"Nakakamangha talaga ang kulay ng palubog na araw no?"
Tanong niya sakin habang naka tingin pa rin sa lumulubog na araw habang hinahawi ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya at ang maganda pa dun. . .nakangiti siya.
Nakatingin lang ako sa kanya,hindi ko alam pero simula pa noong magkamalay kami sa mundo ang palubog na araw talaga ang pinakagusto niyang tanawin.Hindi naman sa kakaiba siya dahil dun,talagang kakaiba lang siya para sakin tignan kapag binabanggit niya yun.
"Nakikinig ka ba?"
"Ha?"
"Aish,sabi ko na nga ba"
"Syempre nakikinig ako"
"We?anong sinabi ko?"
"Na nakakamangha ka"
"Langya ka talaga"
Kinurot niya ako sa tagiliran kaya nagtawanan kami.Hawak ko ang mga balikat niya habang siya naman ay naka upo at nakatalikod sakin.
Sa totoo niyan,wala naman akong pakialam o wala namang espesyal para sakin ang paglubog ng araw pero dahil sa gusto niya kaya ako nan dito ngayon. . .at tingin ko sa mga susunod pa.
"Z,balik tayo dito bukas"
"Uulan daw bukas"
"We?ang echos mo talaga"
"Di biro lang,babalik tayo dito kung papayagan ka"
"Kung hindi itakas mo ko"
"Sira ka talaga"
"Seryoso kasi"
"Bat di na lang kasi tayo sa rooftop tumingin diba?bat ba kailangan mo pang lumabas?"
"Kasi gusto kong lumabas"
"Tsss.Tara na nga,baka hanapin na tayo"
Tumango lang siya tas tinulak ko na ang wheel chair pabalik sa hospital.Nung makapasok kami sa building ng hospital binati at nginitian siya ng ilang stuff at doctor na nadadaanan namin.Ano pa nga ba,Magtatatlong taon na siyang nan dito kaya malabong hindi siya makilala dito.
Nung makapasok kami sa loob ng kwarto niya,tinulungan ko siyang tumayo para makaupo sa higaan niya.
"Kaya ko naman"
"Alam ko pero gusto pa rin kitang tulungan"
"Ginagawa mo kong lumpo e"
"Hindi a,isipin mo na lang na ginagawa kitang bata"
"Z"
Tinitigan ko siya at naghihintay sa sasabihin niya.Nakatingin lang din siya sakin at para bang ang dami dami niyang gustong sabihin.
"Pagod ka na ba?"
"Bakit ako mapapagod?wag ka ngang ano,hindi ka naman mabigat itulak"
"Hindi naman yun,lahat na kasi ng oras mo nan dito"
"Tingin mo may paglalaanan pa ako ng oras bukod sayo?"
"Yun na nga,maghanap ka na kasi ng makakasama mo sa buhay"
"Kung makapag salita ka akala mo tatanda akong binata"
"Tatanda ka talagang binata kung lagi ka lang nan dito"
Pinitik ko ang nuo niya at na pahawak naman agad siya dun sa pinitik ko dahil sa medyo malakas nga yun.
"Hindi kasi hinahanap yun,darating yun"
"Wala kang mapapala sa kakahintay kung kailan darating"
"Tumigil ka na nga,tingin ko ginagawa mo lang yang alibay kasi nagsasawa ka na sa pagmumukha ko"
"Buti alam mo,hahaha"
Pipitikin ko na sana ulit siya pero kinurot niya ako sa braso ng pagkasakit sakit.Nagkwentuhan lang kami hanggang dumating ang mga magulang niya tas nagpaalam na agad ako na uuwi na dahil mag-aalas sais na ng gabi at malamang dadakdakan nanaman ako ng sermon nang ate ko.
Sumakay ako ng bus pauwi saamin tas ang nakakabwiset pa e punong puno sa loob kaya kailangan kong tumayo sa mismong gitna pa talaga.
Siguro ang maganda lang na nagyari sakin ngayong araw e yung nasa hospital ako.
Dumating ako ng bahay at naabutan ko si Ate Rin na naka pamewang pa akala mo naman nanay ko.
"Kamusta si Kaye?"
"Ayos lang naman"
"Kamusta mga gamit mo?"
"Ha?"
"Ha?hambalusin kita nitong sandok e,pasukan na po sa susunod na araw"
"May bukas pa naman para mamili"
"Hay,ewan ko sayong kumag ka"
Nginitian ko lang siya tsaka umakyat ng hagdan at pumasok sa loob ng kwarto ko na wala ng bihis bihis at hagis ng mga sapatos ko sa kung saang sulok at humiga.Paiksi ng paiksi ang oras habang dumadaan ang mga taon. . .bahala na. . .ang dapat kong isipin ay kung paano ko dadalawin si Kaye e malapit na ang pasukan.
Ilang taon na kaming magkakilala ni Kaye.Magkaibigan ang mga magulang namin noon pa kaya bilang mga anak kailangan din naming maging magkaibigan. . .hindi biro lang pero may konteng totoo din,haha.Nag-aaway talaga kami ni Kaye nung mga bata pa kami hanggang nung elementary dahil nga hindi niya daw talaga gusto ang presensya ko at madalas ko din siyang inisin nun.Nung nagfirst year high school kami,pareho kami ng school na pinasukan at naging magkaklase kami.Madalas siyang mapaaway dahil nga sa pikunin siyang tao kaya kapag pakiramdam ko mapapaaway nanaman siya bwinibwiset ko agad siya tas sa huli ako na yung aawayin niya.Ginagawa ko yun para hindi siya mapaaway sa iba at umabot pa sa kung saan.
Tanda ko pa nga nung pareho kaming napaaway nung 2nd year. . .
"Bat ka kasi nakisali sa away kanina?"
"Anong nakisali?nadamay lang ako dahil magkasama tayo"
"Tsss.nga pala. . ."
"Ano?"
"Salamat,alam ko naman yung dahilan kung bakit mo ako laging bwinebwiset"
Naging magkasundo kami matapos nun pero minsan nag-aaway pa rin kami tungkol sa mga gusto niya at gusto ko.
Sa totoo niyan magtatatlong taon ko na siyang hindi nakakasama pumasok sa paaralan at maglakwatsa pero naninibago pa rin talaga ako hanggang ngayon.Sanay kasi ako na kasama siya kaya nung araw na na hospital siya dati hindi rin ako pumasok ng isang buong linggo.
Tinakpan ko na lang ng unan ang mukha ko at pumikit.
Ano na kayang mangyayari sa susunod na taon?Magiging okay kaya ang lahat?
************
Hindi ko na nilagyan ng prologue dahil walang pumasok sa utak ko.
Naiintindihan ko kung wala ng magpapatuloy sa susunod na pahina pero maraming salamat pa rin po😊
Kung may magpapatuloy man please comment and vote po.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Color of the Sunset
ChickLitAng kulay ng palubog na araw ang pinaka gusto niya. Ang paglubog ng araw ang pinaka magandang tanawin ng Mundo para sa kanya. Wala naman akong pake dun pero dahil nga sa yun ang gusto niya kaya ako nan dito kasama siyang pinagmamasdan ito at tingin...
