Chapter 3

1.7K 77 10
                                    


Tatianna POV




3 days later. . . .


Tatlong araw na.




Tatlong araw na ang lumipas mula ng nagulo ang buhay ko.


Nagulo dahil sa aking ginawa sa loob ng sinehan.



At yun ay ang panghahalik ko kay Vanca.


Ang bestfriend ko.



Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko yun.


Ang naaalala ko lang na tanging alam ko ay nagsusumigaw na yung puso ko sa pagmamahal ko para kay Vanca.


At sa matinding pagmamahal na yun na aking pinipigilan ay di ko nakayanan at hinalikan siya.



I'm only human.


Tao lang ako na nahumaling sa kagandahan ng babaeng matagal ko ng mahal.


Vanca has an amazing beauty na di nakakasawang tignan.



Lalo pa nga siyang gumaganda sa araw-araw na nakakasama ko siya.


That's why I couldn't fight myself.



At ginawa ang gusto ng puso ko.


Ang puso ko ay para ng isang bulkan na maglalagablab na at sasabog.



Dahil hindi biro ang mga araw, linggo, buwan at mga taon na nilalabanan ko ang pagmamahal ko para kay Vanca.



Pilit ko itong binabaliwa ngunit hindi ko kaya.



Ginawa ko ng layuan siya noon pero ako nahirapan lang ang sarili ko.


Dahil mas masakit pala yung mahalin ko si Vanca ng wala siya at di nakikita.




Kesa yung minamahal ko siya pero nakakasama ko siya.



Kaya pinili kong makasama siya kahit mamatay-matay na ako sa pagpipigil sa nadarama ko para sa kanya.



Kahit kaibigan lang ang turing niya sa akin ay masaya na ako dun.



Kahit confidant lang ang tingin niya sa akin ay kontento na ako dun.





Dahil sa ganung paraan ay naipaparamdam ko sa kanya yung pagmamahal ko na gusto siyang alagaan at ingatan.




Pero ngayon ay di ko na magagawa pa yun.



Nasira ko na ang samahan namin.



Nabuwag ko na yung pagtitiwala niya sa akin.



At dahil yun sa katangahan ko!



Nagpigil na ako ng ilang taon pero bakit di ko na nagawa pa yun ng dahil dun sa palabas na yun?!



Nahalikan ko nga siya.



Naangkin ko nga ang labi niya.



Nagawa ko na nga ang matagal ko ng gustong gawin sa labi niya.



The Perfect Infidelity (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon