Emily Clarisse Rodriguez at Annabeth Kristine Rivera. Puro sila babae, at mga kaibigan rin sila ni Sefie. 

Hindi ko pa pala nasasabi, madali talaga akong lapitan ng mga babae, at kung minsan, mga lalaki. 

Ang alam kase nilang lahat, bading ako. 

I'll Get YouWhere stories live. Discover now