“Tsk tsk tsk. Ihahatid na lang kita nak”

 

“Hindi na po. Si Dindi na lang. Sige po, bye Mama!! Dindi, bye na! Love you all” Sigaw ko dahil nakalad na ko papuntang pintuan.

Mamaya pa kasi yung pasok ni Dindi.

Ewan ko ba kung bakit tuwing Friday, 8:30 pasok nila.

Nung 2nd year highschool ako, 8 din naman yun.

Paglabas na paglabas ko ng gate, ready to run na ko kasi sa pagkakaalam ko, 5 minutes na lang. LATE NA KO!! >_<

*BEEP!*

Halos mapatalon ako nung may bumusina.

Pag tingin ko, si Jerome Ponce ulit?

“Uy mikay. Bakit nandito ka pa? Late ka na niyan!”

 

“Oo nga eh. Na-late lang mag-ring yung alarm clock ko”

 

“Sakay ka na kaya! Sumabay ka na, parehas tayong male-late niyan”

Sasabay ako sa isa sa mga heartthrob ng Padilla University?

Hay, take deep breaths mikay.

Sasabay ka lang naman.

It’s not like, it’s the end of the world right?

Ngumiti na ko at sumakay na sa car niya.

Natawa na lang siya at nag-drive na.

Pagdating sa school, muntikan na kaming saraduhan ng gate.

Ganito kasi yan, isa sa mga rules ng PU ay ang isara ang gate kapag 8 am na.

Meaning, wala ng iba pang makakapasok.

Pag late ka, umabsent ka na lang.

Di ko rin alam kung bakit naging ganyan yung rule.

Pagpark niya sa parking lot, bumaba na kami sa car niya kaagad-agad.

Then may narinig akong ingay at nakita namin si Kuya Daniel at Ate Kathryn.

Grabe, narinig ko, anak mayaman pala si Ate Kath.

ANAK siya ng president ng Bernardo Enterprises.

Nakakagulat nga eh!

Akala ko, super simple niya lang.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon