Ika-anim na Kabanata

Zacznij od początku
                                    

"Hoy, Tracy." Kinalabit ko siya dahil nakatayo nga siya at ngiting-ngiti ngunit nakatutok naman sa phone.

"Binigay mo kay Vin number ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Uh.." Kinagat niya ang labi niya.
"Babye! Pupuntahan ko si Rene!" Tumakbo siya bigla habang kumakaway. Inirapan ko na lamang siya. Naglakad ako sa kabilang daan dahil dito na ang sunod kong klase. Pagtapos nito, break naman na kaya naglakad lang ako.

"Hindi pa ba tayo bati?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Vin. Lumingon ako at halos matumba pa nang ang lapit pala niya sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao dahil napakapit ako sa balikat niya. Para akong nakayakap sa kanya at hawak niya pa iyong bewang ko.

Umubo ako ng kaunti at umayos ng tayo. Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko ay namula ako bigla. Nawalan din yata ako ng boses. Ano ba 'yan, nakakahiya.

"Omg, sila ba?"

"Cute nila but I wish I was that girl."

"Ano ba 'yan, new crush ko pa lang si Vin eh."

"He's so cute and handsome talaga."

"True! Is the girl pretty ba? Her back is facing us, eh."

"Idk, let's go to class na. Naalala ko naman suot niya."

Wow lang, ha. Nandito lang ako sa harap nila at nakatalikod pero ang lalakas kaya ng boses nila. Sila yata ang mga babae sa cr noon. Bakit naman pati suot ko tinandaan? Ano sila, stalker?

Pagkalingon ko kay Vin ay nagkakamot siya ng batok niya. Kumunot ang noo ko.

"Ano ba ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Nakaiwas lang ang tingin niya at kagat pa ang pangibabang labi.

"Wala. Gusto lang kita m-makita.." Humina iyong boses niya. Hininaan pa, narinig ko naman.

"Wow." Tanging sagot ko lamang at nanahimik. Malapit lang iyong room ng next class ko. May 10 minutes pa bago magstart at dapat naglalakad na ako papunta roon pero heto ako, nakatayo lang sa harap niya na parang tuod. Hindi maigalaw ang mga paa.

"Jana, bati na ba tayo?" Tanong niya at tumingin na sa akin. Pinagkrus ko ang braso ko.

"Hindi ko alam, eh. Pag-iisipan ko pa kasi." Sagot ko na lang at nagsimulang magalakad. Hindi ko na siya nilingon o tinignan kaya hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya pero gusto kong tumawa. Pakiramdam ko kasi natulala siya roon kaya hindi na nakausad.

"Sunduin kita rito."

Napalingon ako bigla nang makarating sa harap ng room. Si Vin lang pala. Nakausad pala siya sa kinatatayuan niya.

"Wala ka bang klase?" Kunot-noo kong tanong. Bakit ba kasi siya sunod nang sunod?

"Uh, nandito lang din kasi klase ko." Turo niya sa dulo ng hallway. Tumango na lang ako bago siya iwan ulit doon at pumwesto sa tabi ng bintana. Ito 'yung subject na talagang wala akong kausap, eh.

--

"Hi." Bungad ni Vin paglabas ko pa lang ng room. Ramdam ko na naman 'yung mga nagbubulungan na parang mga bubuyog sa likod at tabi ko.

"Hey." Sagot ko na lang at dumeretso ng lakad. Mabilis. Nagstairs din ako pababa at mabilis pa rin ang lakad ko, hindi nililingon si Vin. Baka mamaya ay may mambully na sa akin dahil gustong-gusto si Vin, eh. 'Yung parang sa wattpad. Pakiramdam ko kasi any time magkakaroon na ng fan base si Vin at banda niya tapos ay hahabulin na lang siya bigla ng fangirls.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz