CHAPTER 14

27.8K 626 95
  • Dedicated kay Sa lahat ng mga pinaghintay ko :(
                                    

Im baaaaack! Sorry for the loooooooooong wait! Balak ko na sanang i-drop to pero baka tadtarin ako ng threats kaya tatapusin ko to sa abot ng makakaya ko. Hoho. Kung hindi niyo na po magustuhan, keri lang. Sorry in advance and thank you sa mga magbabasa! :)

Mahal ko pa rin kayo kahit anong mangyari :">

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=D’s POV=

5 months na. 5 months ng dinadala ni Kath ang baby namin. 5 months na rin akong nagtitiis. Pinipigilan.. Ang alin??

Deeeeeeeeeeee!! Si Papa P nasa TV. Dali!! Lakasan mo volume!” Sigaw ni Kath. 5 months ko ng tinitiis ang paglilihi niya dun kay Piolo Pascual. Lintik na yan. Pinipigilan ko lang sarili kong magselos at intindihin na lang siya.

Binuksan ko na ang Tv at nilakasan ang volume. Tumabi na k okay Kath. Tiningnan ko siya, sobrang makangiti habang nanonood. Ganyan yan, pag lalabas sa TV ang 1D, JB at kung sino sino pa, kung kiligin parang walang boyfriend. Psh.

“Lipat ko ah? Hahaha.” Pag-agaw ko sa remote. Inilipat ko yung channel at nilagay ko sa Myx. Hayyy. Kay sarap sa tenga..

Maya maya lang ay tumayo si Kath at hinarangan yung TV.

“Hoy Daniel John Ford! Pag hindi mo yan ibinalik sa pinapanood ko. I-iiri ko ko ng maaga tong anak mo!!” Natatawa akong naiinis. Ganito ba talaga sila maglihi?

“Bat ba trip na trip mo yan? Mas gwapo naman ako diyan. Andito naman ako..” Bulong ko sa sarili ko, Ibinalik ko na sa pinapanood niya. sumadal na lang ako sa sofa at pumikit. Ilang saglit lang ay may naramdaman akong umupo sa lap ko. Napamulat naman ako.

“Baby? Is there something wrong?” Si Kath, medyo may matamlay na ngiti. Iniyakap niya lang yung dalawang kamay niya sa leeg ko.

“You.. Sorry..” Sabay yakap niya sakin..

“huh? Sorry for what?” Naramdaman ko na parang umiiyak na siya sa balikat ko kaya hinagod ko na lang ang likod niya.

“Wag ka na magselos. Hindi ko naman ginusto na sila ang paglihian ko eh. Bigla na lang yun.” Sabi niya habang umiiyak. Napatawa naman ako. Iniharap ko siya sakin at hinawakan ang dalawang pisngi niya.

“Alam ko Kath. I understand. Iintindihin ko lahat ng pangangailangan mo ngayon. Wag mo kong alalahanin. Don’t cry Kath, makakasama kay baby yan..” I smiled and kissed her on her forehead.

“Thank you for doing this for me. I love you D.”

“Mahal din kita. Sobra. Kaya lahat titiisin ko para sayo. Tatanggapin ko kahit paglihian mo pa yang mga bading na yan.” Pang-aasar ko pa sa kanya.

“Anong bading!? Sinong may sabing bading si Papa Piolo ko!? Hindi siya bading! Diyan ka na nga!!” Napakabilis naman magshift ng mood nitong si Kath. Ganito ba talaga pag buntis? Haha. Aalis na siya dapat pero hinigpitan ko yakap sa kanya.

SHE'S WHAT!? (SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon