01 #Arrival

5.8K 130 3
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is four p.m and the temperature is 32 degree celcius. For your safety and comfort...."

Habang mahimbing na natutulog si Red sakanyang kinauupuan ay may kumalabit sakanya mula sa tabi niya at sinabing nakarating na sila sa Pilipinas. Tinanggal niya ang kanyang headset at inilagay yun sakanyang bag. Tumayo na siya at sumabay na sa mga taong bumababa sa eroplano.

Nandito na naman siya sa Pilipinas, ang bansang ayaw niyang pinamamalagian. Kung hindi lang talaga importatnte ang dahilan niya ay mas nanaisin pa niyang sa ibang bansa na lamang manirahan.

Ayaw niyang namamalagi ng matagal sa Pilipinas dahil ayaw niyang istressin ang sarili niya sa mga walang kwentang bagay at tao sa paligid niya, isa ito sa mga dahilan kung bakit palagi siyang nagpupunta sa iba't ibang bansa tulad ng America, Europe at iba't ibang bansa sa Asya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sakanya bulsa at tinignan ang oras.

"Late na naman siya."

Bulong niya sakanyang sarili nang hindi niya mahanap ang taong magsusundo sakanya sa airport. Istrikto siya pagdating sa oras at ayaw na ayaw niya kapag sinasabing filipino time dahil hindi naman siya lumaki sa Pilipinas at talagang hindi siya nahuhuli sa mga bagay bagay.

Hindi na niya hinintay pa ang magsusundo sakanya at nag-abang na lang siya ng taxi sa labas ng airport at nang makakita na siya ay tinulungan siya nung driver na ipasok ang mga gamit niya.

Maya-maya pa habang nasa biyahe siya ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag ang kaibigan niya na dapat sana ay susundo sakanya sa airport.

[Red!]

Inilayo niya ng kaunti ang phone sa tenga niya dahil sa pagsigaw nito sakanya at napatingin pa ang driver sa sobrang lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

[Nasaan ka na? nandito na ako.]

Hinihingal na sabi nung nasa kabilang linya.

"Darating si Daddy. Magkita na lang tayo sa bahay."

[Ano? pero--]

Hindi na niya pinatapos pa ang kaibigan at pinatay na niya ang cellphone niya. Kinuha niya ang kanyang salamin at isinuot ito at akma na sana siyang matutulog nang bigla na namang tumunog ang phone niya. Kinuha niya yun at nakita niya ang pangalan ng kanyang Mamita o ang kanyang lola sa tuhod

Agad niya itong pinatay at itinapon sa loob ng kanyang bag.

'Paano naman nila nalaman na uuwi ako? si Gino lang naman ang sinabihan ko. Kahit kailan talaga ang daldal ng lalakeng yun'

Sandali pa siyang nagpahinga at matapos ang ilang oras ay ginising na siya ng driver. Pagka-abot niya ng bayad ay tinulungan uli siya nung driver na ibaba ang mga gamit niya.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay nakarandam siya ng lungkot. Wala parin kasi itong pinabago, malungkot at parang walang buhay na bahay. Ang mga sofa at mga kagamitan ay nakatakip ng puting tela at puno ng alikabok. Ang mga gamit laruan na naiwan niya noon dito ay ganun parin ang pwesto. Isa ito sa mga tinatakasan niya dito sa Pilipinas, ang lungkot.

Initsa niya ang mga gamit niya sa sahig at umakyat na siya sakanyang kwarto saka ibinagsak ang katawan sakanyang kama.

"Namiss ko to."

Sabi niya sa sarili niya. Sandali siyang pumikit at pinakiramdaman ang paligid. Katahimikan at lungkot yun ang nararamdaman niya sa buong bahay, umahalo ang ang lumang amoy sa dating amoy ng kwarto niya na talaga namang napaka bango, ngunit napabayaan nga lang. Hindi siya kumuha ng caretaker sa bahay dahil ayaw niyang ipagalaw ang mga gamit dito ng wala siya, maselan siya pagdating sa mga gamit niya at ayaw niya na pinakikielaman ito ng kahit na sino.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum