"Helen!" sigaw ni Mamay. At tsaka yumakap siya."di na kita nakilala ha? Nasaan nga pala si Eduardo?"

"Hay nako busy!" umikot ang mata niya. At bunaling sa amin."ang laki niyo na mga pamangkin!" nag mano kaming dalawa ni Ate."lalo kana Zen, narinig ko kay Mama na gusto mong maging guro. Katulad namin"

"Oo nga Tita eh" nahihiyang tumawa si Ate. Pati si Mamay.

"Pasok kayo!"

Nagtaka kami. Pero pumasok na rin para maka-usap na rin si Tita.

"Anak mag bless kayo sa Tita Diana niyo!" tumayo naman ang anak niyang lalaki at nag bless kay Mamay. Mga 7 years old ito. Ang sunod naman ay mukhang ka edad ko at mataray na tumayo at nag bless kay Mamay. At umopo agad.

"Anlaki na pala ng anak mo Helen!" natutuwang ani ni Mamay. Nasa likod kami nakaupo.

"Oo nga Ate eh!"

"Teka bakit ikaw ang nag drive? Nasaan ang driver niyo?"

"Umuwi sa kanila" habang ang mata ni Tita ay nakatingin sa daan."saan ka nga pala nag-aaral Zenaya?" bumaling si Tita kay Ate.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanila at nakinig.

"Ah, sa USC po Tita!" sagot naman ni Ate.

"Mahal iyon na University ah? Si Zelestro ang nag gastos sa iyo?"

Nag-alin langang sumagot si Ate. At hilaw na ngumiti. Kaya si Mamay na ang sumagot.

"Oo si Zelestro. Alam mo namang wala akong trabaho." tumatawang sabi ni Mamay.

"Awh sabagay."

Bigla namang napunta sa akin ang usapan.

"Eh itong si Zaya. Narinig kong SH na raw ito. Pareho pala kayo nitong anak kong si Anastasia. Saan ka nag-aaral?"

"Ahm sa PAP po Tita"

"Owww! yung Papa mo pa rin ang nag gastos sa iyo?"

Nagulat naman ako at tumingin kay Mamay. Pero inalis ko nalang ang pagka gulat ko dahil nanalulumong bumaling si Mamay sa akin.

Napatakip ng bibig si Tita."Hehehe sorry nga pala. Di ko sana binanggit iyon."

"Ok lang po Tita alam ko na naman"

Natahimik kami. At tanging hagikhik ng anak ni Tita ang namutawi.

Di nagtagal ay nasa harapan na kami ng bahay ni Lola. Ang mansyon sobrang laki. Mansyon nga diba? Ang bobo ko talaga. Pinagbuksan kami ng gate ng kanila guard. At ipinasok ang sasakyan sa loob ng mansyon. Grabi bagong pintura ito. Agad na binuksan ang pintoan ng anak ni Tita. At patakbong lumabas. Sumunod naman kami. Magkasamang lumabas si Tita at Mamay.

Agad na niyakap ng anak ni Tita si Lola.

"Lola!" sigaw nito. At yumakap.

"Oh my gosh! It's that you Anastasia?"

"Of course Lola" maarte pa nitong ani.

"Oh my Theon!" niyakap ni Lola ang kapatid ng aking pinsan.

Nang kumalas si Lola sa pagkayakap ng anak ni Tita Helen. Tumakbo si Ate at nilagay ang bag sa lupa. Agad naman iyong kinuha ng kasambahay pati ang bag kong dala. Agad na yumakap si Ate kay Lola. Nakangiti ko silang pinasmasdan. Sana all na miss. Nanikip ang dibdib ko. At bumaling si Lola sa akin. At bukas ang braso para sa yakap ko. Naiiyak na tumingin si Lola sa akin. Niyakap ko agad siya.

"Apo ko!" naginginig ang boses ni Lola."namiss kita Zaya."

Ang bango talaga ng Lola ko. Akala ko ako lang ang hindi yayakapin niya. Akala ko galit siya sa akin at hindi niya ako magustohan. Last year kasi di man lang kami gaanong nagkausap. Dahil parang iniiwasan niya ako.

"Namiss ko rin po kayo!" at kinalas niya ang yakap at inayos ang hibla na aking buhok. Tsaka bumaling kila Mamay.

"Helen!"

"Mama!" at niyakap ni Lola si Tita.

Pagkatapos ay tumingin si Lola kay Mamay. At malamig ang titig nito.

"Diana." walang kabuhay-buhay na sabi nito.

Nalungkot naman akong tumingin kay Mamay. Lumapit siya kay Lola.

"Mama" at nagmano.

Di paman nakayakap si Mamay ay tinalikuran na siya nito. Kasama ang mga pinsan ko. Pati si Tita Helen. Dinaluhan namin si Mamay ni Ate at ako. Kinuha ng kasambahay ang bag niya. Pinaubaya naman niya ito.

"May sana di nalang tayo pumunta rito!" mataray na sabi ni Ate. Nang kami nalang tatlo ang natira dito sa labas.

"Ano ka ba. Wag mo yang sabihin. Birthday ng Lola mo bukas."

"Eh kasi parang galit pa rin po siya sayo!"

Nagulat naman ako at sumabat.

"Galit si Lola sayo May? Bakit?"

"Ano? Hindi anak." pagdadahilan ni Mamay.

At pumasok na kami sa loob. Kahit hindi sabihin ni Mamay sa akin. Alam kong galit si Lola sa kanya. Dahil sa trato nito. Nong pumunta kamo noon dito. Ay ganoon rin si Lola kay Mamay. Di nalang ako nag taka ku g bakit. Alam ko namang dahil sa akin. Dahil sa pagkakamali ni Mamay. At ang bunga ay ako. Sana naman ay mawala na ang galit ni Lola kay Mamay. Hays, kahit maraming sekreto si Mamay sa akin. Di ko parin maiwasa na ma awa sa kanya. Ok lang ako ang masaktan wag lang siya...

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now