Chapter Twenty

4.7K 116 17
                                    

HINDI inaasahan ni Benedict na makakatanggap siya ng tawag mula sa nanay ni Faith ng araw na iyon habang siya ay nasa office niya sa spa. Gusto nitong makipagkita sa kaniya sa isang coffee shop na malapit lang kung nasaan ang location ng spa nila. Nandoon na daw ito kaya bilisan niya.

“May kailangan akong sabihin sa iyo, Benedict kaya bilisan mo!” Pautos pa nitong sabi.

“Tungkol saan po ba, mama?” curious niyang tanong. Nagtataka talaga siya sa biglang pagtawag nito dahil noong huling beses na tinawagan niya ito ay pinatayan siya nito ng cellphone. Tapos ngayon ay bigla na lang na gusto siya nitong makita at makausap? Parang ang gulo lang.

“Huwag ka nang magtanong pa. Pumunta ka na dito. Okay?”

“Sige po. Papunta na ak—” Naputol na ang kabilang linya kaya hindi na natapos ni Benedict ang sasabihin.

Kumilos na lang siya agad at pinuntahan ang coffee shop na sinasabi ni Mama Pearl kung saan sila magkikita. Naglakad na lang siya. Malapit lang naman iyon, e. Pagpasok ni Benedict sa coffee shop ay nakita niya agad si Mama Pearl malapit sa exit. Doon ito nakapuwesto. May kasama itong matabang bakla. Sa pagkakatanda niya ay Ederlyn ang pangalan ng baklang iyon. Lumapit siya agad sa dalawa at umupo sa bakanteng upuan na naroon.

“Kumusta na po kayo, mama? Ang tagal po nating hindi nagkita…” Medyo nahihiya siya dahil nakasimangot ito sa kaniya. Alam naman niya kung bakit.

“Mag-skip na tayo sa kumustahan dahil baka hindi mo magustuhan ang isasagot ko. Alam mong masama ang loob ko dahil sa pag-aakusa ninyo na sumama si Faith sa ibang lalaki. 'Di ba?”

“Hindi niyo naman po ako masisisi kung bakit ganoon ang iniisip ko. Nawala siya nang ipapa-DNA test na namin ang anak niya.”

“Ah! Bahala ka nga! Anyway, gusto ko ng frappe kaya mag-order ka muna. Saka cheesecake na rin. Tig-isa kami ng kasama kong bakla. Sige na. Um-order ka na!” utos ni Mama Pearl sa kaniya.

Tumango si Benedict. “Okay po, mama. Sandali lang po.” Saglit muna siyang tumayo upang um-order ng mga sinabi ni Mama Pearl.

Walang pila kaya naging mabilis ang pagbalik niya sa upuan. Agad na nilantakan ni Ederlyn ang cheesecake at frappe nito habang si Mama Pearl ay naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa kaniya. Nakahalukipkip pa ito.

“Mama, pwede ko na bang malaman kung ano iyong sasabihin ninyo sa akin?” tanong ni Benedict.

“Hindi ba’t tumawag ka sa akin noon at tinatanong mo sa akin kung may kakambal ba si Faith? Gusto kong sagutin ang tanong mo. Walang kakambal si Faith!”

“Salamat po sa pagsagot. May nakita kasi akong kamukha ni Faith sa Cebu at—” Mabilis na tumayo si Mama Pearl at labis siyang nabigla nang walang babalang hinablot nito ang buhok niya at sinabunutan siya nito. “Mama! Ano pong ginagawa ninyo?!”

“Ederlyn! Tulungan mo ako dito!” At sinabunutan na rin siya ng kasama nitong bakla.

Sa pagkabigla ni Benedict ay wala na siyang nagawa. Pinakawalan din naman siya ng dalawa at nagtatakbo ang mga ito palabas ng naturang coffee shop. Naiwan siya doong nagtataka kung bakit kailangan siyang sabunutan ng mga ito. Pero mas nagulat siya nang bumalik si Ederlyn at kinuha ang cheesecake at frappe nito.

“Sayang ito! Minsan lang ako makakain nito, e!” Nagpa-cute pa ito sa kaniya at saka umalis ulit.

“Ano iyon?” Nagtataka pa ring tanong ni Benedict habang inaayos ang nagulong buhok.

-----ooo-----

“ANO, Ederlyn? Marami ka bang nakuhang buhok ni Benedict?” Na-e-excite na tanong ni Pearl kay Ederlyn habang bitbit nito ang isang plato ng cheesecake. Ang frappe naman nito at nakakipkip sa kili-kili nito. “Ang baho na siguro niyang frappe! Talagang iinumin mo pa iyan?” Nasa may gilid sila ng coffee shop kung saan nila kinita si Benedict.

The Faithful WifeWhere stories live. Discover now