"Kapag bibisita lang kayo ni Lola. Kayo magkikita Anastasia?" gulat kong tanong.

"Exactly Zaya! you and Beatrice who only knew that me and Jonathan are in relationship!"

"Pano yung mga taong nagtatrabaho rito? Pano kung may magsumbong kay Lola? Baka-"

"Hindi nila gagawin iyon, dahil isa ang Tatay ko sa taga linis rito. At supportado kami ng mga tao rito." singit ni Jonathan.

Di kami nag-usap ulit. Dinala lang kami ni Jonathan sa isang kubo. At umopo roon. Umopo lang ako sa may pintoan banda. At tinanaw ang niligo. Ang sarap maligo. Di man lang nila sinabi na dito sila magtungo. Edi sana nakadala ako ng damit.

"You want to swim Zaya?" tanong ni Bea sa likod ko.

"Wala akong damit Beatrice." tamad kong sabi.

"Then, we will buy. Look there's a lot of clothes there. We will buy new one."

"Ano ikaw mag babayad?" lumungon ako sa kanya.

Tumango siya."Of course couz, so let's swim?"

Agad akong tumango at hinubad na namin ang aming sapatos. At ipinahawak ang aming shoulder bag kay Tasia na nag-uusap kasama si Jonathan. Nag marathon pa kami ni Bea patungong tubig at lumusong. Grabi ang lamig ng tubig. At ang linaw pa. Pumunta ako sa malalim-lalim. Na taga leeg ko lang. At nagulat ako dahil walang kahirap-hirap na nilangoy ito ni Bea. At tumawa pa siya ng bumalik sa akin. Umawang lang ang bibig kong nakatingin sa kanya.

"See? My Dad teach me how to swim Zaya. So you should visit our house. So that my Daddy will teach you too." pagmamayabang pa niya.

"Ang layo kaya ng bahay niyo. Nasa syudad."

"I'll tell our driver to fetch duuhh!" maarte niyang sabi at tsaka lumangoy ulit.

Edi kayo na mayaman! Buti kapa marunong lumangoy. Ako nga lumangoy man ako pero di ko alam na naka steady lang pala ako.

Lumangoy siya pabalik sa akin.

"You know what Zaya, it's been ahm 3 years since their relastionship begin."

"Luh weeee?"

"What? you don't believe me?"

Natawa lang ako. Umiling naman siya.

"I know their relationship last year. And it's Lola's Birthday also. Anastasia bring me to the barrio of Jonathan. Ahmm it's a nice place. Lots of childrens who makes you over whelmed." tumango-tanngo pa siya.

"Tigilan mo nga yang kaka engling mo Beatrice. Nakaka nosebleed ka masyado!" inis kong sabi.

"I'm starting to speak tagalog na. But my mouth chose to speak english so I don't have a choice." agad siyang nag-iba ng topic at hinawakan ang baba."Is your boyfriend belong to a low class family also?"

"Ano? Hindi nu ang yaman kaya non. Ang Daddy non ay isang sikat na engineer. At tsaka di ko alam kung anong trabaho ng Mommy niya hahaha nakalimotan ko."

"You're the girlfriend. You should know the background of his family!"

"Oo na po."

Nagkamot ako ng ulo. Dahil sa daldal nitong englisherang ito. Lumangoy lang siya ulit. At ako naman ay nanatili lang sa aking pwesto. Tinanaw si Anastasia at Jonathan na masayang nag-uusap. Mahal na mahal niya talaga ang boyfriend niya. Kahit alam naman niyang di papayag ang Lola at Tita. Sa desisyon niya. Humanap parin siya ng paraan upang makapag-usap.

Sa mga dumaang araw lagi kaming pumupunta rito. Ito lagi ang ginagawa namin. Nagdala na rin kamu ng damit ni Beatrice para maligo kami. Gusto sanang sumama nila Ate at Kuya ni Beatrice pero di namin pinasama dahil baka mabuking lang si Anastasia. Pagkatapos naman naming maligo ay pumunta kami sa bahay ni Jonathan. At mamitas ng bayabas. Pinasakay niya pa kami ng kalabaw.

Grabi talaga ang ganda ng lugar ni Lola. Sulit ang sembreak namin dito. Dahil nag-eenjoy kami nila Anastasia at Beatrice. Minsan gabi na kami uuwi papagalitan kami ni Lola pero tumatawa kamo kapag nasa kwarto na kami. Di man lang na miss si Kim dahil nalibang ko ang aking sarili sa pamamasyal. Di ko talaga malilimotan ang bonding namin ditong tatlo. Nagplano pa nga kami na dito kami magbabakasyon. Dahil ang saya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now