Prologue

8 0 2
                                    

_______________~________________

Alas dos na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa, habang malungkot na pinagmamasdan ang unti-unting pagkawala ng mga tala sa kalangitan.

Kasabay ng unti-unting paglaho ng liwanag ay ang biglaang pagbuhos ng isang napakalakas na ulan, na tila ba'y sinasabayan nito ang bigat at pasakit na aking nararamdaman.

Ang paligid ko'y nilalamon na ng kadiliman, dahil sa tuluyang paglaho ng mga tala at ng buwan na tanging nagbibigay liwanag sa kalangitan.

Napakalamig din ng simoy ng hangin, at ang sarap sigurong maidlip.

Ngunit sa kasamaang palad....

Isinumpa akong magising habambuhay.

Para sa iba ito ay isang biyaya,

Isang abilidad,

Isang pambihirang kakayahan

Isang bagay na nararapat ipagmalaki,

At isang bagay na maaaring maging puhunan.

Pero para saakin

Ito'y isang pasakit,


Isang kapahamakan,


Isang hadlang ,



Isang parusa,

At higit sa lahat.....



Isang sumpa.

Marahil ako'y isang makasalanan, kaya't sa akin ito ibinigay ni bathala.

At maaaring dahil dito ay mapagbabayaran ko ang aking mga kasalanang nagawa...




_______________________________
AN: ISANG MALIGAYANG PAGBATI SA MGA MAMBABASA! ITO ANG PINAKAUNANG STORY NA NAISIPAN KONG GAWIN, AND SA MGA MAKAKABASA NITO SANA PO AY  SUPORTAHAN NIYO 'TONG 1ST EVER STORY KO, I WILL TRULY APPRECIATE IT AND WILL SURELY PURSUE THIS ONE. WILL WORK HARD ON THIS, GOD BLESS Y'ALL! ♥️🌹

__________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keep Me AwakeWhere stories live. Discover now