Chapter 15: Two Locks, One Key

231 10 4
                                        

Ellaine

“Ellaine, gising ka na,” narinig ko ang boses ng isang babaeng ilang taon na pamilyar ang boses niya sa akin. Kay Vani ito galing.

Kumakatok na ang tiyan ko sa akin. Nanghihingi na siya ng pagkain. Anong oras na kaya? Parang ang tagal kong hindi pa kumakain.

“Ellaine, ayos ka na ba?” tanong sa akin ni Vanilla. Bumuka ang mga mata kong ayaw magpa-istorbo pagkatapos ng mahimbing na tulog na plano pang pahabain.

Medyo blurry pa ang paningin ko at sa simula ay ilaw lang ang nakikita ko. Ilaw na para bang nakakabulag at maputi.

“Nasa langit na ba ako?”

“Buhay ka pa! Huwag ka naman excited na iwan kami at alam mo naman na ayaw ko iyon,” sagot sa akin ni Vanilla. Sa lakas ng boses niya ay biglang umayos ang aking paningin.

Nakita ko ang mga mata ni Vanilla. Ang kanyang mga mata ay parang ipinaparating na nag-aalala siya sa akin. Hala, ano ba talagang nangyari? Naalala ko noong isang araw na umuwi lang naman kami para gamutin yung sugat ko sa paa.

Yung sugat ko sa paa…

Eeh! May sugat nga pala ako sa paa. Hala sana hindi na ito masakit ngayon. Ano na kaya ang hitsura nito?

Tapos, nagkasakit pa pala ako. Pagising-gising ako at wala akong matandaan sa mga lumipas na araw. Parang nakahiga nga lang ata ako kahapon.

“Ano bang nangyari?”

“Eh… kasi… ganito iyon,” nanahimik si Vanilla sandali saka ipinagpatuloy. “Isang araw kang hindi nagising kaya akala namin mawawala ka na,” dagdag niya at biglang nanlaki ang mga mata ko.

Naalala ko na!  Ang sakit ng buong katawan ko, nahihilo ako, at gustong magpasuka ng laman ng tiyan ko pati na rin ang mga laman loob. Kailanman ay hindi pa ako nagkaroon ng sakit na mas malala o kasinlala niyon.

“Gutom na ako, tara kain tayo.”

>>>

Kinamusta ako ng lahat pagbaba ko sa sala. Nag-aalala sila sa akin at buti na lang ay magaling na ako.

Siguro ganoon lang talaga ang nangyari. May mga bacteria o virus siguro dito na wala naman sa ibang lugar. Yung nangyari sa akin ay parang noong nagkasakit lang si Warren. Malubha pero hindi naman nakamamatay.

Medyo masakit pa yung kanang binti ko. May telang nakalagay doon para hindi madumihan ang sugat kaya nanginig ako likod ko sa isip na masakit ito kapag tinanggal. Inaalalayan ako ni Vanilla na maglakad dahil kung hindi ay napupuwersa ang muscle sa loob ng binti ko.

“Ayos ka na ba Ellaine?” tanong sa akin ni Bryce. Napangiti ako noong narinig ko ang boses niya.

Ito na nga siguro iyon, yung tinatawag nilang pag-ibig.

Breaking Our BarriersWhere stories live. Discover now