AMKG 33 (Pain must go on)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ko naman siya pakikinggan kung alam kong nagawa na niya akong lokohin." sagot ko din.

"Alam mo Jeron, dapat pinakinggan mo siya ng sa ganun maintindihan mo siya." sabi naman ni Kuya.

Hindi ko alam kung kaya ko pang pakinggan ang mga paliwanag niya, siguro mas mabuting iwasan ko muna siya.

ARIYAH POV:

I'm sure na wala ng JARON ngayon, hahahaha. Kawawang Jane anong akala niya? Sinabi ko ng lahat kay Jeron pero syempre dahil alam kong madali niyang mapapatawad si Jane. Dahil matalino ako dinagdagan lahat ng sinabi ko.

Evil na kung evil pero alam kong ito ang makakapagpabagsak sa Jane na yan.

"Ano Sebastian wala ka na ba tlagang gagawin sa buhay mo!" singhal ko sa kapatid kong walang kwenta.

"Hinding-hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong ayaw ni Mama. Napakasama mo na Ariyah!" sagot niya saakin.

*PAK*

"Masama na kung masama pero ginagawa ko ito para bumawi, ginawa ko ito dahil gusto kong iparamdam sa kanila yung mga naramdaman ko noon. Ngayon kung hindi mo ako kayang tulungan! Ito lang ang tatandaan mo. Wag na wag kang mangingialam kong ayaw mong madamay!" banta ko sakanya.

"Sa mga magulang ka niya galit pero bakit kailangan mong idamay ang taong wala naman kasalanan? Bakit sa tingin mo gusto ni Mama ang ginagawa mo? Satingin mo ba pag nasaktan mo na sila magiging masaya ka? Satingin mo ba magiging successful ka kapag ginawa mo ang lahat ng ito?" kung hindi ko lang kapatid ito, baka matagal ko nang nasampolan ang lalaking ito.

"TANGA KA BA? Si Jane ay anak ng mga taong umagrabyado saatin, ibig sabihin damay siya. Alam mo Sebastian kung satingin mo madadaan mo ako sa mga pinagsasabi mo! Hindi ako kasing tanga mo! Gago!" sagot ko sakanya, saka umalis.

Ano kayang nangyayari ngayon sa Jane na yun?

JANE POV:

Akala ko porke’t matapang na ako kaya kung lampasan ang lahat-lahat, pero hindi parin pala. Dahil kahit pala matapang ka masasaktan ka pari. Siguro ito na yung kabayaran sa mga nagawa kung kasalanan.

“Hindi kaba papasok?” tanong saakin ni Ate.

Wala na nga akong gana sa buhay ko tapos tatanungin pa niya kung papasok ako o hindi.

“Jane! Wag kang magpaapekto dahil pag pinakita mo yun sa kanila, iisipin nilang natalo ko. Hahayaan mo na lang bang maging talunan ka?” sabi ni ate saakin.

“Ganun ba ang term ate TALUNAN? Baka nga talunan talaga ako!” sagot ko.

“ *Pak*” isang sampal ang isinagot saakin ni ate kaya nagising ako. “Matapang ka Jane! Matapang ka! Naniniwala ako sayo!” paliwanag niya.

Hinayaan ko na lamang ito, at umalis na ako. Matapang ba ako kung mismong mong mahal ko hindi ko na maipaglaban.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon