P R O L O G U E
"Paumanhin Ma'am, pero ang utak ng anak niyo po ay may memory span of 1 day nalamang po, ito ay dahil sa pagkabagok ng ulo niya mula sa isang matigas na bagay. Naapektohan nito ang kakayahan ng utak niya na kumolekta ng mga memorya" rinig kong saad ng doctor kay Tita.
Mas naramdaman ko ang sakit na nadarama ni Tita nung bigla nalang siyang lumuha ng walang reaksyon sa mukha.
~~~
Ilang oras pa bago ang insidente ay pauwi na kami ni Aaron mula sa isang party na isinagawa niya. Pinabulaan niya agad ng isang selebrasyon sa kompanya niya ang pag-Oo ko sakaniya sa proposal niyang pagpapakasal. At dahil nga minsan lang naman magkaroon ng selebrasyon ay medyo naparami ang inom ng mga kalalakihan, kaya't ako na ang nagpresentang I-uwi siya sa kanilang bahay. Nung nasa sasakyan na kami ay nagpumilit itong siya nalamang daw ang magmaneho dahil sa lalaki raw ito.
Alam kong lasing na ito kaya't nagpumilit akong ako na, alam ko rin namang magmaneho ng sasakyan, tsaka alam ko ang bahay nila. Pero kung gano ko man kaalam na lasing siya ay ganun ko rin kaalam na hindi siya papayag kaya't wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang at gabayan siya sa pagmamaneho.
Sa unang kilometro ay naging maayos naman ang pagmamaneho niya, pero nung sa di kalayuan na sa bahay nila ay medyo gumigewang na yong sasakyan, na ikinasigaw ko dahil sa kaba. Tumawa lang si Aaron sakin kaya't mas nabulyawan ko siyang wag gagawing biro yun.
Hindi ko na alam ang mga nangyari, ang huli kong naaalala ay nung sinusubukan na niyang bumalik sa linya ay may sumagi sa sinasakyan namin. Nagpagulong-gulong pa ito ng ilang beses hanggang sa tumama nanga ang ulo ko sa gilid ng sasakyan at nawalan na ako ng malay.
Napuruhan si Aaron dahil nasa kaliwa siyang bahagi, kung san doon tumama yong truck na nakasagi samin.
Diko alam na ang simpleng pag-Oo ko sakaniya ang magiging dahilan ng pagka-aksidente namin.
YOU ARE READING
The Moment of Silence
Short StoryWill silence give you craziness? Will silence give you pleasure? Or a realization that had been locked away? Citation: Cover picture from the movie "After"
