“I’m not, yes, and so do you. Hindi ka niya girlfriend because as far as I know, he pushed you away pero tignan mo nga naman, ikaw pa rin ang habol ng habol… alam mo kung bakit?” tumaas ang kilay niya at ngumiti ng pasarkastiko, “Kasi malandi ka. Cheating behind your boyfriend’s back’s not cool, brat.”

“Wala kang alam sa nangyayari, Sophia. You don’t have the right to judge me.” Alam ko wala naman akong dapat pakialam sa sasabihin ng lahat e. May gawin ako o wala, may masasabi ang ibang tao. I just want to do things that will make me happy. Why is it so hard to be happy?

“Wala nga akong alam, pero alam kong malandi ka. Masaya ban a habang may boyfriend ka, may Kerko ka pa? Selfish flirt, Mikaela. Ang landi mo.”

I just looked at her at hindi nalang ako nagsalita. She’s mocking me and I will not let myself to go to her level.

“Ai…” napalingon ako ng magsalita si Mikael. “I need to go to Dale. May kukunin ako sakanyang mga files. Sasama ka?”

“Ako, Kerko, sasama ako,” tumayo si Sophia at lumapit kay Mikael. “Ang tagal ko na din namang hindi nakapasyal dito,” she smiled.

I rolled my eyes. “Hindi ako sasama. Pupunta nalang ako sa bahay.” Tumayo ako at umakyat sa kwarto para magbihis. Naiinis na naman ako sa babaeng ‘yun.

“Ai…” pumasok sa loob ng kwarto si Mikael at lumapit sa akin. “Aalis ka diba? Umalis ka na… umalis na kayo ng babae mo.”

Naghahanap ako ng damit na susuotin ng yakapin niya ako mula sa likuran. “Nagseselos ka?” bulong niya.

“Hindi. Bitawan mo ako.” Sinusubukan kong kumawala sa yakap niya pero mas hinihgpitan niya lang.

“Nagseselos ka e,” he chuckled.

“Sinabi na ngang hindi e. Bitawan mo na nga kasi ako!” I said, annoyed. Nakakainis naman kasi talaga. Dumating lang ‘yung babaeng ‘yun, puro ka-shit-an na ang nangyari. Sophiyuck talaga.

“Nagseselos si Mikaela ko,” natatawang bulong ulit ni Mikael. Pinilit kong kumawala sakanya at humarap. “Hindi. Ako. Nagseselos.”

“Okay lang kung hindi ka aamin. Halata naman,” he smiled.

“Sinabi na ngang hindi, okay?! Bumaba ka na dun kasi naghihintay na sa’yo ang babae mo. Umalis ka na! Magsama kayong dalawa! Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? Hindi mo naman ako girlfriend. Hindi kita boyfriend. Wala akong karapatan magselos sa kahit na sino pang babaeng lalapit o didikit sa’yo. Wala! Wala akong pakialam kung makikipaghalikan ka sa iba o ano pa man, okay? Hindi ako magseselos! Kung gusto mo, ‘dun ka na sakanila! Malandi lang naman ako e. May boyfriend na ako and yet, I wanted to be with you. Damn it, Kerko, nakakainis! Umalis ka na nga!”

“Ai…” he embraced me and kissed my neck. “Let me go!”

“May karapatan kang magselos kasi sa’yo ako. I may not be your boyfriend again, pero ayos lang. Ayoko namang maging boyfriend mo lang. Ayokong hanggang ‘dun lang tayo. Forever, right? Don’t push me to them. Ayoko silang kasama. Ikaw lang, walang iba.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now