Inayos ko ang gamit sa binigay na kwarto ni Tita Tess para sa 'kin. I can tell that she was very fond of me, baka dahil wala siyang anak kaya ako na lang ang ituturing niyang anak. Inayos niya pa talaga ang kwarto para sa 'kin. It was a pastel room. White, pink, and gold ang colors. May queen-sized bed at may sofa. May TV rin at may bathroom na maliit para sa 'kin.


10 PM na noong tinawag ako sa baba. Magsisimula na raw ang pa-Christmas party nila roon kaya bumaba na 'ko pagkatapos mag-shower. Nakasuot lang ako ng white pants at red sweater para madama ang pasko. Siguro mga bente ang inimbita. May mga matatanda at may mga anak silang teenagers. Ang iba FIl-Am, ang iba full Filipino.


Umupo ako sa sofa habang nagsasaya sila roon. I didn't really communicate with my family that much. Hindi ako sanay dahil hindi naman kami pala-usap. Palagi silang wala, e.


"What's up?" Tumingin ako sa Fil-Am na umupo sa tabi ko. He was wearing a grey sweater and a pair black pants. Mukhang katulad ko rin siya na hindi masyadong interesado sa nangyayari.


"I have a boyfriend," sagot ko kaagad if ever he made any advances.


Nagtagal ang tingin niya sa 'kin bago siya natawa sa sinabi ko. Umiling siya habang tumatawa kaya medyo napahiya ako roon. 


"You're not my type." He laughed again.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Nakakahiya! Masyado yatang makapal ang mukha ko sa pag-aakalang may balak siyang landiin ako.


"Share ko lang," sinubukan kong bawasan ang kahihiyan sa sarili ko.


"Hiro." He offered his hand.


"Luna." I took it pero bumitaw din ako kaagad dahil masyado na ata akong loyal kay Kalix na iniisip ko pa rin siya sa mga panahong ganito. Baka magalit! O kaya magselos kahit hindi naman niya makikita. 


"You look familiar..." Napaisip siya pero umiling din siya kaagad dahil hindi na maalala kung saan ako nakita. 


Napakunot ang noo ko dahil never ko pa naman siya nakita sa kahit anong event kaya paano ako magiging familiar sa kanya? Baka mamaya pick-up line pala 'yon, ha! Mabuti na lang at sinabi ko kaagad na may boyfriend ako.


"Do you speak Tagalog?" I asked.


Mukha kasi siyang slightly imported!


Tumaas ang isa niyang kilay. "I live in Philippines, what are you talking about?"


"Mukha kang Fil-Am." Umirap ako.


"No, my dad is French." Tinawanan niya ulit ako.


Mukhang nae-entertain siya sa katangahan ko, ha. Mabuti pa siya ay nakahanap ng entertainment sa nangyayari ngayon. Bored na bored na ako at gusto ko nang makita ang jowa ko. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon