Pinaningkitan ko ng mga mata si Prinsesa Alexis at Eureka nung makaalis si Samara na parehas na walang kibo. I am just—or should I say, she's just staring at the floor while holding Eureka's hands. Si Eureka naman abangers lang ang peg. Tarantula! "Hindi porket mahaba ang life span niyong dalawa ay plano niyo nang paghintayin ako dito. Konting pakisama naman hello?! Hindi ako willing to wait." Saad ko. As if naman maririnig nila ako.

"Si Queen Freya.." there you go. Princess Alexis started talking. "Ano'ng napag-alaman mo tungkol sa kanya?"

"Sino'ng pumaslang sa kanya?"

"O totoo bang pinaslang siya?"

Sunud-sunod ang tanong ni Eureka kaya naman gusto ko siyang batukan. "Masyadong obvious pagka-tsismosa mo ghorl!"

"Buhay pa siya" tipid na sagot ni Prinsesa Alexis. Ikinagulat naman ito ni Eureka. "Buhay pa ang reyna? Kung ganoon ay nasaan siya?

"Hindi na iyon mahalaga"

"Ngunit Prinsesa Alexis, napatawan ng parusang kamatayan ang mahal na reyna Azaria dahil dito. Paanong hindi iyon mahalaga?"

"Kaya nga hindi na iyon mahalaga Eureka, dahil naniniwala akong hindi ko rin makakamit ang hustisya sa ginawa nila sa aking ina." See? Simula pa noon hindi na talaga ako tiwala sa kanila.

"Pero bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon Prinsesa Alexis? Ano'ng pinaplano mo?"

"Nais kong ipaalala mo sa'kin, sa tamang panahon. Na si Queen Freya ang kaisa-isang nilalang na pinagkakatiwalaan ni Lucian" Eureka nodded after I said those words to her.

So tama nga ang iniisip ko. Na ang sinabi sa'kin ni Queen Freya sa dungeon na pinagkakatiwalaan niya ay si Lucian babes.

Unti-unting naglabasan ang salamangkero at salamangkera na tinatanaw ko mula dito sa balkunahe. "Nabanggit mo sa akin nung gabi ring iyon na buhay pa si Reyna Freya, at siya ang kaisa-isang nilalang na pinagkakatiwalaan ni Lord Lucian" ibinalik ko ang tingin ko kay Eureka. "What else did I say to you?" Pinagmasdan ko siya na saglit na nag-isip. "Wala na, dahil dumating na sila Loki nun para masimulan mo na ang ritwal."

I turned my back and started walking away. "Saglit lang Prinsesa Alexis, saan ka tutungo?"

"Wala ka nang pakialam dun" malamig na sagot ko sakanya ng hindi siya nililingon at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Saan ka naman pupunta mangmang? Huwag mo kami iwan.

Tama! Sasama kami! Dahil baka dito pa mamatay sila Luella at Neesha.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" I let the three cockroaches entered the portal first before me.

Waaaa nasaan ito 'yung kinaroroonan ng nakakatakot at masamang mangkukulam.

Waaa oo nga dito 'yun nakakulong

Alexis ano'ng ginagawa na'tin dito?

Writer's BlockWhere stories live. Discover now