The Pinoy Wattpadders of Today

257 19 15
                                    

Torn's Note: As the title suggests, limited lang po ito sa mga Pinoy wattpad users ngayon, at lahat ito para sa akin lang, kung ano lang ang observations ko :)

Magto-two months palang ako dito sa watty pero iba't ibang klaseng users na ang naencounter ko at eto sila,

1. The Sucessful Writer aka Sikat na Writer

Sya yung dahilan kung bakit ka gumawa ng account at sya rin yong unang una

mong ipa-follow, minsan sya lang talaga wala nang iba. Mga stories nya lang babasahin mo sikat kasi e at magaling naman talaga walang ng question dun.

Sino sila?

Magbibigay ako ng example..

Nakita nyo na sya, syempre walang iba kundi si Denny!

2. Curious lang

Sya naman yung gumawa ng account para i-follow Denny, para mabasa ibang stories nya, curious lang kasi sa DNP at sa author nito. I can safely say na karamihan sa mga kagagawa lang ng account dyan ay ganito, curious lang kay haveyouseenthisgirl!

Sino sila?

Aamin na ako ganito ako nagsimula, after kong gumawa ng account, DNP ang una kong sinearch pero bigo wala na pala.

Unang finollow si Denny tapos mga stories nya lang ang babasahin para siguradong maganda.

Pero ang pagiging curious lang sa isa hindi yan magtatagal..

3. Selective Reader

Dahil nabasa na nya ang lahat ng story ni haveyouseenthisgirl at ang tagal ng updates (joke!), hanap hanap na ng iba pero hindi basta basta nagtitiwala, ang babasahin lang nya? Yung number of reads 7digits dapat para sure.. if not, yung mga pinapalabas na sa TV ganyan sya ka-choosy, syempre para di nga naman sayang ang oras nya kung nakiki-wifi sya at data charge kung prepaid (kahit makakapagbasa naman sya maski offline!). Pero yung iba, sadyang choosy lang talaga, well ganyan ako pero dati yun :)

4. Basa lang..

Ito naman yung hindi masyadong busy at mukhang naka-DSL yata sa bahay nila, naka postpaid o may wifi otg, basa lang ng basa.. pag nagandahan sa title at story cover click lang, add sa library... wala syang pakialam kahit lima palang ang reads nito hindi sya discriminating basta gusto nya lang basahin. Hindi sya masyadong mapili, pag nagpost ka sa MB nya sasagot agad sya, pag pinabasa mo yung story mo babasahin nya hindi ka mabibigo.

Ang reader na 'to may dalawang uri. . .

5. Silent Reader

Alam nyo na to, maraming ganito e..

Parang si #4 ito basa lang din ng basa, pero ito hindi nagpaparamdam silent nga e.

To all the silent readers out there!

Please lang pag naappreciate nyo naman yung work pavote/comment naman!

Kung nasamaan naman sa nabasa, pa DM nalang! Hahaha

6. Loud Reader

Alam nyo narin ito.. ang gusto ng mga writers :)

Parang si #4 din ito basa lang din ng basa, pero unlike #5 pag nagustuhan nya ang binasa VOTE agad! Minsan may COMMENT pa!

At ang pinakamasaya imemessage kapa for encouragement!

Sana lahat ganito...

7. Atat sumikat

Ang goal nya sa wattpad ay upang sumikat, maganda naman ang mga story nya pero masyado syang nagmamadaling makilala. Magpafollowing spree tapos magpapafollow back, pag di sya finollow..unfollow kana nya. Give and take ang motto nya.

Nakikipag-trade in din sya ng mga votes, kung ilan ang votes mo sa kanya yon lang din ang ibibigay nya walang lamangan. At nung nadiscover nyang pwede pala nyang ivote ang sarili nyang works.. wala syang kasing saya!

At pag marami na syang followers pero mas marami ang pinafollow nya... mag uunfollow sya nang unti-unti para hindi halata ganyan sya ka-wise.

8. Pasimple lang

Gusto din nyang sumikat pero hindi naman sya masyadong atat. Nagpopost sya ng message to promote his/her work sa mga MB in random pero ganon lang, basa lang yung gusto, follow lang yung gusto. At pag may nagpafollow back go lang pa-follow nya rin, pero wag magalala hindi ka nya tatraydorin.

Hindi sya kasing tuso ni #7 pero mas wise sya, pag na-encounter nya si Atat at in-unfollow sya, malalaman nya dahil nakamonitor sya lagi sa stats nya, kaya gantihan lang.

Alam nyang magaling din sya kaya wait lang sya na mapansin ang work nya, pag may nakapansin na may mali sya like wrong gramming etc. magte-thank you pa sya at iiencourage pa nya ang mga readers nya na sabihin pag may mali... pero ipapa-direct message nya.

9. The Hypocrites

Mga writers din sila pero wala DAW silang pakialam sa dami ng reads, votes and followers basta makapagshare lang sila, yon lang ang kanilang goal wala ng iba.

Naniniwala ba kayo sa kanila?

10. The Real Ones

Hindi kasikatan ang goal nila dahil alam nilang malayo sa katotohanan kahit may chance naman, but still.. figures count kaya para sa kanila mas maraming reads, votes and followers mas masaya. Pinapahalagahan nila ang mga ito as if they have monetary value.

Inaamin nilang hindi lang makapag-share ang goal nila.. mas gusto nilang maappreciate -NG MARAMI.

Ayaw nila sa mga hypocrites just for a simple reason na hindi nila magets kung paanong sila ay masaya na na makapagshare lang ng work gayong oras at tulog ang pinalipas? Tapos wala lang?

E kung alam mong maganda ang kinalabasan ng pagpapakapagod mo?

Anong mararamdaman mo pag ang konti naman ng reads? Hindi ba nakakapanghina?

So super promote sila para madiscover, follow follow din.. post post post..

Tapos may mababasa sila from #9. . .

Hindi naman mahalaga yang mga followers na yan, yang mga votes na yan! and blah blah blah

But these stories are for free!

And all they ask is just as free...

Sagot nila #9. . .

Kahit isa lang ang reader mo at vote, dapat maging masaya kana doon, tagumpay na yon dahil lahat naman tayo nagsimula sa zero.

It may be true.. but not for long...

At that moment after you clicked that publish tab, when you saw that notif -someone voted for you- your first vote!

Walang kasing saya,

pero..

After 5 minutes.. 10 minutes.. 20.. 30.. wala ng sumunod, hindi ba wala ring kasing lungkot? When you know it deserves just more than that...

Nagpapakatotoo lang po.


It's hard to follow,

tornbetweennolovers

Pinoy WattpadderzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon