Chapter 23: Tell Me...

24 2 0
                                        

*Alex's POV*

Bakit di ako magising? Ano nang nangyari sakin? Bakit ang tahimik ng paligid ko... Maputi ang lugar at walang ka tao-tao. Teka! Nasaan na ako?!

"Alex..." may narinig akong tumawag sakin sa malayo. Hinanap ko iyon at nakita ko si Aina, yung batang Aina na nakakasama ko pa dati. Nakangiti siya sakin at parang may hinihintay. Dapat sana'y lalapitan ko na siya pero bigla naman siyang nawala at ang nakita ko na nasa harapan ko ay si Nana.

"Nasaan tayo?" tanong ko sakanya.

"Tayo? Ikaw lang... Alex" sabi niya. Huh? Di ko maintindihan ang ibig niyang sabihin dun.

"Ano? Eh kasama kita ngayon, di ba?" tanong ko sakanya. Bigla nalang niya akong hinalikan sa labi ko at pumikit ako. Ilang minuto ko rin naramdaman yung labi niya sa labi ko kaya sinubukan kong dumilat ulit pero bigla ko nalang nakita si Matthew na nakatitig sakin at marami nang taong nakapalibot samin.

"Wha!!" sigaw ko sabay bangon. Napalayo ako kagad kay Matthew.

"Buti naman gising ka na" sabi ni Matthew. Hinawakan ko kagad yung labi ko. Hindi pwede to! Labi kaya ni Matthew yun at hindi kay Nana?!

"Bakit parang takot na takot ka nang makita mo ako?" tanong ni Matthew.

"Don't tell me that you just kissed me!" sigaw ko.

"Baliw ka?! Bakit kita hahalikan?" sabi niya sabay tulak ulit sakin pabalik ng pool.

"Uy pre! Tinatanong ko lang..." sabi ko. Nagtawanan yung ibang nandun at sinubukan kong hanapin si Nana pero wala na siya. Nasaan kaya siya? At ano ang ibig sabihin nung panaginip na yun?

***

*Cleare's POV*

Nandito kami ngayon ni Nana sa may kusina ng bahay ni Camilla, at nakabalot ng sweater at kumot si Nana dahil nagbabad siya sa pool. Di pala siya pwede magbabad kasi inaatake siya ng hika niya.

"Anong nangyari sakanya? Nagising na ba siya?" tanong ni Nana sakin.

"Oo yata.. bakit ba kasi kayo nagbabad sa ilalim ng pool? Ano bang naisip nyo at ginawa nyo iyon?" tanong ko sakanya.

"Siya yung may gustong gawin yun.. pero labs, may nadiskubre kami ni Alex" sabi niya.

"Ano yon?" tanong ko kagad. Pero bago makapagsalita si Nana ay nakarinig na ako ng tawanan sa labas at parang papunta sa kusina.

"Don't tell me that you just kissed me?! Ayos yun, puhahah!" tawang-tawa na sabi ni Jun.

"Para kaya siyang tanga... Asa siyang may hahalik sakanya" sabi pa ni Icy.

Pumasok sila sa kusina at nakita kami ni Nana.

"Uy, hot chocolate" sabi ni Mia sabay punta kay Nana.

"Labs, penge ako ahh" sabi ni Mia. Tumango nalang si Nana kaya uminom na si Mia.

"Anong pakiramdam mo?" tanong ni Yisoo kay Nana.

"Ayos na ako, pero talagang sinisipon parin ako.. nawala na ulit yung hika ko" sabi ni Nana.

"Baka siguro wag ka na munang mag-swimming" sabi ni Romnic. Wow, kelan pa naging maalalahanin si Romnic?

"Ayos lang sakin na hindi mag-swimming... kesa naman magkasakit ako ng tuluyan at di nyo ako makakasama lalo" sabi ni Nana. Lumapit si Icy kay Nana at niyakap siya.

"Pagaling ka, labs.. kahit sipon lang iyan" sabi ni Icy. Nagsimula na kaming yakapin si Nana parang group hug.

"Naku, kayo talaga.." sabi ni Nana. Medyo naiilang siya kapag may ganitong drama saming magkakaibigan pero wala siyang magagawa, ganito namin kamahal ang isa't isa. Parang magkakapatid at pamilya na kami.

[7:00 p.m.]

Lumabas kami ni Ryouta kasama si Icy sa labas ng cottage namin at may nakita kaming mga lalaking staffs ng resort na nagaayos ng mga malalaking flatforms sa swimming pool. Parang may magaganap na kakaiba ngayong gabi.

Nakita namin si Camilla sa isang gilid kaya sinubukan naming magtanong.

"Camilla, anong nangyayari?" tanong ni Icy.

"Ahh, kapag kasi maraming nagbabakasyon sa resort ay gumagawa kami ng mga presentation at nagbibigay kami ng mga games para di naman puro swimming ang inaatupag ng mga customers" sabi niya.

"Games? Parang gusto kong sumali" sabi ko.

"Ano po yung mga games? Atsaka ngayong gabi lang po ba?" tanong ni Icy.

"Ngayon lang nagsimula yung unang games.. we have 2 kinds of games ngayong gabi lang gagawin. Bukas naman after breakfast mangyayari ang other 2 games at meron ding pang afternoon games before having some snacks..." sabi niya.

Nakaka-excite! Mahirap kaya yung mga games?

"Yung game mamaya ay malalaman nyo din kapag nagstart na.. I'll be hosting together with Alex siguro" sabi niya ulit.

"Sige, sasali po kaming lahat" sabi ni Icy.

"Baka mapasali mo lahat" sabi ni Ryouta. Napatingin kami kay Ryouta.

"Si Nana di ba di yun mahilig sa games? Atsaka may hika pa siya ngayon" sabi ni Ryouta.

"Carry bells yan! Kaming bahala" sabi ni Icy.

"Wag niyong pilitin kapag ayaw" sabi ni Camilla.

"Oo nga" sabi ko rin.

"O sige, I'll expect you guys here later ahh?" sabi ni Camilla.

"Opo!" sagot naming tatlo. Bumalik na kami sa cottage namin at sinabi sa lahat ang mangyayaring laro mamaya.

Deep Inside Of MeWhere stories live. Discover now