Simula

0 0 0
                                    

      Busangot akong naglalakad patungo sa paaralan.Bakit kailangan ko pang pumasok?First day lang naman pala.Para akong lantang gulay na naglalakad papasok sa malaking gate sa isang paaralan na kinabibilangan ko.

      Nang makarating sa classroom ay isa-isa kong tiningnan ang mga magiging kaklase ko.Hay nako ang boring ng mga mukha nila!Paulit-ulit lang.Walang pinagbago.Parang wala lang naman silang nakita kaya agad akong pumasok.

      Naupo nalang ako sa pinakadulong parte. Syempre,pwesto ng mga tamad mag-aral.Padarag kong ibinagsak ang aking walang lamang bag sa upuan at saka umupo.Ang boring talaga!Maka tulog na nga!

      Napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng biglang may kumalabog sa harap.Pagtingin ko ay yong sinasabi lang pala nilang strict teacher.Siya daw si Mrs. Sangot.Ito daw ang magiging adviser namin.Really?Sangot or Busangot?

      "Ok class,listen.May bago kayong magiging kaklase.Mr. please enter and introduce your self."Halos magsinghapan lahat ng babae sa loob ng klase sa pagpasok ni Mr. Baguhan. Napairap nalang ako." Hi everyone! My name is Philistine Sarameino.You can call me Phil!"
      Nakangiting sabi ng baguhang estudyante.Phil?As in Philippines? Natawa nalang ako sa aking naiisip."Ok Mr. Sarameino,occupy your sit."saad ni Mrs. Sangot.

      Luminga-linga siya at napako ang kanyang paningin sa banda ko.Napalinga-linga naman ako sa aking mga gilid.Shit.Wag nyong sabihing magiging katabi ko siya!Hinanap ko pa kung may iba pa bang pwedeng upuan.May isa ngunit malapit sa C.R. at sira-sira naman ang upuan.Napairap nalang ako ng maglakad siya patungo sa kinaroroonan ko.

      Habang naglalakad siya ay biglang may pumasok sa akin na kagagohan.Akmang lalagyan ko ng walang lamang bag ko ang upuang katabi ng akin ng biglang may tumikhim.Napatingala ako at agad kong nakita ang nakakairita niyang mukha.
      "May I sit here...beside you?" pormal niyang sabi.Ba't ang hilig nitong mag english.Humalukipkip nalang ako at hindi siya sinagot.Umupo siya sa tabi at agad itinuon ang pansin sa harap.Nerd.

      "Class.Ako ang magiging adviser ninyo ngayong taon.I'll handle as your Science teacher,Physics. Magbibigay ako ng mga classroom rules." panimula nito at nagsulat sa pisara.Matapos niyang isulat ang sampong mga patakaran ay agad niyang ipinaliwanag ito.Sampong mga patakaran?or more like Ten Commandments?

      "Unang-una sa lahat,kailangan niyo akong respituhin at ang mga teachers dito sa school. Pangalawa ay ayaw na ayaw kong may natutulog sa aking klase!" at tiningnan niya ako at pinanlisikan.Umiwas ako sa nakakapaso niyang tingin.Really?"Kailangan makinig sa klase..."at so on and so far sa mga patakarang sobrang boring na palaging inuulit.

      Nakatungo akong nakikinig sa aming guro na panay ang turo ng madiin sa pisara."Get your Science book and turn to page 12.Look at the pictures and..."utos ni Mrs. Sangot.Patay!Wala akong dalang libro."Ahm.Miss,do you have a book?"biglaang tanong ni Mr. Baguhan."Bakit ako magdadala ng libro?Tsaka,diba estudyante ka?Bakit wala karing libro?" sabay tapon sa kanya ng masamang tingin.
      "They did not yet give me the book.Now,where's your book?" nakangisi nitong tanong sa akin."Pwede ba,wag mo akong esturbuhin.Diyan ka sa kabila manghingi ng tulong!Willing yan tumulong dahil kanina pa yan nakatingin sa iyo." sabay talikod sa kanya at hinarap ang binatana na katabi ko lang.Narinig ko pa siyang nag tsk.Tsk ka diyan.Nakakainis.

      Panay ang sulyap ko sa banda nila.Halos mahimatay na ang babaeng katabi niya dahil sa sobrang lapit nila ni Mr. Baguhan.Panay naman ang papay nito sa sarili at paunti-unti ang sulyap sa kanya.Girls.Habang si Mr. Baguhan ay parang wala lang.

      Natapos ang mahabang pagtuturo ni Mrs. Sangot kaya agad akong nag-inat.Hay,nakakapagod sa tenga makinig sa mga aralin.

      Halos sumabog na ako sa aking kinauupuan ng nagsipag siksikan ang aking mga kaklse para lang magpakilala at matanong tong sikat kong katabi.Nababangga narin nila ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang El BimboWhere stories live. Discover now