PROLOGUE

33 8 0
                                    

THREE RICH DEVILS

Suot ang white fitted na tube, maong pants at pointed heels na kulay cream na sinamahal din ng color brown na coat na ngayon ay nakasabit sa isang bakanteng upuan at may handbag din na kulay black.



"Sure na kaya yun?" tanong ni Zeeckeai.



Suot ang while spaghetti na fitted dress, black pointed heels at color black na plane na business suit na nakasabit din sa sandalan ng upuan kung saan nakasabit ang coat ni Zeeckeai na sinamahal ng black shoulder bag.



"I think so." hindi siguradong sagot ni Trinny.



Suot ang white necked na damit na fitted, black skinny pants at white pointed heels na may kasama pang black pouch.



"Wish me luck." medyo kabadong sabi ni Shayara.



Silang tatlo ay nasa isang restaurant at nasa isang table sa tabi ng glass wall at may four chairs yun sa tigkabilaang side ng square na table.



Sine-celebrate nila ang isang okasyon na hindi naman ganun kahalaga para sa ibang tao pero para sa kanila ay iyon ang sobrang sayang okasyon at nangyari sa buhay nila kahit na may mabigat iyong kapalit.



"That's have a lot of responsibility." sabi ni Trinny sabay kain ng pagkain na nasa plato nya.



"I don't know if I can take all of the responsibilities kasi sa studies pa lang medyo nahihirapan at nai-stress na ako." sabi ni Zeeckeai sabay higop sa baso nya na may lamang juice.



"Same here." tugon ni Shayara sa sinabi ni Zeeckeai sabay buntong hininga "Ang hirap na ng studies ko kahit na nasa senior high pa lang ako." sabi pa nya sabay kain ng pagkaing nasa plato nya.



Halos sabay-sabay namang napabitaw ng malakas na buntong hininga ang tatlo dahil iniisip pa lang nila ang pwedeng mangyari sa kanila ay parang nahihirapan na sila kaya paano na lang kung totoo na?



"Wait." biglang sambit ni Trinny kaya napatingin ang dalawa sa kanya "We're here to celebrate and have some fun hindi para magdrama at isipin ang mga pwedeng mangyari satin." medyo maarteng sabi nya sa dalawa nyang kasama na hindi na maipinta ang mukha.



"Pero hindi ko mapigilan." pagamin ni Zeeckeai sabay tingin sa mga taong nasa labas ng restaurant na kinaroroonan nila.



"Then this kind of celebration is worthless." sabi nya sabay bitaw sa utensils na hawak nya at tayo mula sa kinauupuan nya.



"San ka pupunta?" takang tanong ni Shayara kay Trinny na inuumpisahan ng kunin ang gamit nya sa kabilang chair kung saan nandoon din ang gamit ni Zeeckeai.



"Anywhere." maikling sagot nya sa kausap nya "Since worthless din naman itong celebration na ito mas gugustuhin ko na lang na maggaㅡ" hindi na natapos ni Trinny ang sasabihin nya dahil nung paglingon nya ay hindi nya inaasahan na may waitress pala na nasa likod nya at may dala iyong tray na may lamang pagkain kaya yung pagkain na nakalagay doon ay natapon sa kanya tapos meron ding pagkain ang natapon kay Zeeckeai at Shayara kaya ang puti nilang damit ang madumi na.



"OWWW MYYY GOSSHHH." halos sabay-sabay na sambit ng tatlo na syang nakapagpaingay sa loob ng restaurant na kanina ay medyo tahimik.



Agad na naalarma ang ibang staff ng restaurant at napalapit sa kanilang kinaroroonan.



"Ma'am?" alanganing tawag ng isang babae na head waitress.



Imbis na lingunin sya ng tatlo ay yung babaeng nagbubo ng pagkain ang kanilang hinarap.



"Look what have you done!" gigil na gigil na sabi ni Zeeckeai sa babae habang nakaturo sa damit nyang may mantya na "Ang lakas ng loob mong mangdumi ng damit! May pangbayad ka ba dito!?" sigaw nya sa babae.



Ang tatlo ang namumula na sa galit habang ang ilang staff ay napapayuko na lang pati ang waitress na nakatapon ng pagkain sa tatlo tapos ang head waitress ay hindi alam ang gagawin samantalang ang ibang tao na nasa loob ng restaurant ay napapatingin sa kanila dahil sa mga sigaw ng tatlo.



"S-sorryㅡ"



"SORRY!?" biglang sigaw naman ni Trinny dahilan para hindi matapos ng waitress amg sasabihin nya "Malilinisan at babalik ba sa dati ang damit namin ng "SORRY" mo!?" nanggagalaiting tanong nya sa babae.



"Eengot-engot kasi!" inis na sabi ni Shayara habang matalim na nakatingin sa babaeng yukong-yuko na dahil natatakot na sya sa tatlo "Bakit ba kayo nag ha-hire ng taong walang kwenta!?" baling nya sa head waitress na halos katabi na nya.



"I'm sorryㅡ"



"Hindi namin kailangan ng "SORRY" nyo!" sigaw ni Zeeckeai kaya napayuko na lang ang head waitress "Where is your manager?" tanong nya sa head waitress kaya alanganin itong napaangat ng tingin kay Zeeckeai at tumingin pa sa waitress na ngayon ay iyak na ng iyak dahil natatakot syang mawalan ng trabaho.



"Ma'amㅡ"



"Gail?" tawag ng isang lalaki sa di kalayuan kaya halos sabay-sabay na napalingon ang lahat sa entrance ng restaurant at doon ay may nakatayong isang matangkad, mistiso at matipunong lalaki.



Nang makilala ng waitress na si Gail kung sino ang lalaking tumawag sa kanya ay agad syang bumuntong hininga at pinahid ang mga luha sa mata pati sa kanyang pisngi at baba.



"M-mike." pilit na ngiting tawag nya dito.



"Oww..." basag ni Zeeckeai sa dalawa ng ma-realize nya kung ano yung lalaki at kung magkaano-ano sila dalawa "Is this is a kind of fairytale?" maarteng tanong nya sa babaeng si Gail na ngayon ay nakatingin na din sa kanya ng deretso "Kami yung kontrabida..." tukoy nya sa kanilang tatlo "Ikaw yung bida." turo nya kay Gail "Sya si knight in shining armor na laging nililigtas ang bida habang ang mga kontrabidang tulad namin ay pinapatay o kaya naman pinaparuhasan." mahabang sabi nya pero hinay-hinay lang sya sa pagsasalita nya.



Napakunot ang noo ni Gail at ganun din si Mike at ang mga staff dahil naguluhan sila sa sinabi ni Zeeckeai.



"Anyway, ayaw ko ng pahabain pa tong conversation na ito." mababa na ang boses na sabi ni Zeeckeai.



Tumalikod na din ang dalawa at kinuha na ang mga gamit nila at ganun din ang ginawa ni Zeeckeai pero medyo nagpahuli sya.



Nagtaas ng isang kilay si Zeeckeai sa tatlo tsaka sabay-sabay na kunuha ang isang baso na may laman pa rin na juice hanggang ngayon at malamig pa rin dahil sa yelo na nakalagay doon.



"Mag iiwan lang kami ng konting ala-ala sayo tulad ng ginawa mong pagiwan ng ala-ala samin." nakangiting sabi ni Zeeckeai kay Gail.



Agad na napakunot ang noo ni Gail dahil hindi nya alam ang ibig sabihin ni Zeeckeai sa sinabi nito.



Halos sabay-sabay na lumapit ng dahan-dahan ang tatlo habang dala ang baso na may lamang juice.



That's a kind of warning na hindi agad nakuha ni Gail at ng iba pa kaya ang nangyari ay naging successful ang pagbubuhos ng tatlo ng isang kalahating baso ng juice nila kay Gail.



"Don't forget us." bulong ni Zeeckeai sa tenga ni Gail na sya namang siniguro nya na tanging si Gail lang ang makakarinig "We're THREE.RICH.DEVILS." madiing bulong nya sabay ayos ng tayo at harap kay Gail ng may ngiti sa labi.



"BYE." nakangiting paalam ni Shayara sa lahat ng nasa loob ng restaurant.



Nilampasan naman nila ang lalaking hanggang ngayon ay nakatayo lang sa tapat ng entrance habang titig na titig kay Gail na humahagulhol na sa iyak dahil sa sobrang pagkahiya at takot na naramdaman nya.



May ngiti sa labi na lumabas ang tatlong babae sa restaurant.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Rich Devils (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon