Chapter 22: Black Marks

Magsimula sa umpisa
                                    

Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Sana maramdaman niya na naghihintay ako sa paggising niya.

***

Nag-aalala na ako kay Xyra. It's been three days but she's still asleep. Pinupuntahan na lang siya ni Cyril para hindi siya mangayayat. She's using her power to replenish her body strength.Tatlong araw na kasi siyang hindi kumakain. Tatlong araw na rin kaming nagsasanay sa underground basement. We're also practicing our teamwork.

Humahangos na tumakbo papunta sa 'min si Frances kaya napatigil kami.

"Clauss! Gising na si Xyra!" natutuwang sigaw niya. Natigilan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Napapikit ako. Tinakpan ko ang mga mata ko. Naiiyak ako sa tuwa. I'm so glad. She's already awake. I missed her so much. Akala ko mamamatay na ako sa paghihintay sa paggising niya.

XYRA's POV

Iminulat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang tagal ko nang natutulog. Nanlalabo pa ang paningin ko pero unti-unti ring luminaw.

"Xyra!" masayang tawag ni Frances. Nilingon ko siya. Naiiyak siyang tumingin sa 'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Wait! Tatawagin ko si Clauss! Kung alam mo lang kung paano ka niya binantayan noong mga nakaraang araw! Kung wala lang sanang training, tiyak na hindi siya aalis sa tabi mo," natatarantang sabi niya. Gusto kong matawa sa itsura niya. Parang hindi niya alam kung saan siya tatakbo at pupunta. Ano ba kasi ang nangyayari? Ang huling naaalala ko lang ay nakalaban ko si Elysha. 

Lumabas na si Frances sa kwarto at hindi ko na siya nagawang tanungin. I sighed. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Kinuha ko ang damit ko sa drawer ko at naligo. Napatingin ako sa tagiliran ko na nakagat ng ahas. Wala na ang marka ng kagat. Marahan ko itong hinaplos. Sana nga wala na talaga. Ang huli kong naaalala ay may mga black marks na unti-unting kumakalat sa katawan ko. Sana mali ang mga nakita ko bago ako nawalan ng malay.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagtaka ako nang marinig na maingay sa loob ng kwarto. Parang nagkakagulo sila.

"Huwag nga kayong mag-panic! Nasa banyo lang si Xyra! Hindi siya nawawala! Huwag kayong OA!" narinig kong sigaw ni Claudette. Napangiti ako. Bakit ba nila ako pinagkakaguluhan? Mukhang pinag-alala ko sila, ah.

Agad akong nagbihis. Binalot ko pa ng towel ang basa kong buhok. Binuksan ko ang pinto pero bago pa ako makalabas sa banyo ay dinumog na nila ako.

Natumba ako sa sahig ng banyo, maging sila.

"Ayos ka na ba, Xyra?" nag-aalalang tanong ni Claudette. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi. Akala ko ba huwag dapat maging OA? Pero bakit nangunguna pa siya? Mahina akong tumawa. 

"Maayos lang ako. Bakit ba kayo nagkakagulo?" natatawang tanong ko. Seryosong tumingin sila sa akin. Wala si Clauss kaya kumunot ang noo ko. Natatawang tumayo sina Frances at Cyril. Nakatayo naman sina Akira at Troy sa harap ng pinto ng banyo.

"Sure ka? Hindi ka nakontrol ng kadiliman or something evil?" nagdududang tanong ni Claudette. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Hindi 'no! Maniwala ka sa 'kin! Ayos na ayos lang ako," pagbibigay ko sa kanya ng assurance. Napapraning na ba sila? Nagtaka ako nang tumabi sa daan sina Frances.

"Claudette, huwag mo na siyang kulitin," supladong sabi ni Clauss. Napangiti ako nang makita siya. Tumayo na si Claudette at sumimangot. Lumapit naman sa 'kin si Clauss at inilahad ang kamay. Tinanggap ko naman 'yon. Nagulat ako nang mahigpit niya akong yakapin nang makatayo ako.

"I'm glad you're fine," bulong niya. Napangiti ako at niyakap din siya. Halata ang pag-aalala sa boses niya.

"Alis na tayo! May nagmo-moment dito!" natatawang sabi ni Frances. Nagtawanan sila. Ang mga baliw, lumabas nga sa kwarto.

"Enjoy!" pahabol ni Claudette. Natawa ako nang lumabas na silang lahat. Ini-lock pa nila ang pinto mula sa loob. 

"Ano ba ang nangyari?" takang tanong ko kay Clauss. I looked at him. Pinisil niya ang ilong ko.

"Three days ka lang namang tulog. Akala namin kung ano na ang nangyayari sa 'yo. Pinakaba mo kami," nakasimangot na sabi niya.

"Sorry. Pero ayos na talaga ako ngayon. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko," sabi ko. Nagtaka ako dahil titig na titig si Clauss sa mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. He even traced my lips with his fingers. Napalunok ako.

"This is not good," mahinang sabi niya. 

"Why?" kinakabahang tanong ko. Nagtaka ako nang marahan niya akong isandal sa pader. Bumilis ang tibok ng puso ko. He held my chin up. He look at me in the eyes. I can see longing in his eyes.

"Sa tingin ko, may kakaiba akong nararamdaman," mahinang sabi niya. Napapikit ako nang marahan niyang kagatin ang leeg ko. Napahawak ako sa likod ng ulo niya.

"Clauss... wait," mahinang sabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano magre-react. He kissed my jawline. His hands traced my waist.

"I missed you so much," sabi niya nang tumapat ang labi niya sa labi ko. Titig na titig siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating. Bahagyang umawang ang labi nang marahan niya itong kagatin. He started to kissed me aggresively. His tounge playfully entered my mouth. I responded to his kisses with the same intensity. Naramdaman kong lumugay ang buhok ko. He removed the towel but I didn't mind.

Naramdaman kong umangat ang paa ko sa sahig. Naglakad siya habang buhat ako at hindi pinuputol ang halik. Naramdaman ko na lang na ihiniga niya ako sa kama. Natigilan ako. Don't tell me, gagawin namin 'yon? Tumigil ako sa paghalik sa kanya. I blushed. He's on top of me.

"Clauss, baka may makakita sa 'tin?" nauutal na sabi ko. Hindi niya ako pinansin. Muli niyang inangkin ang labi ko. Napapikit ako. He stopped then kissed me in the cheeks.

"Walang makakakita. They're dead if they entered this room," bulong niya. Kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi ko siya kayang pigilan. Pakiramdam ko nauubusan ako ng lakas. He kissed me again. His hands slid inside my shirt. He traced my stomach. Teasing me. I let out a moan. He stopped kissing me. He looked at me.

"I'm sorry," he whispered and hugged me tight. I can feel his heart beating fast. As fast as mine.

"Why?" I asked. I'm out of breath. I'm glad he stopped.

"I can't control myself. Akala ko mawawala ka na sa 'kin paggising mo," bulong niya. I smiled. I hugged him back. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang braso ko.

"Clauss!" sigaw ko. Naitulak ko siya. Nagtatakang tumingin siya sa 'kin. I looked back on my arms. May black marks na paikot-ikot sa magkabilang braso ko.

"What?" takang tanong niya.

"May black marks sa braso ko!" sigaw ko at ipinakita ko sa kanya. Umupo siya sa kama. Bumangon ako at umupo rin. I checked my stomach. The black marks are all over my body. Kahit sa legs ko. Paikot-ikot ang mga ito sa katawan ko.

"Ano ba'ng sinasabi mo? Wala naman ah!" kunot-noong sabi niya sa 'kin. Kinabahan ako. Why? Bakit hindi niya nakikita? Ano'ng nangyayari sa 'kin? Nakaramdam ako ng matinding takot. Nagha-hallucinate lang ba ako?

------------------

TO BE CONTINUED....

AUTHOR's NOTE

Nagbago ako isip kong mag-SPG.. Ang daming bata eh :D Take care always at salamat sa paghihintay sa updates <3

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon