Nahiya siya na tanggapin ang palad nito. Ipinunas pa niya ang kamay sa kanyang shorts bago nakipagkamay rito. Nang magdikit ang kanilang mga palad, nakadama siya ng matinding init. Hindi niya napigilan ang mabilis na pagpasok ng mga imahe sa kanyang isip.

Mga imahe na alam niyang hindi galing sa kanya kundi sa lalaki. Kasama roon ang isang opinyon na buong buhay na niyang naririnig o nararamdaman, salamat sa kanyang abilidad, mula sa halos lahat yata ng nakilala niya.

'She's pretty enough pero pangit kung ikukumpara sa mga kapatid niya.'

Lumipad sa mga mukha nito ang kanyang mga mata. Nakangiti pa rin ito, walang kaalam-alam na sa isang iglap, nabura ang atraksyon niya para rito. Mabilis siyang nakipagkamay bago halos hinablot ang palad.

"Upo ka muna," sabi niya. Hindi niya napigil ang panlalamig ng tinig. "I'll get you something to drink."

"You don't have to--"

"Yes," matigas niyang saad. "I have to. So if you'll excuse me."

Nagtungo siya sa kusina at nagsalin ng fresh lemonade sa isang baso bago mabilis na dinala iyon sa living room. Ibinaba niya ang inumin sa mesa sa tapat ng lalaki. Bago pa ito nakapagsalita, muli siyang nagpaalam na magbibihis lang saglit. Muli niyang kinuha ang kanyang walis at basahan bago umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sanay na siya, hindi ba? Alam naman niyang hindi talaga siya nasaktan nang todo nang marinig ang kaisipan na iyon? At bakit noon lang siya na-disappoint nang ganoon sa lalaki?

PASULYAP-SULYAP si Erik kay Ron habang kumakain sila. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang trato ng babae sa kanya.

Kanina, isang oras yata siya nitong iniwan sa ibaba ng bahay sa paghihintay sa mga kapatid nito. Okay, so kasalanan niya na napagkamalan niya itong katulong pero hindi naman niya masisisi ang sarili. May hawak itong walis at basahan. At sa isang bahay na kasing-laki ng bahay ng mga Acosta, parang imposible na walang kasambahay ang mga ito.

Saka okay naman ito nang mag sorry siya, hindi ba? Wala siyang nakitang pagkainsulto sa mukha nito. Pero nang nagkamay sila at bigla na lang nitong hinablot ang palad na para bang napapaso ito sa hawak niya, doon lang niya nakita ang pagkainis sa mga mata nito. Wala naman siyang sinabing masama.

Nakadating na sina Paris nang muli itong bumaba. Nakapag shower na ito at maayos na ang suot. Wala itong makeup pero halatang mabango. Nang dumaan ito sa tapat niya para batiin sina Ynoh at Rome, nalanghap niya ang amoy ng mga bulaklak.

Hindi siya nito nilingon at tipid lamang na ngumiti sa direksyon niya nang muli siyang ipakilala ni Ynoh. Nang pumasok na sila sa dining room para sa hapunan, naupo ito sa silyang pinakamalayo sa kanya.

"Gusto mo pa ng ulam, Verona?" tawag niya mula sa kinauupuan matapos lagyan ng sabaw ng paksiw na baboy ang kanin sa pinggan niya.

Sinulyapan siya ng dalaga, halatang nagulat. Umiling ito. "No, thank you." tipid nitong saad bago muling humarap kay Rome at patuloy na nakipagkwentuhan sa katabi.

'Okay, so talagang hindi gumagana ang charm mo sa kanya, Santos. Tanggapin mo nang hindi araw-araw Pasko.'

Hindi talaga niya ito maintindihan, Mula nang magbinata siya, nagmulat na lang siya ng mga matang wala siyang nakilalang babae na immune sa charms niya. Sa habulin siya. Siya iyong nililigawan ng babae. Hindi pagyayabang iyon. Katotohanan lang.

Hindi naman sa playboy siya, hindi siya nagsasabay-sabay ng girlfriend. Sunud-sunod lang. Pagkatapos ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit binabagabag siya ng isang babaeng hindi naman niya type in the first place.

Stay With MeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora