Jeny
Taglamig na dito sa Japan. Marami na namang matatandang aatakihin ng rayuma nito kaya double shifting na naman ang mangyayari sa amin. Nakakaawa ang mga matatanda na ang iba ay mas nauna pang namatay ang mga anak nila at walang mag-aalaga. Naisip ko, mapalad ang mga matatanda sa atin dahil mayroong pamilya na gumagabay. Nagmomonologue ang utak ko sa mga gusto kong sabihin sa pamilya ko pagtawag ko mamaya nang mapatingin ako sa isang bahay na mukhang naglilimas na naman ng gamit.
Uso sa Japan ang pagtatapon ng mga lumang gamit. Mayroong process ng recycling dito. May kukuha ng mga gamit na itinatapon na ng bawat bahay. Syempre, tayong pinoy, nakiki-usyoso naman para mayroong maipa-box pauwi ng Pilipinas. Buhay OFW.
"Auntie, good morning," bati ko sa matanda na pabalik-balik ang paglabas. Nag-bow ako to give respect. "You will dispose?" Tinuro ko ang mga gamit sa labas ng gate niya.
"Yes," sagot niya.
"Can I get something I like?" Kapalan ng mukha kapag talaga nasa ibang bansa.
"Get what you want," sagot nito in local language.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagtext sa mga kasamahan ko sa Nursing Home na malalate ako ng kaunti. Namili ako ng mga gamit na pwede pang pakinabangan. Mga lumang libro, lumang gamit gaya ng pocket watch na inihagis ng matanda. Nilagay ko sa dala kong reusable bag ang mga books na pwede ko pang basahin at pakinabangan. Paalis na ako nang lumabas ang matanda na may dalang isang portrait. Inihagis niya ito sa sidewalk at sinipa-sipa pa.
Ang laki yata ng galit nito, sa isip-isip ko. Walang kibong bumalik ang matanda sa loob ng bahay at tuluyan ng isinarado ang gate. Nakataob ang kwadro sa akin at dahil likas na curious ako ay sinilip ko ito. Isa itong babae. Lumang larawan ng babae ngunit hindi mukhang Japanese.
"Sino ka?" bulong ko. Ibinaba ko ang hawak kong reusable bag at tuluyang kinuha ang portrait.
"Ang ganda mo naman," wika ko habang tinatanggal ang ilang damo at putik na dumikit sa gilid ng kwadro. Kumuha ako ng tissue sa dala kong bag at tuluyang pinunasan ang may kalakihang portrait. Halos isang yarda ang haba nito at mahigit kalahating yarda ang lapad. Sa likod ng kwadra at may nakasulat na maliliit na letra.
Para sa pinakamagandang dilag na aking nasilayan. Hanggang sa muling pagkikita.
Oh my God, Pilipino!
Itinihaya kong muli ang kwadro at pinakatitigan ang magandang mukha ng babae. Manipis ang kilay nito at nakaarko. Matangos ang ilong na mukhang matangkad sa pangkaraniwan kahit kalahati lamang ng katawan niya ang kita sa larawan. Ang ayos ng buhok nito ay parang sa mga lumang pelikula sa Amerika. Pang The Notebook ang datingan.
"Auntie," sigaw ko mula sa gate. "Do you know who this woman is?"
Ngunit hindi sumagot ang matanda na kanina lamang ay sinisipa ang kwadro.
Tumunog ang cellphone ko at pinagmamadali na ako ng kasamahan kong uwing-uwi na sa bahay. Nagdadalawang isip ko kung iiwanan ko ang kwadro dahil ang laki nito kung iuuwi ko. Ibinaba kong muli ang kwadro sa lupa at pinulot ang reusable bag na puno ng libro. May lungkot akong naramdaman nang maglakad akong palayo sa tamgbak ng lumang gamit sa gilid ng daan.
"Ahhh, shit, bahala kang mahirapang iuwi iyan, Jeny," bulong kong muli at binalikan ang larawan. Bitbit ko iyon hanggang sa Nursing Home.
May isang bahagi ng isipan ko ang sumisigaw na may kwento itong larawan na ito kung bakit napunta ito ng Japan. Iyon ang gusto kong malaman. Baka may nakakakilala.
Tatawa-tawa ang mga kasamahan kong nurse na Pilipino nang makita akong may bitbit.
"Namulot ka na naman," tukso nila. "Uuwi na kami, Diyos ko, sayang ang tulog namin. Akala ko naman may emergency ka kaya ka nalate."
"Salamat, day." Habol ko sa kapalitan ko ng shifting. Nilagay ko sa locker ang mga libro ko at binalot ang portrait ng dala kong scarf bago iwanan sa tapat ng locker door ko. Oras na para magtrabaho.
Minsan kailangan kong iwaksi ang pakiramdam ko para hindi ako maawa sa mga matatanda. Ang iba ay ayaw ng lumaban sa buhay. Ang iba ay naghihintay na lang ng sundo. Madalang ang masayang matanda dito kahit na sa catalogue at website ay mga nakangiti sila. May lungkot lagi sa kanilang mga mata. Gaya na lamang ng isang matanda na laging tulala.
"Good morning," masayang bati ko kahit ni minsan ay hindi naman siya lumingon. Nakatingin lamang ito sa malayo ngunit parang walang nakikita. Hindi ko pa narinig ang boses niya kahit minsan. Dalawang taon na akong nagtatrabaho dito pero hindi pa siya nagsasalita o nagkukwento sa akin. Ang sabi ng doktor ay matino pa naman ang isipan ni lola. Hindi lang friendly.
"Do you want to go outside?"
Okay, wala pa ring kibo.
"I saw a portrait on my way here," kwento ko dito habang binabasa ang chart niya sa paanan ng kama. Wala pa ring kibo si lola. Ano kaya ang tinatanaw nito sa bintana? Minsan gusto ko na ring tanawin baka sakaling maintindihan ko siya.
"She's beautiful. Do you want to see it, Mrs. Shibuya?"
Walang sumagot. Tiningnan ko ang oras at isinulat sa chart. Kumuha ako ng gamot at tubig sa baso at nilapitan ko si Mrs. Shibuya. Nilahad ko ang kamay ko at gaya ng dati, kinuha niya ang gamot at tubig ngunit hindi nagsalita.
"You will agree with me that she is so beautiful," wika ko. Inabot sa akin ng matanda ang baso at ako naman ay kinuha ang cellphone. Binuksan ang photo gallery at hinanap ang picture ng portrait na napulot ko. Kinunan koi to kanina bago ko ibalot at iwan sa locker room.
"Isn't she pretty?" Iniharap ko ang picture sa matanda. Noong una ay hindi ito nakatingin ngunit para akong nahipnotismo kasi ng portrait kaya ako ang nakatingin sa photo kahit nakukuba na ako sa ayos ko. Napasinghap si lola. Noong una ay akala ko ay may tao sa likod namin kaya napatayo ako ng tuwid tangay ang cellphone sa kamay.
"Saan mo nakuha iyan?" Ako naman ang nanlaki ang mata dahil sa gulat kay lola.
"Pi... Pilipina po kayo?"
"Saan mo nakuha iyan?" tanong niya muli.
"Pilipina ka nga, lola." Muntik na akong atakihin sa puso.
"Saan?" May galit si lola nang muling magtanong.
"Doon po, malapit sa bahay namin. Itinapon ng matanda."
Nangilid ang mga luha ni lola at unti-unting tumulo ang mga ito. Ako naman ang nalito at umiiyak ang matanda. Kumuha agad ako ng tissue at binigyan siya.
"Lola, tama na po. Bakit ba kayo umiiyak."
"I want to see it," wika niya. Marunong mag-english pati si lola. All this time naiintindihan niya kami pero hindi man lamang siya nagsalita. Bigla kong naisip kung may nasabi ba akong masama sa wikang tagalog sa kanya noon. Akala ko ay hapon si lola dahil sa pangalan niya. Satsuke Shibuya.
"Sandali po at kukuhanin ko."
Lumingon ako kay lola bago ako lumabas ng silid. Nakatingin muli siya sa bintana ngunit ngayon ay gumagalaw ang mga balikat dahil sa pag-iyak. Kilala kaya niya ang babae sa larawan?
YOU ARE READING
The Portrait
Historical FictionIsang pagmamahalan na paglalayuin ng kapalaran. Si Flaviana "Biana" Bautista ay ang mukha sa likod ng mga paketa ng tabako at sigarilyo. Ang mukha niya ang naging batayan ng kagandahan sa buong Pampanga. Ang sabi nga sa kanilang bayan ay higit pa s...
