Una

29 2 0
                                        

Umalis ako ng bahay at naglakad sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Hindi na talaga nagbago, pumunta ako ng 7eleven. Papalamig? People watching? Makabili din ng mga dapat bilhin.

Pagpasok ko, ang lamig. Ngumiti sa akin yung lalake sa cashier. Nagtaka naman ako nang naglakad siya papalapit sa akin.

"Hi Ma'am, gusto niyo po?" may iniabot siyang parang mp3 player. Umiling na lang ako dahil hindi ko naman kailangan.

"For free po ito. Eto po, itry niyo po dun sa upuan na yun," itinuro niya yung kaisa-isang upuan na walang nakaupo at mapaglaro nga naman ang tadhana, may bigla akong naalala.

Yun yung inupuan mo dati nung nagkita tayo sa 7eleven nung 1st year highschool.

Kinuha ko yung mp3 pati na rin yung earphones, paalis na sana ako nang bigla akong pigilan nung lalake.

"Ito po, tissue." napatingin lang ako sa kanya na may pagtataka. Tinaasan ko siya ng kilay pero ningitian niya lang ako.

"In case," sabi ulit ng lalaking cashier. Kinuha ko na lang yung tissue at naupo dun sa upuan. Pagkaupong pagkaupo ko, isa-isang nagsialisan yung mga tao sa tabi ko. Napataas yung kilay ko at napaamoy ng kaunti sa sarili ko, di naman ako mabaho.

Hinayaan ko na lang yun. Inilapag ko yung tissue sa lamesa at binuksan ko yung mp3. Ang tagal magload pero nung nag-open na, may title na 'press play' na kanta yung nandito kaya napangiti ako.

Kalokohan.

Pinress ko ang play button dahil masunurin ako at biglang may kumanta.

'Nothing like I did before, will love you more, I need to be with you~'

Lumakas bigla ang kabog ng puso ko. Alam ko to, alam ko tong kantang to.

Favorite song natin to.

Nag-instrumentals, humina yung song at kinilabutan ako nang may narinig ako.

"Ehem, hi. Ako nga pala...si Jerryk."

'Save the rest of all the love I've given you... keep the memories recall them if you want to learn~'

Boses mo.

Make It With YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant