Pasado alas siyete ay itinext ako ni Maddie kung saan kami magkikita. They want to eat at an Italian restaurant in Makati. Mag-damit daw ako ng maganda dahil mag na night out din daw kami mamayang gabi. Mixed emotions nga ako, parang gusto ko kasi uminom na ayoko.

Nauna pa akong makarating sa restaurant. Nanghingi nalang muna ako ng tubig habang hinihintay sila. Sunod na dumating si Beatrice at sabay na dumating si Maddie at Laine. Ang ingay ingay namin habang kumakain dahil naipon na ang mga kwento namin sa isa't isa.

"So how are you guys?" Excited na tanong ni Laine pagkatapos naming umorder.

"Oh my gosh. I really missed you guys! It feels like forever since we last hung out." Ani Beatrice.

"Oo nga eh. I have so much kwento!" Impit na tiling sabi ni Maddie.

"Oh, God! We're gonna have a long night." Natatawang sabi ko.

Maddie can't stop talking about this super philanthropic guy that she met. Natawa nga ako sa loob loob ko eh, they keep on making fun of me for falling in love with a guy that doesn't like me but from what I heard, I think this guy isn't so fond of Maddie as well. Nakakaloka talaga si cupid, kung kani kaninong lalaki nalang kami ibinabato. Why can't we just find a guy that loves us for what we are?

We spent the evening catching up with each other. Nag-picture picture pa nga kami para may mai-post sa insatgram. Nang matapos kaming kumain ay nagkayayaan na mag club. Ang katwiran nila ay nandon na rin naman daw kami, sulitin na namin. Ayoko na nga sanang sumama pero dahil biyernes naman at wala naman akong gagawin ay sumama na din ako.

Nagulat ako sa sunod-sunod na pag-bati sa akin ng mga taong nasa labas pa lang ng bar. They kept on asking what happened to me. Ang tagal ko daw kasing missing in action. I just laughed it off and went over with my business.

"Tosca! What a surprise!" Tili ng isang malayong kaibigan ko na namataan ko sa loob ng club.

"Hey, Gina! What's up?" Bati ko naman matapos naming mag beso.

"It's been so long! Are you finally settling down with your boyf? Mag-iisang taon na din kayo ah?"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Parang biglang nasungkit ang kung ano sa loob ko at nawalan ako ng ganang mag-saya ngayong gabi.

"Uhm... Actually, Gina. We broke up." There I said it.

Nag-iba ang ekspresyon ni Gina. She suddenly have this long, apologetic face. Wala siyang nasabi dahil nahiya ata.

"Sorry, Tos. I didn't know."

Pinilit kong ngumiti. Tinapik ko ang kanyang balikat at nag-paalam na. My friends are waiting for me at the couch.

"It's okay. I gotta go, though." Paalam ko.

Tumango siya habang ako naman ay nag-martsa na palayo sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumapit kina Maddie. I kept telling myself that I can't spoil this night. I just have to suck it up. Mayroon nang tequila at mga pulutan doon sa lamesa. Mukhang plano talaga nilang malasing ngayong gabi.

"San ka nanggaling? We are waiting for you! Come on, let's get drunk!" Pasigaw na sabi ni Beatrice na wala din namang binatbat sa ingay ng buong club.

The night is young but the people are already flooding the whole club. Ilang pamilyar na mukha pa ang namataan ko doon. Iyong iba nga nginingitian ko nalang ng hilaw. Plastic naman sila kaya bakit ko sila kakausapin?

Nakaka ilang rounds na kami ng shot ng tequila. Pinag papawisan na din ako kahit na malamig sa loob. Naglilikot ang mga ilaw sa buong club na nagti trigger ng pagkahilo ko. Mahina akong nag-mura habang bahagyang inuugoy ang katawan ko. I forgot how good it feels like when you're drunk. Parang ang gaan gaan ng katawan ko at nakalimutan ko lahat ng problema ko.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now