Pagkalabas niya, tumabi na siya sa 'kin at pinatay na niya ang ilaw. I automatically scooted over to cuddle and sniff on his chest. Ang bango talaga! 


"How's your day with your friends?" Tanong niya. 


"It was fun. Nagtalo lang siguro buong araw si Yanna at Sam tapos nagpapatapangan kami roon sa horror movies. Kung anong sinigaw nila sa horror movie, 'yon naman iniyak nila sa mga pinanood naming romance. Nakakatawa." I giggled even though I also cried my eyes off. 


Tumango lang siya at nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay bago ako nakatulog ulit. Kinabukasan, ginising ako ni Kalix para kumain.


"Hindi naman siguro kulang 'yung dinala kong damit 'no?" 


Naghihintay kami ni Kalix dito sa private lounge sa Caticlan habang hinihintay 'yung speed boat na susundo sa amin. Naka-package 'yun sa hotel na tutuluyan namin kaya diretso roon ang punta ng boat. Nakaupo lang si Kalix sa tabi ko at umiinom ng kape. Hapon na nang makarating kami pero okay na rin 'yon para diretso pahinga na pagkatapos namin kumain. 


Ang dala kong damit ay puro bikini tapos shorts, long beach dresses, at sleeveless. Namili pa kami kagabi ni Kalix sa mall at doon ako natulog sa condo niya para diretso kami ng airport. Palagi na ata akong nakikitulog sa kaniya, ah. 


"That's enough. Kung may kulang, let's just buy there," Kalix replied while playing with my hand. 


"You're starting to sound like a sugar daddy, you know?" Pang-aasar ko. 


"I just want to give you everything you need."


"Yeah, but it's not your money. It's your parents' money so don't just waste it. Kapag may trabaho ka na at kumikita ka na ng sarili mong pera, doon mo na gastusin sa mga walang kabuluhang bagay." I smiled. 


"Okay, mom." He rolled his eyes. 


Dumating na rin 'yung speed boat at mabilis din kaming nakarating doon sa hotel. Grabe naman pala. Luxury na luxury ang dating. Ako ang nag-asikaso ng booking doon sa counter at noong okay na, umakyat na kami ni Kalix sa suite. Siya ang naghatak ng maleta ko. 


"Oh my god, ang laki!" Tuwang tuwa ako dahil worth it naman pala ang binayad ko. 


"That's what she said," he whispered. 


Hinampas ko siya dahil doon at tumawa lang siya, inaasar ako. Nilapag niya 'yung mga gamit habang nililibot ko 'yung room. May private balcony at mayroon doong outdoor bathtub, jacuzzi, and daybed kung saan pwedeng magpahinga o matulog. Ang view noon ay 'yung private beach. Walang tao roon at kung mayroon man, kaunti lang din. Pagbaba mo galing sa balcony, mayroon nang daan papunta sa beach kaya easy access.


Malaki rin ang C.R. Dalawa ang sink, may shower at may bathtub din na magkahiwalay. May coffee maker sa kusina at ang pinaka nagustuhan ko ay mayroong mini-bar! Napangisi ako at inisip na kung kailan kami mag-iinom ni Kalix. 

The Rain in España (University Series #1)Where stories live. Discover now