Chapter 1

12.8K 129 15
                                    

Von: Ano bang nangyari at ang init ng ulo mo?

Pinasa ni Von ‘yong bolang hawak niya kay Kiefer. Nag-ayang mag-basketball si Kiefer nung natapos ‘yong last class nila, kelangan daw kasi niyang maglabas ng init ng ulo.

Kiefer: Nag-away na naman sina Mommy at Daddy kaninang umaga. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa kanila.

Von: Kief, hindi ba kung ano namang problema nina Tita, labas ka na dun?

Kiefer: Hindi pwedeng labas ako dun, anak ako eh.

Von: Anong sabi nina Thirdy? Kasing affected mo din ba sil –

Naputol ‘yong sinasabi ni Von in midsentence ng biglang tumili ‘yong mga babae na naglalaro ng volleyball dun sa katabi nilang court. Kiefer was about to make a jumpshot at saktong paglingon niya, tinamaan siya ng bola ng volleyball sa mukha. Napaupo si Kiefer sa lakas ng pagkakatama nung bola sa kanya and it took him more than a few seconds to recover.

Isa si Alyssa sa mga naglalaro ng volleyball at siya ‘yong pinalapit ng mga kaibigan niya kay Kiefer para mag-sorry at kunin ‘yong bola.

Alyssa: Uhmmm sorry, masakit ba?

Kiefer: Ano sa tingin mo?! May tinamaan ba ng bola na hindi nasaktan?

Alyssa: Gusto mo bang pumunta ng infirmary? Pwede kitang samahan.

Kiefer: Wag na! Mawawala din ‘tong sakit mamaya.

Alyssa: Sorry talaga. Nagkamali lang kasi kami ng tira dun sa bola kaya napunta sa court niyo.

Alyssa held out her hand to help Kiefer stand up pero tinabig lang ni Kiefer ‘yong kamay niya at tumayo ‘to mag-isa.

Kiefer: Kung wala kang ibang gagawin kung di i-mishit ‘yong bola at makatama ng inosenteng tao, wag ka na lang maglaro ng volleyball. Baka hindi ‘yan ang sport para sa ‘yo.

Alyssa: Tek –

Kiefer: O baka naman, pinipilit mo lang maging sporty pero sa totoo lang lampa ka naman talaga.

Alyssa: Ang yabang mo naman.

Kiefer: Tinamaan mo na nga ako ng bola tapos ako pang mayabang ngayon?

Alyssa: Hindi namin sinasadyang matamaan ka ng bola tsaka nag-sorry na ‘ko diba?

Kiefer: Kung isusumbat mo lang sa ‘kin ‘yong sorry mo, iyo na. Hindi ko kelangan ang sorry mo.

Alyssa: Binabawi ko na talaga ‘yong sorry ko. Baka masabihan pa ‘ko na nangongonsinte ng taong masama ang ugali.

Kiefer: Aba nam –

Von: Kief tama na. (tumingin kay Alyssa) Miss, pasensya ka na sa kaibigan ko. Medyo mainit lang ang ulo nito.

Kiefer: Bakit ka ba humihingi ng pasensya sa babaeng ‘yan? Siya ang may kasalanan, hindi ako.

Alyssa: Buti pa ‘yong kaibigan mo mabait, ikaw hindi.

Sasagot pa sana si Kiefer kay Alyssa pero hinila na siya ni Von palabas ng College Covered Courts. Kinuha ni Alyssa ‘yong bola ng volleyball at bumalik sa court nila para ipagpatuloy ‘yong paglalaro nila.

Denden: Anong nangyari sa ‘yo Ly? Bakit bad mood ka na?

Alyssa: Ay naku. Nakakainis ‘yong tinamaan natin ng bola. Ang sama ng ugali.

Ella: Paanong masama ‘yong ugali?

Alyssa: Pagtapos kong mag-sorry kung ano-ano pang sinabi. Kesyo wag na lang daw akong mag-volleyball kung imi-mishit ko lang ‘yong bola.

Denden: Baka naman kasi masakit talaga ‘yong pagkakatama ng bola sa mukha niya?

Alyssa: Eh di sana tinanggap na lang niya ‘yong sorry ko tapos nanahimik na siya. Hindi ‘yong daldal pa siya ng daldal.

Ella: Ang init naman ng ulo mo Aly. Chill ka nga lang.

Alyssa: At alam niyo kung ano pa ‘yong sinabi niya?!

Denden: Ano?

Alyssa: Baka daw trying hard lang akong maging sporty pero lampa talaga ako. Ang kapal ng mukha niyang i-judge ako, hindi naman niya ‘ko kilala.


******


Alyssa: Arggghhh!!! Wala na ata akong nakilalang lalaki na mas un-gentleman pa sa kanya at mas nakakainis!

Nakahiga na si Alyssa sa kama niya sa dorm pero bigla siyang napaupo sa sobrang inis nung maalala niya ‘yong encounter nila ni Kiefer sa campus kanina.

Ella: Sabi naman kasi sa ‘yo, wag mo ng pinapatulan si Kiefer. Ignore mo na lang.

Alyssa: Pwede ba naman ‘yon eh wala na siyang ibang ginawa tuwing nagkakasalubong kami kung di paringgan ako. Alangan namang hindi ako sumagot? Ano ‘yon, papatalo na lang ako sa Freshman?

Denden: Hindi ka pa ba napapagod sa walang katapusan niyong bangayan ni Kiefer? Lagpas three months na kayong ganyan.

Alyssa: And your point is?

Denden: Baka pwedeng mag-declare na kayo ng permanent ceasefire? Magbati na kayong dalawa.

Ella: Agree ako kay Denden. Pakiramdam ko nga kung hindi nangyari ‘yong incident sa Covered Courts nung June, you and Kiefer would be really good friends by now. Mukha naman kasing compatible kayo.

Alyssa: To be honest, napapagod na rin ako. Pero hindi ako ang gagawa ng first move. Siya ang nag-umpisa ng away na ‘to noh, hindi ako.

Napayuko na lang parehas sina Ella at Denden sa tigas ng ulo ni Alyssa. Pasimple silang nagtinginang dalawa and silently agreed to push through with their plans.

Ella: Den, Ly, labas muna tayo.

Denden: Sige, boring dito sa dorm eh.

Alyssa: Saan naman tayo pupunta?

Ella: Kahit saan, gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin.

Denden: Tara na.

Pinuntahan ni Ella at ni Denden si Alyssa sa kama niya at hinila patayo. Kung tutuusin, ang laki ng tinangkad ni Alyssa kina Ella pero wala siyang nagawa sa pinagsamang lakas at kulit nung dalawa. Nag-ikot silang tatlo sa campus hanggang sa umabot sila sa isa sa mga maliliit na classroom sa second floor ng Berchmans.

Walang tao sa classroom at bukas pa ang aircon kaya pumasok muna sila para magpalamig. After a few minutes nagpaalam sina Ella na pupunta ng banyo. Katabi lang nung classroom ‘yong banyo kaya nagpaiwan na lang si Alyssa habang nagge-games sa phone niya.

Nakaupo si Alyssa patalikod sa pinto nung narinig niyang bumukas ‘to at may pumasok. Akala niya sina Denden lang ‘yon, kaya nagulat siya nung paglingon niya nakita niya si Kiefer sa loob ng classroom na naka-blindfold.

Alyssa: Anong ginagawa mo dito?!

Kiefer: Alyssa?

Alyssa: Tanggalin mo kaya ‘yang nasa mata mo. Hindi ‘yong para kang tanga diyan na tatanong-tanong.

Tinanggal ni Kiefer ‘yong blindfold niya at nung nakapag-adjust na ‘yong mata niya, makikita mo ‘yong inis na dahan-dahang nagre-register sa mukha niya.

Kiefer: Bakit ka nandito?

Alyssa: Ako’ng unang nagtanong kaya mauna kang sumagot!

Kiefer: Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba? Sorry, pero hindi kita type.

Alyssa: Ang kapal ng mukha mo! Hindi rin kita type noh. Asa ka naman!

Kiefer: Hahaha...

Alyssa: Ay naku, makaalis na nga lang dito. Nasasayang ang oras ko talking nonsense!

Tinabig ni Alyssa si Kiefer on her way to the door. Lalabas na sana siya ng classroom pero ayaw bumukas ng pinto, kahit anong pihit niya sa doorknob wala talagang nangyayari. Nag-uumpisa na siyang kabahan na makulong sa classroom kasama ni Kiefer.

*calling Ella de Jesus*

Ella: Hi Aly!

Alyssa: Ella tulong naman. Parang na-stuck ata ‘yong pinto nitong classroom.

Ella: Ay hindi na-stuck ‘yan.

Alyssa: Ha? Eh bakit hindi mabuksan?

Ella: Kasi ni-lock talaga namin kayo diyan purposely at makakalabas lang kayo ni Kiefer kung bati na kayo.

Alyssa: Ano?! Ella hindi magandang biro ‘to. Buksan niyo ‘yong pinto.

Denden: Hi Ly! Pinapasabi pala ni Von na wag daw kayong magpatayan ni Kiefer. May game pa sila bukas eh.

Alyssa: Denden, buksan niyo ‘yong pinto! Isa!

Denden: Dalawa! Dalawa lang kayo diyan. O eto na ulit si Ella. Bye!

Ella: Sige na Aly baba na natin ‘to. Enjoy kayo, ha? Bye!

Alyssa: ELLA!!!

Napatingin si Kiefer kay Alyssa nung sumigaw siya out of frustration.

Kiefer: Kinulong nila tayo?

Alyssa: Oo, and this is all your fault!

Kiefer: Ako bang nagsabi sa mga kaibigan natin na gawin ‘to?! Biktima rin ako dito noh.

Alyssa: Weh!

Umupo si Alyssa in the corner farthest from Kiefer at bumalik siya sa paglalaro sa phone niya habang si Kiefer naman naglabas ng libro sa bag niya at nag-aral. Sa loob ng halos isang oras, ganun lang silang dalawa. Hindi sila nagkikibuan o nagtitinginan man lang, para silang walang kasama.

*grumble grumble*

Napahawak si Alyssa sa tiyan niya. It was almost lunchtime when they left Eliazo kaya hindi na rin siya nagtaka na nag-wawala na ‘yong mga alaga niya. Napansin niyang tumingin si Kiefer sa kanya at medyo nahiya siya kasi mukhang napalakas ‘yong pag-grumble ng tiyan niya.

May kinuha si Kiefer sa bag niya tapos lumapit siya kay Alyssa at inabot ‘yon.

Kiefer: Kain ka muna.

Alyssa: H-ha? Wag na. Okay pa naman ako. S-salamat na lang.

*grumble grumble*

Kiefer: Okay ka pa? Eh bakit parang iba ‘yong sinasabi ng tiyan mo? (after a few seconds) Sige na, kainin mo na ‘tong sandwich. Wag ka mag-alala, walang lason ‘to.

Nilapag ni Kiefer ‘yong sandwich sa armchair ni Alyssa tapos bumalik siya sa upuan niya.

Alyssa: Half na lang tayo dito sa sandwich mo.

Kiefer: Iyo na ‘yan. I had a late breakfast, siguro naman by the time magutom ako, napalabas na nila tayo dito.

Hinati ni Alyssa ‘yong sandwich and then gave half to Kiefer.

Alyssa: Kumain ka na rin. Mahirap umasa sa saltik ng mga kaibigan natin.

Tahimik na kumain sina Kiefer at Alyssa but unlike earlier, hindi na sila masyadong malayo nakaupo sa isa’t-isa.

Alyssa: Uhmmm...salamat dito sa sandwich. You didn’t have to share your food with me pero ginawa mo.

Kiefer: Hindi ko naman kayang tiisin na may nagugutom akong kasama tapos hindi ko ise-share ‘yong pagkain na meron ako.

Alyssa: Basta salamat. Mabait ka pala talaga. Tama sina Ella.

Hindi nakasagot si Kiefer kay Alyssa. He was surprised she said that kahit na wala siyang ibang ginawa kung di asarin ‘to ng asarin tuwing nagkikita sila sa campus.

Kiefer: Alyssa?

Alyssa: Hmmm?

Kiefer: Sorry dun sa nangyari sa Covered Courts dati. Hindi naman talaga masama ‘yong ugali ko, you just caught me in a bad mood. I know it’s not an excuse pero may nangyari kasi sa bahay namin earlier that day.

Alyssa: Kalahati naman nun kasalanan ko rin. Kami ‘yong nakatama ng bola at kahit ano pa ‘yong sinabi mo, hindi na ko dapat sumagot. (after a few seconds) Sorry din.

Kiefer: So...bati na tayo?

Alyssa: Bati na.

Kiefer: Friends?

Kiefer offered his hand to Alyssa. She gave him a big smile and then reached for his extended hand.

Alyssa: Friends.

Second Time Around (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon