Chapter 34 ( Ang Pagpaparaya at ang Wakas )

8.3K 87 15
                                    

HARRY POV

Bakit ang liwanag.. Pagkagising ko katabi ko si sandra.. Nilibot ko ang buong kwarto, nasa hospital ata ako..

"harry" - nagising si sandra.

"sandra, nasan ako" - tanong ko.

"nandito ka sa hospital, naaksidente ka" - nag alalang boses niya.

 "na-aksidente ako" - mahina kong boses.

"sorry harry, ako ang dahilan kung bakit nandito ka sa hospital" - lumuha ang mga mata niya.

"wag ka ng umiiyak" pinunasan ko ang luha niya gamit ang kaliwang mata ko.

"sorry talaga harry, sorry" -  hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.

"wala kang kasalanan kung bakit ako nandito ngayon, ako rin naman ang may kasalanan nito, inaway kita, nasaktan ako at ito naaksindente" tinignan ko si sandra sa mga mata niya "tandaan  mo ito sandra mahal na mahal kita wala akong ginawa sa buhay ko kundi ang mahalin ka lang, kung si rox talaga ang mahal mo hindi ko na pipigilan ang pagmamahal mo sa kanya..

OO tama kayo sa narinig niyo at narinig ni sandra. Siguro tama na din ito para maging masaya si sandra. OO masakit, mahirap ang gagawin ko. pero ito lang ang alam ko para maging masaya ang mahal ko..

"ano bang sinasabi mo harry" - seryosong tanong niya.

"sa nangyari ngayon sa akin, narealize kong ito na ang tamang panahon para pakawalan ka" - hindi ko na napigilang lumuha sa harap niya.

"harry" - mahinang boses niya.

"hindi ko na ipagpapatuloy ang kasal natin, oo napakasakit ng gagawin ko, pero kung ito lang ang paraan para maging masaya ka, sige pinapakawalan na kita" - bigla niya akong niyakap, yung yakap na mahigpit.

"salamat harry, maraming salamat" - umalis na siya sa pagkakayakap sa akin.

"sandra, gusto kong makausap si rox may gusto lang akong sabihin sa kanya" - Ako.

SANDRA POV

Sa pag-uusap namin ni Harry, doon ko narealize kung gaano siya kabait at kung gaano niya akong kamahal.. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra at naguguilty ako dun, pero nagpapasalamat ako sa kanya, dahil minahal niya ako ng totoo inalagaan at binigay niya ang lahat para sa akin.

Ayoko man na  saktan siya at iwan siya pero huli na nasaktan ko na siya ng sobra. Anong magagawa ko kung ang puso at utak ko si rox parin ang nilalaman..

ROX POV

Sinabi ni sandra ang lahat ng nangyari kay harry.. Nag-usap na rin kami tungkol sa aming dalawa.. Naging maganda ang pagbabalikan namin. Masaya ako sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa kanya ako pa rin ang pinili niya..

Inaamin ko, nasaktan ko siya sa ginawa kong pag-alis, pero ngayong okay na ang relasyon namin ni sandra. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya ..

Isang araw nabalitaan kong nakalabas na si Harry sa hospital..

"harry" - ako,

"rox, ikaw pala" - si harry.

"kamusta ka na harry" - tanong ko

"okay na" - ngiting sabi niya.

"harry salamat pala sa lahat lahat" - Ako

"ginawa ko yun dahil mahal na mahal ko si sandra" lumapit sa akin si harry "rox ito lang ang hihingiin kong pabor sayo, wag muna ulit iiwan si sandra mahalin mo siya sa abot ng makakaya mo" - seryosong sabi niya.

"oo harry, hinding hindi ko na iiwan si sandra, at mamahalin ko siya ng sobra sobra" - ngiting sabi ko.

"dapat lang, pagnalaman kong iniwan at pinaiyak mo siya hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo" - pagbibiro niya..

Iyon ang huling araw nang pagkikita at pag-uusap namin ni harry..

Hindi na nga natuloy ang kasal nila Harry, syempre kami na ulit ni sandra. Nalaman ng mga magulang ni sandra ang tungkol sa pagbabalikan naming dalawa, syempre yun nagalit sila pero sa pagkakataon ngayon ipinaglabaan ulit ako ni sandra sa magulang niya.. Nung una hindi nila natanggap yung sa amin ni sandra pero nung nagtagal na naging okay na ang lahat..

Alam namin ni sandra marami pang pagsubok ang dadating sa aming dalawa, kung anumang pagsubok yun kaya na namin harapin na pagkasama..

Sobrang masaya ako kasi tanggap na kami ng magulang niya.. Ikinasal na rin kami syempre sa ibang bansa kami ikinasal hehe !!

Ito ang kwento nang buhay pag-ibig ko. Mahirap, masakit, malungkot syempre Masaya ...

She's Love Her ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon