0

173 7 0
                                    

Nagpupuyos sa galit akong umuwi samin. Nanginginig ang buo kong katawan at kanina pa gustong kumawala ng mga luha ko.

"Totoo ba!" hindi pa ako tuluyang nakapasok nang sinigaw ko iyon.

Napatingin ang lahat sakin. Ang lalaking kinamumuhian ko ng lubos ngayon ay gulat na napatayo. Sila Yaya at Manong ay napatigil din ng makita ako.

"What happened?" Tatay asked worriedly, and he tried to come near me.

Angrily, I step back. "Are you drunk? I was waiting for you last night, anak. "

Matindi ang ginawa kong pagpipigil habang nakatingin sa kanya. Makikita ko ang labis na pag-aalala sa mga mata niya. Nanikip lalo ang dibdib ko.

"Tay." Hindi ko kayang mausal.

"May problema ba?"

"Totoo ba?" nangilid ang luha ko. "Totoo ba na kayo ang nag-utos kay Kurt na mapalapit siya sakin-"

"He is older than you! Where is your respect-"

"Sagutin niyo ako!" sumabog na ako. Tatay's eyes widened. "Inutusan niyo ba si Kurt na mapalapit sakin? Inutusan niyo ba siyang baguhin ako dahil pag dating sa kanya nakikinig ako?! Inutusan niyo ba si siya, Tay?!"

Napaawang ang bibig ni Tatay at kalmadong nilapitan ako.

"Let me explain-

"So it's true." I said sarcastically and let out a fake laugh. "You played your pieces well, Tay."

"Yes." He nods. "I asked for his help, but I didn't-

"Shut it! I know everything now and you know what surprises me the most?" pagak akong tumawa at matalim na tinitigan si Tatay sa mata. "Na mas pinili niyang mapalapit sakin kahit na mawawalan na siya ng oras kay, Chloe."

"Ano?" si Tatay na nagtataka sa mga sinasabi ko.

Wala ka ding alam, Tay! Pareho tayong walang alam. Tangina diba?!

"Ang sabi sakin ni Mr. Rivera ay wala silang relasyon ni Chloe. Nilinaw nito sakin ang lahat."

"At naniniwala naman kayo! If we're being honest, he just said that to gain your trust!"

I smiled weakly when I remembered him saying that he admired my Tito Damian, at kung maaari sana ay makahingi ito ng guide kay Tito. Nang mapagtagpi tagpi ko lahat doon pumasok sakin kung ano ang kapalit ng hininging pabor ni Tatay.

"Ang kapalit ba non ay makahingi siya ng leksyon sa iniidulo niyang hukom?" nagbabasakaling tanong ko kay Tatay. Nang makitang naglihis ito ng tingin ay nakumpira kong tama ako.

Disgustingly, I laugh. It makes sense! Dahil sa galit ko bayolente kong binasag ang malaking paso sa gilid. Pinagbabasag ko lahat ng iyon.

"Light, tama na!" sigaw nila sakin.

Binasag ko lahat ng iyon at walang lumapit sakin para pigilan ako hanggang sa mapadapo ang mata ko sa pasong paborito ni Nanay, doon nag sink in sakin lahat at parang nabuhusan ako ng tubig.

Sinakop ng palad ko ang bibig at nanghihinang umiyak. Anong nagawa kong mali para makaramdam ng ganito? Anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito!

"May relasyong nasira dahil sakin." humihikbing kong sabi at hinarap ang amang namumula narin. "Dahil sa inutos niyo mas pinili ako ni Kurt kaysa kay Chloe, na mahal na mahal niya! Dahil sa inutos niyo nasaktan ko silang dalawa!" nagtaas baba at halos mamaos ako sa sigaw kong iyon.

Gigil ko pang sinabunutan ang buhok at pinagpapadyak ang paa na para bang sa paraang iyon ko binuhos lahat ng sakit na nadarama ngayon. Sinubukan akong lapitan nila Manong pero matalim na mata galing sakin ay agad silang napatigil.

BARYO 1: The Brat (On-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon