Chapter 2: Reason

4.7K 100 7
                                    

Cy's POV

*ding dong*

*ding dong*

Sunod-sunod na pagpindot ko sa doorbell ng bahay nila Nam.

"Sandali lang!"

Rinig kong sigaw nya kaya tumigil na ako sa pagdo-doorbell.

Boses pa lang nya ang naririnig ko ay parang gusto ko na kaagad umiyak ulit pero pinipigilan ko lang. Kanina pa ako umiiyak, pagod na pagod na ang mga mata ko at pagod na rin ako sa paghabol ng hininga ko.

Nam is my best friend since high school, she's always there for me lalo na sa tuwing nagloloko si Austin. Wala akong ibang pwedeng takbohan kung 'di sya lang.

Unti-unting bumukas ang pinto at pagkabukas na pagkabukas nito ay agad ko syang niyakap ng mahigpit at humagulgol sa pag iyak. Hindi ko na napigilan nang makita ko sya.

"Sa.. sandali, anong nangyari? Shhh... tahan na."

Pagpapakalma nya sa akin pero patuloy pa rin ako sa pag iyak. Gusto kong mag salita pero nahihirapan ako dahil sa pag-iyak ko.

I can't help it, kahit sarili ko ay hindi ko na makontrol dahil sa emosyong nararamdaman ko.

"Ayaw ko na...Nam, ayaw ko na."

Pag-iyak ko sa kanya habang humihikbi-hikbi pa. Ramdam ko ang bawat paghaplos at pagtapik nya sa likod ko upang mapatahan ako.

"Shh halika muna sa loob, you need to rest muna para makapagsalita at makahinga ka ng maayos."

Inalalayan nya akong pumasok sa loob ng bahay nya pagkatapos ay pinaupo nya ako sa sofa. Pumunta sya sa kusina nya at sa pagbalik nya ay may dala na syang baso ng tubig.

"Here, drink that ubusin mo lahat."

Iniabot nya sa akin yung tubig na hawak nya. Kinuha ko yun at diretso kong ininom lahat.

"Hayop sya! Hayop sila!"

Galit kong saad at padabog na inilapag yung baso sa table na nasa harap ko.

"Eh ano ba ang nangyari at umabot ka sa paglalayas? Ang laki pa ng maletang dala mo. Dati kahit ilang beses ka nyang niloloko unting lambing lang okay kana, ganon ka karupok mami."

Hindi ko alam kung nagtatanong ba sya o nangsesermon pero basta. Hindi ko pa kinukwento lahat ay alam na kaagad ni Nam ang nangyari. Tama naman sya eh, ganon ko ka mahal si Austin, palagi ko syang iniintindi no matter what kasi ayaw kong taposin lang ng ganon lahat ng pinagsamahan namin. I always find a reason to stay, ako na mismo yung gumagawa sa sarili ko ng excuses para sa kanya kasi palagi akong umaasa na magiging maayos pa kami ulit.

"Sinubukan ko naman 'di ba, Nam? Alam mo naman yun 'di ba?"

"I know, I know. I saw it all."

Sagot nya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"He did it again, in our room."

"What? Dinala na sa bahay nyo?"

Sigaw nya at napatayo pa sa gulat.

"Nag-make out sila sa mismong kwarto nyo? Oh my gosh that is so new and so unbelievable!"

Tanong nya at umiling naman ako.

"So, ano?"

She asked.

"They're having sex when I got home from the grocery."

Hindi ko alam kung paano yun nagawa ni Austin, I can't even kiss another guy pero sya nakaya nyang gumalaw ng ibang babae.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon